Himbing na himbing pa rin siya habang nakayakap din sa akin at nakasanday pa ang isang paa nito sa paa ko... Medyo nakanganga pa nga ang bibig nito.

Di ko mapigilang mapangiti... It's indeed a good morning! Di niya rin ako natiis! Muli akong pumikit at ninamnam ang pagkakayakap ko sa kanya... I'm so in love with this man!

--

"Love, good morning... gising na... may pasok ka pa.."

Nagising ako sa haplos niya sa mukha ko...

Ngayon ay nakaupo na siya sa gilid ng kama habang ginigising niya ako...

Alam kaya niyang alam kong tumabi siya sa akin?

"Hmnn... morning love... nag-sleep walk ba ako?.. Alam ko kasi doon ako sa sala natulog kagabi..."

Napangiti ito at hinagkan ako sa noo.

"Lika na bangon na diyan... I prepared breakfast for us.. pati na rin iyong susuotin mo... Mamili ka na lang doon..."

Oo nga pala wala naman pala akong dalang damit dito..

"May mga damit akong binili para sayo... matagal na.. nandoon sa closet. Don't worry lahat iyon bagay saiyo..."

"Thanks, love..."

Bumangon na ako at dumiretso ng banyo..

Masaya kaming nagsalo ng almusal. Hinatid niya rin ako papasok sa opisina.

Pagpasok ko ng opisina ay may bulaklak pa ring naghihintay sa akin sa mesa ko... Edward never fail to amaze me.

***Marco's POV***

Ngayon lang ulit ako nag-stay sa opisina. Kinailangan kong puntahan lahat ng project sites para masigurong natatapos ang constructions on time.

"Thanks!" pasalamat ko kay Kyla pagkatapos niya akong ipagtimpla ng paborito kong kape.

"Nandiyan na ba si May?"

"Yes, boss. Di pa din ba kayo nagkakausap?"

"Hindi pa rin. Alam kong galit pa rin sa akin iyon... Si Edward nga pala kumusta na?"

"Alam ko po sinundo niya kagabi dito si Architect."

"Okay na siya?"

"Siguro. Di naman na kami nagpang-abot. Pinauna na kami ni Architect kagabi. Sabi ko nga ihahatid na lng namin siya ni bestie sa condo ni cuz kasi doon daw siya uuwi... Eh ayaw daw ni cuz.. Gusto siya mismo ang sumundo... Hayy napaka-seloso talaga ni cuz..."

"Doon siya natulog kay Edward?"

"Yup... siya nga rin po ang nagsugod kay Edward sa hospital noong nagkasakit ito..."

My bestfriend is really in love... Pano pa nga ba pipigilan ang taong in love? Kahit malaki ang kasalanan kung iyong taong mismong iyon ang iniibig mo... Nagagawa nga naman ng pag-ibig... Tsk!

Pero kailangan ko na ngang makausap si May. Ang dami pa kasing parating na projects. Baka hindi na namin kayang ihandle ang mga ito.

"Baba muna ako doon kay May..."

"Sige po, boss."

--
Subsob sa trabaho si May nang lapitan ko siya sa mesa niya.

"Mukhang busy ah!"

"Uy, Marco! Kanina ka pa?"

"Kakarating ko lang... Kumusta? Mukhang ang dami mong ginagawa..."

"Oo kailangan eh. Lam mo namang andami nating projects ngayon... Pasensiya ka na nga pala noong wala ako... Mag-isa mo lang hinarap ang mga ito..."

"Okay lang naman. Kaya naman... Yun nga lang dami pa nating parating na projects... I know it's good for the business... pero baka di na natin kayanin..."

"Then why don't we hire more people? Marco, wag kang matakot na lumaki ang kompanya... Ayaw mo ba noon?"

"Lika, kain tayo saglit. Pag-usapan natin."

"Sige, samahan kita. Pero kumain na ako... Nagluto kasi si Edward..."

"Nag-asawa ka na pala di mo man lang sinasabi..."

"Ay grabe! Asawa agad! Di ba pwedeng boyfriend muna?"

"Sarap mong kutusan, eh no! Boyfriend pero doon ka natutulog? Kulang na lang kasal eh!"

Bigla itong natahimik. Nabigla din naman ako sa sinabi ko.

Inakbayan ko ito dahil hindi pa rin siya nagsasalita.

"Oo na naiintindihan na kita, okay? Lika na..."

"Galit ka ba sa akin?" bigla niyang tanong sa akin.

"Hindi po, okay? Ayaw ko lang na naa-agrabyado ka... Bestfriend mo ko di ba? Tingin mo wala lang akong pakialam?"

"Alam ko naman na protective ka sa akin... at na-aapreciate ko iyon.."

"Kaya nga, bestfriend mo ko... Paminsan-minsan makinig ka naman kasi sa akin... Sabagay... tingin ko naman masaya ka na... Yun naman ang importante..."

"Salamat, Marco.."

"Halika na! Namiss na kita!" at kinurot ko ang maliit na ilong nito.

"Miss you, too!"

"Hmp! Kunwari... pero di naman..."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala..." sabay nag-pout na naman ito ng labi niya.

"Biro lang! Lika na!"

***May's POV***

Ang saya ng araw ko. Sa wakas medyo maayos na ang sitwasyon namin bilang magkakaibigan.

Nagdi-discuss kami ni Marco ng mga posibleng gawin sa kompanya ngayong dumarami pa ang mga parating na projects. Nandito kami sa isang resto sa labas ng opisina. Kumain din siya ng breakfast.

Biglang nag-ring ang phone ko. Sinagot ko naman agad ito. Tutal si Marco naman ang kaharap ko...

"You're with Marco."

"Yup! Papano---?"

Nakita ko si Edward sa convenience store na katapat ng resto.. Nakatingin ito sa banda namin. Di siya nakita ni Marco dahil nakatalikod ito.

"Okay... I'm just buying something here... Sige enjoy!"

"Edward..."

Pero binabaan na ako nito ng phone.

"Oh, tumawag si Edward?"

"Ah.. oo.. May ibinilin lang... San na nga tayo ulit?"

Ano naman kaya ang problema ng isang iyon?

Pinagpatuloy na lang namin ni Marco ang pag-uusap. Mamaya ko na lang kakausapin si Edward.

Ilang saglit pa at bumalik na kami sa opisina. Wala na si Edward sa convenience store ng makalabas kami ng resto.

My May, My Enemy (Completed)Where stories live. Discover now