Part 41

2.9K 104 1
                                    

"HINDI KO matanggap na nabigo ko si Analie. Pinagkatiwalaan niya ako na sagipin ang buhay ng daddy niya. Maraming ibang surgeon na mas experienced kaysa sa akin na puwedeng gumawa niyon pero dahil malaki ang tiwala niyang hindi ko pababayaan ang daddy niya, ako ang pinili niyang mag-opera sa daddy niya. Na-disappoint siya sa akin nang mamatay ang daddy niya dahil sa pagkakamali ko. I could have saved him. May chance sana siyang mabuhay but I blew it. Nagalit si Analie sa akin dahil nawalan siya ng ama dahil sa mismong boyfriend niya. Nakipag-break siya sa akin at sinabi niya na huwag na akong magpapakita sa kanya kahit kailan."

Pinagmasdan ni Marian ang profile ng mukha ni Calvin. Nakatingin ito sa malayo habang nagkukuwento ito sa kanya. Nakaupo sila sa isang bench sa parke na hindi matao. Doon nito ikinuwento ang buong pangyayari kung bakit mula sa Davao City ay napadpad sa Quezon City at nagpanggap na ibang tao.

"Hindi lang naman siya ang na-disappoint sa akin," patuloy nito. "Pati ang parents ko. Parehong doktor ang mom at dad ko. Sila din ang may-ari ng ospital na pinagtatrabahuhan ko. Doon inoperahan ang daddy ni Analie. Kaya nang mapatunayan ang na-commit kong medical malpractice, ang kredibilidad ng ospital namin ang nag-suffer dahil anak ako ng may-ari niyon. Hiyang-hiya ako sa kanila. Hiyang-hiya ako sa buong ospital. I was a failure. A failure for a boyfriend, a failure for a son, a failure for a doctor. By then, I knew I did not deserve to work as a doctor anymore. Especially nang bawiin sa akin ang lisensiya ko. I lost all the confidence I have in myself. Dahil hiyang-hiya ako sa parents ko, umalis ako sa amin nang ang dala ko lang ay ang savings ko. Sinabi ko sa kanila na pupunta ako sa States pero sa Maynila ako pumunta. Nagtrabaho ako bilang embalsamador sa isang punerarya sa Sta. Cruz kahit kaya naman ng savings ko na magtayo ng isang maliit na negosyo. Sa tingin ko kasi doon lang ako sa morgue nararapat magtrabaho. Sa mga patay. Dahil hindi ko na kayang pagkatiwalaan ang sarili ko sa mga buhay. Ayoko nang makapatay ulit nang hindi ko sinasadya dahil sa pagkakamali na hindi ko na-anticipate na puwede kong magawa. Hanggang sa mapunta ako kay Aling Poleng."

Hinawakan niya ang balikat nito. Naaawa siya rito. Mukhang napakasakit ng pinagdaanan nito. Kaya pala parang aloof ito sa mga tao noon. May pinagdaraanan pala ito.

"Eventually, nalaman din ng dad ko kung nasaan ako at kung anong ginagawa ko pero hinayaan niya lang ako," patuloy ni Calvin. "Siguro ay para parusahan na rin ako sa mga kahihiyang inabot niya nang dahil sa akin. Gusto ng mom ko na umuwi na ako o kaya ay pumunta ako sa States pero hindi ko siya sinunod. I stayed here because I believed I deserved this kind of life, this unglamorous job, this simple lifestyle. Halos isang taon rin akong namuhay nang ganito. Paraan ko iyon para parusahan ang sarili ko. Araw-araw, sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ng daddy ni Analie. I've been really lonely..." Hinawakan nito ang kamay niya na nasa balikat nito, "until I met you."

Bahagya siyang ngumiti.

"Iyon ang gusto kong sabihin sa 'yo kanina bago dumating si Analie. When you started to talk about forever, I realized na kailangan ko nang sabihin sa 'yo ang totoong pagkatao ko hangga't maaga pa. Hindi puwedeng habangbuhay kong itago sa 'yo kung sino ako. I'm sorry dahil hindi ko agad sinabi sa 'yo ang tungkol sa totoong pagkatao ko. Nahihiya kasi ako sa nakaraan ko. Natatakot ako na baka ma-disappoint ka rin sa akin."

Umiling siya. "Hindi ako na-disappoint sa 'yo kahit katiting. Dahil naiintindihan kita. Hindi ka perpekto. Kahit ang pinakamagaling na doktor ay nagkakamali pa rin minsan. Nagkataon lang na malapit sa 'yo 'yong taong nawala dahil sa pagkakamali mo kaya mas masakit para sa 'yo. Pero baka tama si Analie sa sinabi niya kanina. Baka talagang oras na ng dad niya na mawala. Tanggap na niya na wala na ang daddy niya at napatawad ka na niya. Kaya patawarin mo na rin ang sarili mo."

Ngumiti ito. "Thank you, babe. Salamat sa understanding."

"Tigilan mo na ang pagpaparusa sa sarili mo. Simulan mo na uling ayusin ang buhay mo."

"Maayos na ang buhay ko. Mas masaya ako sa buhay ko ngayon kaysa sa dati. Ayoko nang bumalik sa pagiging doktor. Wala na akong interes na bawiin ang lisensiya ko. Di ko naman talaga pinangarap na maging doktor, eh. Na-pressure lang ako na i-pursue ang medicine dahil parehong doktor ang parents ko at may ospital kami at pati ate ako, nag-doktor din. Gusto ng dad ko na maging brain surgeon ako. Sinunod ko lang siya kahit ang totoo, gusto ko talagang maging engineer. Ayoko na ring bumalik sa Davao. Babalik lang ako doon para makipag-ayos sa dad ko at makita ang mom at sister ko pero hindi ako titira doon. Ang gusto kong mangyari ngayon ay mag-setup ng sarili kong business. Gusto kong upahan 'yong puwesto ni Aling Poleng dahil nabalitaan kong aalis na raw siya doon. Mukhang ililipat na lang niya sa ibang location ang punerarya niya. Gusto kong magtayo ng hardware o auto repair shop doon para magkatapat lang tayo. Sa-sideline pa rin akong embalsamador sa Rest In Peace pero libre lang." Pumunta ang kamay nito sa baywang niya at kinabig siya nito padikit pa rito.

Nasiyahan siya sa plano nito. Mukhang wala itong balak na iwan siya sa gustong mangyari nito. Pero bakit hindi husto ang saya sa dibdib niya? Bakit may alalahanin siya?

"Si Analie? Hindi mo na ba siya mahal?" naisipan niyang itanong.

"Hindi na. She's just a part of my past now. Ikaw na ang mahal ko ngayon." Dinampian nito ng halik ang mga labi niya at tiningnan siya nang buong pagmamahal.

"Paano kung magmakaawa siyang bumalik ka sa kanya?"

"Actually, gusto niyang magbalikan kami. Pero siyempre tumanggi ako. Wala na akong feelings para sa kanya. All I have is respect for her."

Dapat ay secured na siya sa sinabi ni Calvin pero bakit hindi niya maramdaman iyon?

"Anong trabaho ni Analie?" curious na tanong niya.

"She's a professor in Ateneo De Davao."

Muntik na siyang matumba sa kinauupuan niya. Propesora sa Ateneo University! Ibig sabihin, matalino si Analie. Matalino si Calvin. Matalino si Analie. Bagay na bagay ang utak ng mga ito.

"Bakit mo naitanong?"

"Huh?" Napalunok siya. "Wala naman. Para lang may konting alam ako tungkol sa ex mo. Ilang years palang naging kayo?"

"Six years."

"Six years?!" eksaheradong bulalas niya.

"Why?" tila nagtatakang tanong nito.

Umiling siya. "Wala lang. Matagal pala kayong nagkasama." Compatible kasi siguro ang utak ng mga ito kaya nagtagal nang ganoon katagal ang relasyon ng mga ito. Kung hindi lang namatayan ng ama si Analie nang dahil kay Calvin ay malamang na hindi naghiwalay ang mga ito.

Ngumiti si Calvin. "Hey, are you jealous?"

"Hindi ah!" malakas na pagde-deny niya. "Bakit ako magseselos? Wala naman akong dapat pagselosan, 'di ba?" Iyong utak lang siguro ni Analie ang gusto niyang pagselosan.

"Walang-wala. Iyong-iyo lang ako, babe." nangingiting sabi nito. "I love you."

Ngumiti siya. "I love you, too."

Bakit ba siya nag-iisip ng kung anu-ano? Ano naman ngayon kung hindi compatible ang utak nila ni Calvin? Hindi dapat siya maniwala sa sinabi ni Roel na 'Sometimes love is not enough.' Hindi totoo iyon sa lahat ng pagkakataon. Magkaiba sina Roel at Calvin. Tanggap siya ni Calvin kahit hindi siya kasing talino ni Analie. Dapat siyang maniwala sa power of true love.

I Love You To Death [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon