Part 18

2.7K 106 4
                                    


DINAMPOT ni Marian ang bola ng basketball na gumulong sa gawi niya at pagkatapos ay itinaas niya iyon at ngumiti sa mga lalaking nasa basketball court ng kabilang barangay. Lahat ng mga ito ay nagsitinginan sa kanya at gumanti sa ngiti niya, maliban kay Miguel na mukhang walang reaksiyon nang makita siya.

I-t-in-ip sa kanya ni Gigi na naroon si Miguel ng mga oras na iyon at nakikipaglaro ng basketball sa mga kalalakihan sa kabilang barangay. Kumekeme ba si Miguel sa mga boys kaya ito nakikipaglaro ng basketball? Iyong kunwari ay aksidenteng matatapik ng palad nito ang puwit ng kalaro nitong lalaki at sasabihin nitong "sorry, pare, akala ko bola." Iyong babanggain nito ang isang kalaro at willing itong magpa-foul para lang madama ang malapad na dibdib ng lalaki. Ganoon ang style ng mga paminta.

Somehow ay hinihiling niya sa isip niya na tama ang gaydar ni Gigi na straight si Miguel at hindi beki. Maiinsulto siya kung malalaman niyang nagpapanggap lang itong closet queen para patigilin siya sa pagpapa-cute dito pero mas mainam na maging tunay na lalaki ito.

Kaya naroon siya sa basketball court na iyon para isagawa ang kanyang plano. Kailangan niyang mapatunayan ang sexual preference ni Miguel. Hindi niya ito lalaflafin ng bonggels dahil baka sabunutan siya nito kapag ginawa niya iyon. May mas maganda siyang planong naisip.

May narinig siyang pumito. Halata sa mukha ng mga lalaki na na-attract ang mga ito sa kanya. Lahat naman ng lalaki sa mundo ay maaakit sa babaeng maiksi ang suot na shorts na may killer legs—maliban kay Miguel.

Lumakad siya palapit sa mga ito habang dala ang bola na tila isang modelong rumarampa sa runway. Para namang mga asong nakatanghod ang mga lalaki na tila naghihintay ng butong ilalaglag sa mga ito.

"Hi, boys!" bati niya sa pinaka-sultry niyang boses.

"Hi, beautiful!" bati kaagad ng lalaking may goatee.

"Hi, sexy!" bati ng lalaking maskulado.

"Hello, gorgeous!" hirit naman ng lalaking may tattoos.

"Hi, magandang binibini," sabi naman ng lalaking medyo chubby.

Bumuhos ang pagbati ng pitong kalalakihan at pakiramdam niya ay siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Pero ang natatanging taong gusto niyang maka-appreciate ng beauty niya ay walang reaksiyon. Nakatingin lang ito sa kanya. Blank look.

Ano kayang iniisip nito? Naiimbyerna kaya ito sa kanya nang lihim dahil inistorbo niya ang pagpapakasasa nito sa mga kalalakihang iyon na in fairness naman ay may hitsura naman ang ilan?

"Magandang binibini," sabi ng lalaking medyo chubby. "Salamat sa pagdampot ng bola namin. Nakakahiya naman sa 'yo." Nagkakamot pa ito sa ulo na tila nahihiya sa kanya. Kinuha nito ang bola mula sa kamay niya.

"Sexy," tawag-pansin ng maskulado na mukhang sinadyang i-show off ang biceps nito. "Ako nga pala si Greg. Can I have your digits?"

Digits agad? Ni hindi pa nito alam ang pangalan niya?

"Beautiful," tawag naman ng may goatee. "'Di ba ikaw 'yong may-ari ng punerarya doon sa kabilang barangay?"

Tumango siya.

"Hindi ka bagay sa punerarya business," patuloy ng may goatee. "Dapat sa 'yo, sa beauty salon."

Tumawa siya nang mahinhin. "Thanks!"

"Gorgeous, kabaong ka ba?" singit ng lalaking may tattoos sa braso.

"Bakit?"

"Kasi gusto kitang makasama hanggang kamatayan." Sabay kindat sa kanya.

Tumawa na lang siya. Pero parang gusto niyang ibalik dito ang tanong. Kabaong ka ba? Kasi ang sarap mong ibaon sa lupa.

"Pretty woman," tawag naman ng lalaking payat. "Bangkay ka ba?"

At ito pa talaga ang may ganang magtanong kung bangkay siya samantalang ito ang mukhang ready nang ipasok sa ataul sa sobrang payat nito na parang malapit nang malagutan ng hininga. "Grabe ka naman. Bakit?"

"Kasi gusto kitang ilibing sa puso ko." Hinampas pa nito ng nakakuyom na palad ang tapat ng dibdib.

Tumawa siya. Pakiramdam niya ay siya si Neneng B. at bigla na lang papasok si Boy Pick-up para umpisahan ang pick-up line session nila tungkol sa mga patay. Tiningnan niya si Miguel. Parang gusto nang umuwi nito dahil mukhang nabo-bore sa pick-up-ang nagaganap. Bago pa tuluyang mag-walk out ito ay pinansin na niya ito.

"Hi, Miguel!" masiglang bati niya rito.

Napatingin ang lahat kay Miguel.

"Nag-merienda ka na ba?" malambing na tanong niya rito.

Napapalatak ang isa sa mga lalaki. Narinig pa niya ang ibinulong ng isa na "Sayang, kay Miguel pala siya."

"Busy pa kami," kaswal na sagot ni Miguel.

Bumaling siya sa mga kalalakihan. "Boys, puwede bang ibigay n'yo na sa akin si Miguel?"

"Oo naman," sabi ng payat na lalaki. Bumaling ito kay Miguel. "Miguel, sumama ka na sa girlfriend mo."

"Hindi ko siya girlfriend," pagtatama ni Miguel. "Hindi ako sasama sa kanya."

Nagbulungan ang mga lalaki at bigla ay nasa harapan na ulit niya ang mga ito. May nanghihingi ng pangalan at cellphone number niya at may nagyaya ng date. Ang isa ay gusto pang humirit ng isa pang pick-up line pero hindi niya pinansin ang mga ito.

"Sasama ka sa akin. Miguel," mariing wika niya. "Kung ayaw mong sabihin ko sa kanila ang sekreto ng tunay mong pagkatao."

Muli ay nagbulungan ang mga lalaki. Mukhang curious ang mga ito sa sinasabi niyang sekreto. Kumunot ang noo ni Miguel pero biglang nanlaki ang mga mata nito na tila niyon lang na-realize kung ano ang sekretong tinutukoy niya. Sa gulat niya ay mabilis itong nakalapit sa kanya. Hinagip nito ang braso niya at hinila siya palayo sa mga lalaki.

Lihim siyang napangiti. Takot lang ni Miguel na malaman ng mga tsinatsansingan nitong boys na isa itong closet queen.

I Love You To Death [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon