Part 27

2.7K 109 2
                                    


IN FAIRNESS, ang daming tawa ni Marian sa mga jokes ni Val. Saglit niyang nakalimutan ang pinagdaraanan niya nang dahil sa pang-aaliw nito. Dinala siya nito sa isang Korean restaurant nang gabing iyon. Ang loko mahilig din pala sa Koreanovela. In fact, adik ito sa kahit anong Korean. Kpop fan pa pala ito. Idol daw nito ang Girls Generation. Nanood nga raw ito ng DKFC 1 sa SM Mall Of Asia para lang makita ang Girls Generation. Ipinakita pa sa kanya ang mga pictures sa cellphone nito.

Hindi niya inakala na ang isang tulad ni Val ay puwedeng maging Korean addict. Ang akala kasi niya noon ay magiging isang drug addict ito paglaki dahil sa pagiging pasaway at siga-sigaan nito noong bata ito. Akalain mo iyon, they have something in common! Hindi nga lang siya ganoon kaadik sa Kpop pero gusto rin niya ang Korean songs.

Hindi lang iyon ang nalaman niya tungkol kay Val na ikinamangha niya. Isa pala itong nurse. Dati raw itong nagdu-duty sa Davao Doctors Hospital sa Davao City at nang lumuwas sa Maynila one year ago ay sa Makati Medical Center na ito nagtrabaho. Hindi niya ito nai-imagine na nag-aalaga ng may sakit at naglilinis ng pupu sa puwet ng mga matatandang naka-confine sa ospital.

Isang sorpresa si Val. Akala niya ay magiging mamamatay-tao ito paglaki nito. Pero ang nangyari, ito pa ang nag-aalaga sa mga tao para hindi mamatay ang mga ito. Natuwa siya sa kinahantungan ng buhay nito. Humanga siya rito nang slight.

"So, ikaw naman," sabi ni Val habang kumukuha ng isang maliit na piraso ng pork na i-g-in-rill nila sa grilling pan sa gitna ng mesa. "Magkuwento ka naman about yourself. Anong tinapos mong course?"

"Psychology," sagot niya habang kumakain ng jjajangmyeon noodles gamit ang chopsticks.

"Wow. Eh, di marunong kang magbasa ng isip?"

"Hmmm... oo. Marunong akong magbasa ng facial expressions at actions." Pero ang totoo ay nakalimutan na niya kung paano gawin iyon dahil matagal-tagal na rin siyang nakapagtapos at hindi nagamit ang mga pinag-aralan.

"Eh, di nababasa mo ang nasa isip ko ngayon."

Tinitigan niya ang mukha nito. Matiim ang pagkakatitig nito sa kanya. Kung hindi siya nagkakamali ay paghanga ang nakikita niya sa mga mata nito.

"Anong nakita mo?" tanong nito.

Mukhang talagang gusto siyang digahan ng loko. May tinig na nagsasabi sa kanya na patulan na niya ito. Obviously ay pareho silang "kiti-kiti." Ito ang klase ng lalaking sinasabi ni Biboy na hanapin daw niya. Hindi naman mukhang henyo si Val. Dahil kung kasing talino ito ni Roel, di sana ay nag-doktor na lang ito imbes na nurse. Napapatawa siya nito. Pareho silang madaldal. Pareho silang mahilig sa Koreanovela. Mukhang compatible nga talaga sila.

"Nasi-CR ka na," sabi niya sabay dampot ng isang piraso ng pork sa grilling pan at subo niyon. "Sige na. Tumayo ka na. Hihintayin kita rito. Maghugas ka ng kamay pagkatapos, ha." Ayaw niyang makipag-flirt dito. Gusto niyang sabihin nito nang maayos ang intensiyon sa kanya. Ayaw niyang isipin nito na isa siyang babaeng basta-basta at game makipagharutan dito. Once and for all, kailangan na niyang i-establish ang sarili bilang isang babaeng sineseryoso at hindi lamang pinaglalaruan.

Halatang natigilan ito. "Bagsak ka siguro sa subject n'yo sa mind-reading."

"Bakit? Ano bang iniisip mo?" maang-maangang tanong niya.

Muling tumiim ang titig nito. "Hindi mo ba nakikita sa mga mata ko? I think I like you, Marian. Gusto kitang maging girlfriend."

"Agad-agad? Kakakita lang ulit natin ngayon. Noong huling nagkita pa nga tayo, binelatan mo pa ako at tumalikod ka para itaas ang puwet mo at iwinagwag-wagwag mo pa para asarin ako. Tapos ngayon, like mo na ako agad at gusto mo pa akong maging girlfriend? Ang bilis mo namang mag-decide."

Ngumiti ito. "Life is short, Marian. Kaya kailangang bilisan na ang mga bagay-bagay."

"Ibig sabihin kapag sinagot kita ngayon, next week, magpo-propose ka na ng kasal? Hindi kasi natin alam baka by next month, mamatay na ang isa sa atin."

Tumawa ito. "Depende. May mga bagay na hindi inira-rush."

"Mukha ka kasing playboy. Wala akong tiwala sa 'yo."

"Guwapo lang ako pero hindi ako playboy. Hindi pa rin ba talaga nabura ang image ko sa 'yo noon? Sabi ko nga sa 'yo, nagbago na 'ko."

"Kailangan muna kitang kilalanin bago kita tanggapin sa buhay ko."

"Okay. Liligawan muna kita para makilala mo ako nang lubusan. Mag-date tayo araw-araw."

"Araw-araw talaga? Sa lahat ng manliligaw, ikaw ang demanding."

"Gusto lang kitang makita palagi. Imagine from Makati to QC, magda-drive ako araw-araw, makita ka lang. Mag-e-effort ako para sa 'yo." Gumapang ang kamay nito at ginagap ang kamay niya na nakapatong sa mesa. "I will do anything to make you feel special." Kung makatingin ito ay parang siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

Bakit ganoon? Bakit wala siyang makapang kilig sa katawan niya? Guwapo naman si Val. Bagaman may kapreskuhan ay mukhang kaya naman niyang soplahin ito. Impressive naman ang qualities nito sa kasalukuyan at mukhang bagay ang personalities nila.

Siguro kaya ganoon ay dahil hindi pa siya handang magkagusto sa iba dahil nasa puso pa niya si Miguel. Pero kailangan niyang makalimutan ang guwapong embalsamador. Kailangan niyang isipin na walang-wala ito kay Val pagdating sa personality at iba pang bagay. Outgoing at fun si Val, samantalang si Miguel ay anti-social at suplado. Nurse si Val sa isang sikat na ospital, samantalang si Miguel ay embalsamador lang sa isang cheapanggang funeral parlor ng isang matandang mangkukulam. May kotse si Val, si Miguel ay wala ni scooter.

Pero bagaman guwapo at maganda ang tindig ni Val ay mas guwapo at matipuno si Miguel kaysa sa una. Mas malakas ang karisma ni Miguel. Kahit hindi ito magsalita ay mahahalina ka dahil para itong buhay na magnet na hindi kakayanin ng isang babaeng hindi dumikit dito. Mapupungay ang mga mata nito na kapag tumitig ay kikiligin pati ang splitends mo. At ang halik nito... dadalhin ka sa universe sa sobrang sarap.

Magtigil ka, Marian! saway niya sa sarili. Kailangan niyang kalimutan si Miguel. Kailangan na niyang isipin na tulad na rin ito nina Roel, Leo at Randy na wala nang halaga para sa kanya. May dahilan kung bakit dumating o bumalik si Val sa buhay niya sa mga panahong iyon. Ito ang ipinadala ng tadhana para maka-move siya kay Miguel.

Malaki rin ang magiging silbi ni Val para maipakita niya kay Miguel na naka-recover na siya at masaya na siya ngayon. Ibabangon niya ang pride niyang niyurakan ni Miguel nang bastedin siya nito. Ibabalandra niya sa harapan nito si Val. 

I Love You To Death [COMPLETED]Where stories live. Discover now