Part 20

3.2K 111 1
                                    


NAKATULALA lang si Marian habang si Ma-ne ay feel na feel ang pagre-report sa kanya ala-executive assistant to the CEO tungkol sa sales report na pinaayos niya rito para sa buwang iyon. Dahil wala siya sa sarili ay hindi na niya napansin ang pagta-trying hard nitong mag-English. Ang isip niya ay lumilipad palabas ng bintana papunta sa katapat na bintana, papasok sa morgue ng katapat na punerarya. Doon ay nae-envision niyang busy si Miguel sa pagtatanggal ng mga lamang-loob ng isang bangkay. Duguan ang mga kamay nitong may gloves na may hawak na atay at gall bladder. Pero bakit ang hot pa rin nito kahit nakakadiri ang ginagawa nito?

Hindi pa rin niya makalimutan ang naglalagablab na sandaling namagitan sa kanila ni Miguel sa pader ng eskinita kahapon. Grabe ito kung makahalik. Mga kalahating oras yata siyang nakatanga sa pinag-iwanan nito sa kanya dahil sa sobrang pagkamangha siya sa naganap. Alam niyang hinalikan siya nito para patunayan ang pagkalalaki nito pero hindi niya maiwasang isipin na gusto rin nito ang ginawa nito sa kanya. Kung hindi siya type nito ay hindi siguro siya hahalikan nito nang ganoon ka-intense at katagal. Mukhang may pagnanasa din ito sa kanya pero pinipigilan lang nito. At kahapon ay humulagpos iyon.

Parang nadarama pa rin niya ang mga labi nito sa mga labi niya. Napakagaling nitong humalik. Kung ikokompara ang ex-boyfriends niya sa kakayahan ni Miguel na humalik, magmumukhang amateur teenagers ang mga ito. Niyon lang niya naranasang mahalikan nang ganoon kasarap. Kaya siya parang timang na nawawala sa sarili sa kakaisip sa halik na iyon.

"Marian!" tawag ng isang baklang tinig sabay palakpak sa harapan ng mukha niya ng dalawang kamay.

"Ay, kabayo!" Nagulat siya. Saka lang niya napagtantong naroon na rin pala si Gigi.

Nakatitig ang dalawa sa kanya. Halata ang curiosity sa mukha ng mga ito.

"Kanina ka pa tulaley, Mars," puna ni Gigi. "Anong tinira mo?"

"Napagod na ang ngalangala ko sa kakapaliwanag sa 'yo ng tungkol sa sales report pero hindi ka naman pala nakikinig," reklamo ni Ma-ne. "Akala ko naa-amaze ka lang sa English ko kaya ka napatulala. Iyon pala... Ano bang meron, Mars?"

Ipinaglipat-lipat niya ang paningin sa dalawa. Hindi niya alam kung dapat niyang sabihin sa mga ito ang tungkol sa paghalik sa kanya ni Miguel. Alam niyang magwawala ang dalawa sa inggit at kukuyugin siya ng mga ito. At isa pa ay parang gusto na lang niyang i-secret ang moment na iyon. Private kumbaga.

"Umamin ka," ani Gigi. "May ginawa kang kasalanan, no?"

Kasalanan ba ang masarapan sa halik ni Miguel? Kung ganoon ay OO. Isa siyang makasalanang babae at dapat siyang pagbabatuhin ng mga bato.

"May napatay ka ba?" tanong ni Ma-ne na mukhang naalarma na. "'Wag kang mag-alala. Pagtatakpan ka namin."

"Gaga," sabi niya sa best friend. "Nakapatay agad? Hinalikan lang ako ni Miguel." Napatutop siya ng bibig nang ma-realize kung ano ang hindi sinasadyang naibunyag.

Nagsinghapan at naglakihan ang mga mata nina Gigi at Ma-ne.

"Hinalikan ka ni Miguel?!" halos sabay pang pagkompirma ng mga ito.

"Shhh! 'Wag kayong maingay. Baka magising 'yong mga patay sa morgue sa baba!"

"Pero totoo ba talagang hinalikan ka ni Miguel?" tanong ni Gigi.

"Oo, teh. Nag-laflafan kami."

Napanganga si Gigi sabay tutop sa bibig ng palad. "Sinunod mo ang payo ko! Hinalikan mo nga siya!"

"Hindi ko siya hinalikan. Siya ang humalik sa akin. Na-provoke siya. Alam mo naman ang mga lalaki kapag pinagdududahang bakla sila, nanghahalik. At napatunayan ko na hindi nga siya bakla dahil grabe 'yong halik niya sa akin kahapon. Sibasib talaga, teh. Makatanggal-panga."

I Love You To Death [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora