Part 38

2.8K 106 3
                                    


"ONE million views na sa YouTube, Mars."

Napangiti at napailing-iling si Marian sa ibinalita ni Gigi. May nag-upload sa Internet ng video ng buong pangyayari sa suicide attempt niya sa tulay two weeks ago. Noong ibinalita sa kanya nina Ma-ne at Gigi ang tungkol doon ay parang gusto uli niyang tumalon sa tulay sa labis na kahihiyan. Nang time na iyon ay one hundred thousand na ang views ng nasabing viral video. Sumasabog ang comment area sa komento ng mga taong nakapanood ng video. May mga nagtawa at ginawa siyang katatawanan, nagsabi na baliw siya, nag-comment na hindi sila bagay ni Miguel dahil mas bagay daw si Miguel at ang babae o baklang nagkomento, nagsabi na sana ay itinuloy na lang niya ang pagtalon at kung anu-ano pang harsh words mula sa netizens. Pero kahit ganoon ay mas marami naman ang natuwa at kinilig sa love story nila ni Miguel. Lalo na nang mabalita sila sa TV Patrol. May mga reporters na nagsadya pa sa punerarya niya para manghingi sa kanya ng interview. Bigla ay naging instant public figure siya at nagkaroon siya ng fan page sa Facebook.

Tila naging national controversy ang suicide attempt drama niya. Natabunan na naman ang isyu kay Napoles. May gumawa pa nga ng satire movie posters niya na kumalat sa Facebook na may pinamagatang "The Bridge" at may picture siya na nakapikit siya at nakadipa ang mga kamay niya habang nakatayo siya sa ibabaw ng barandilya ng tulay. May meme versions na rin sila ni Miguel at nagkaroon na rin ng fan fiction ang love story nila sa Wattpad. Dumami ang followers niya sa Twitter at Instagram at nakasama siya sa top searches ng Google Philippines. Mayroon pa ngang talent scout na nag-alok sa kanila ni Miguel na mag-artista pero tinanggihan nila ito. Gayunpaman ay pinag-iisipan niya kung tatanggapin niya ang TV commercial ng isang papaya soap.

Nang dahil sa instant popularity niya ay bigla ring nag-boom ang pasok ng costumers sa Rest In Peace. Napuno ng bangkay ang morgue nila. At dahil doon ay nilangaw ang Mary Paulene. Wala nang guwapong embalsamador na sasagip pa rito dahil sa punerarya na niya nagtatrabaho si Miguel. Nabalitaan niya na sinubukan ni Aling Poleng na gawin ang ginawa niya para sumikat ito. Tumayo ito sa tulay at in-announce nito sa mga tao na magsu-suicide din ito pero walang pumansin dito. Dinaan-daanan lang ito ng mga jeep at pinausukan ng mga tambutso. Kaya nag-decide ito na umuwi na lang. May bulung-bulungan na binabalak ni Aling Poleng na gawin na lang bakery ang Mary Paulene. Goodluck na lang sa mga bibili ng tinapay na amoy bangkay.

Naging blessing in disguise ang minsang pagkawala niya sa sarili dahil sa matinding depresyon. Gumanda na ang samahan nila ng kanyang kapatid, nalaman niya na mahal din pala siya ng taong mahal niya at napabagsak niya si Aling Poleng at ang punerarya nito. Wala na siyang mahihiling pa sa buhay niya. Napakasaya niya.

"May death threat ka na namang bagong dating, Mars," balita ni Ma-ne at inabot nito ang papel sa kanya.

"Okay." Kinuha niya iyon at binuklat.

Layuan mo si Miguel kung ayaw mong ikaw na ang susunod na eembalsamuhin niya.

Umikot lang ang mga mata niya at itinambak iyon sa basket na puno ng death threat letters para sa kanya. Dalawang linggo na siyang nakakatanggap ng mga sulat ng pagbabanta mula sa iba't-ibang babaeng nagnanasa sa boyfriend niya at mga bitter dahil siya ang minahal ni Miguel. Alam niyang dalawa sa mga sulat na iyon ay nanggaling kina Rhodora at Aling Poleng. Mamatay sila sa inggit! Kiber lang siya sa mga pagbabantang iyon dahil mahusay ang "bodyguard" niya—si Miguel. Alam niyang hindi siya hahayaan nitong mapahamak.

I Love You To Death [COMPLETED]Where stories live. Discover now