Part 11

2.9K 98 4
                                    


NAKAILANG pose na si Marian kada sampung segundo. Naroong iliyad niya ang kanyang cleavage habang nagta-type ng "asdfghjkl" sa blankong word document sa computer. Naroong hawiin niya ang buhok sa kaliwa at i-expose ang kanang bahagi ng kanyang makinis na leeg at balikat. Naroong kumagat siya ng hotdog sandwich na may tumutulong mayonnaise sa gilid ng kanyang bibig at dinilaan niya iyon para ibalik sa bibig. Naroong itaas niya ang kanyang binti sa desk habang naka-slump sa kanyang swivel chair upang i-expose ang kanyang legs.

Lahat ng iyon ay turo ni Gigi. Ang totoo ay medyo nalaswaan siya sa mga iyon kaya lang ay hindi siya marunong mang-akit ng lalaki kaya sinunod niya ang mga bilin nito. Hindi kasi niya ginawa sa mga naging nobyo at manliligaw niya iyon. Basta naakit na lamang ang mga ito sa kanya nang hindi na niya kailangan pang sumubo ng hotdog. Ngunit iba raw si Miguel. Sa dami ng mga babaeng humahabol dito ay mukhang hindi ito madaling maakit at hindi nakukuha sa pagpapa-charming lang. Kailangan daw talaga niyang mang-akit sa paraang sexy.

Nang muli niyang tingnan si Miguel na nakadungaw sa bintana ay nakita niya ang kaparehong ekspresyon ng mukha nito na palagi niyang nakikita sa tuwing nahuhuli siya nito sa nakakahiyang tagpo. Walang bakas na naaakit ito sa mga pinaggagawa niya. Walang pagnanasang nakalarawan sa mga mata nito. Sa halip ay parang gusto nitong matawa.

Nang mawala na ito sa bintana ay napaisip siya. Bakit parang hindi yata ito mahilig sa mga babae? Ang sabi ni Gigi ay wala raw itong pinapatulan sa mga babaeng nagpapa-charming dito. Wala itong nobya. At mukhang hindi ito naaaakit sa kanya sa kabila ng mga pinaggagawa niyang pangse-seduce.

Nahigit niya ang paghinga kasabay ng pagkahulog ng hotdog sa sahig. Teka nga. Hindi kaya... bading si Miguel?

"Oh, no!" Bigla siyang napatayo at tumakbo palabas ng opisina niya. Sa pagmamadali ay nadapa pa siya.

I Love You To Death [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt