Part 6

3.3K 106 3
                                    


TUMAAS-BABA ang dibdib ni Marian sa paghinga nang malalim para pigilin ang matinding emosyon habang nakasilip sa bintana katabi sina Gigi at Ma-ne at nakatanaw sa grupo ng mga babaeng nasa harap ng pinto ng katapat na punerarya.

Isang linggo pa lang ang nakakalipas simula nang dumating si Miguel sa Mary Paulene Funeral Parlor pero binago nito ang sitwasyong pinaghirapan niya ng dalawang buwan. Hindi na lang nito fans ang mga babaeng nakapila sa labas ng punerarya ni Aling Poleng, kundi customers na! Pinagsabihan kasi ng matanda ang mga ito na huwag nang tatambay sa harapan ng punerarya nito kung hindi customers ang mga ito o hindi magdadala ng customers ang mga ito. Iyon lang ang paraan para makausap ng mga babaeng iyon si Miguel.

Hindi niya alam kung saan nagkukuha ng mga patay ang mga babaeng iyon. Ang sabi ni Gigi ay baka pumatay pa ang ilan sa mga iyon para lang magkaroon ng paraan upang makita at makausap si Miguel. Palibhasa ay sadyang makikiri ang mga karamihan sa mga babae sa lugar nila. Kunsabagay ay halos walang guwapo sa lugar nila. O mas tamang sabihing walang kasing guwapo at kasing lakas ng sex appeal ni Miguel doon. Kaya nang makakita ng guwapo ay parang sasabog ang matris ng mga ito.

Sa limang araw na iyon ay dinudumog ng customers ang Mary Paulene. Pati ang patay galing sa Batangas ay nakarating pa ng QC. In short, nakakabangon na si Aling Poleng. Umaangat na ang sales nito. At lahat ng iyon ay dahil sa yumminess ni Miguel.

"Ang sarap hagisan ng granada ang mga makikiring 'yan," iritadong sabi ni Gigi. "Bet kong panoorin na nagtatalsikan ang mga obaryo nila."

"Kung anu-ano pang ginawa natin," reklamo ni Ma-ne. "Sumakit ang brain cells natin kakaisip ng slogan, namaos ako kakanta sa mga patay nang libre, nag-audition pa si Gigi sa Day Off para makahatak ng customers... pero mukhang mababalewala lang ang lahat ng iyon dahil sa fafang embalsamador ni Aling Poleng."

"Kung magpapatuloy 'yan, baka magkatotoo ang banta ng mangkukulam," worried na sabi ni Gigi. "Baka mapabagsak niya tayo."

Naggiritan ang mga ngipin niya. "Hindi ako makakapayag na mangyari 'yan."

"Anong gagawin natin, Mars?" nag-aalalang tanong ni Ma-ne.

"Tatapatan natin sila? Kukuha tayo ng guwapong embalsamador?" panghuhula ni Gigi.

"Hindi," tugon niya. "Wala na tayong makukuhang embalsamador na ganoon kaguwapo. Masama man ang gagawin natin pero iyon lang ang tanging paraan para--"

Suminghap si Ma-ne kaya natigil siya sa pagsasalita. "'Wag mong sabihing ipapa-salvage na natin si Aling Poleng?" bulong nito.

"Gaga," asik niya rito. "Mukha na ngang patay, ipapapatay pa natin. Ano, double dead?"

"Eh, anong gagawin natin?" tanong ni Ma-ne.

Isa lang ang naiisip niyang paraan para mapigilan ang muling pagbangon ng Mary Paulene. "Kailangan nating makuha si Miguel."

Biglang ngumiti nang pilya si Gigi. "Uuuy... bet! Ki-kidnap-in natin?"

"Hindi natin siya ki-kidnap-in. Ipa-pirate natin siya. Aalukin natin siya ng mas malaking suweldo para lumipat siya sa atin."

Lumarawan ang approval sa mukha ng dalawa.

"Havey 'yan, teh! I-push mo 'yan!" ani Gigi. Nahalata niya na kinikilig ito dahil kung sakaling lumipat sa kanila si Miguel ay makakasama na nito sa loob ng morgue ang lalaki.

"Oo nga, Mars," sang-ayon ni Ma-ne. "Kapag lumipat siya sa atin, lilipat din sa atin 'yang mga babaeng 'yan na nag-aahente ng patay nang libre sa ngalan ng kalandian. Tuluyan nang hihina ang punerarya ni Aling Poleng at babagsak."

Humalukipkip siya. Ayaw sana niyang makasama ang kasing guwapo ni Miguel sa punerarya niya. Ayaw niyang makita ito na palakad-lakad lang doon nang naka-sando at labas ang big biceps at kapag nainitan ito dahil summer ay magtataggal ito ng sando at ie-expose ang six-pack abs nito sa paningin niya. Pero wala siyang choice. Kahit ayaw niya ay kailangan niyang pagtiisan ang yumminess nito. Para ito sa Rest In Peace. Kailangan niyang magsakripisyo.

I Love You To Death [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora