Part 35

2.8K 96 4
                                    


"MA-NE, naaalala mo ba noong high school tayo? Ang dami nating kalokohan noon, 'di ba?" nakangiting sabi ni Marian sa kanyang best friend. Dinala niya ito sa isang parkeng walking distance lang sa lugar nila. Nagtaka ito kung bakit niya ito dinala doon pero sinabi niya lang na trip niyang mag-reminisce. Doon kasi sila mahilig tumambay noon. Hindi nabura ang pagtataka sa mukha nito pero mukhang sinakyan na lang siya nito.

"First time nating nag-cutting classes noon para lang manood ng Eat Bulaga sa studio," pagre-reminisce niya. "Isinama tayo nina Mina. Pag-uwi natin sa mga bahay natin, kinurot tayo sa singit ng mga mama natin dahil nakita tayo sa TV."

"Oo. Pero hindi ko pinagsisisihan 'yon. First time kong makakita ng artista. Eh, naalala mo noong pinagalitan ka ni Ma'am Inarez dahil wala kang assignment? Pinahiya ka niya sa klase kaya iyak ka nang iyak noon. Kaya ang ginawa ko, ipinaghiganti kita. Kinabukasan, nilagyan ko ng bubblegum 'yong upuan niya nang 'di niya nalalaman. Maghapon siyang lumalakad-lakad sa school nang may nakadikit na bubblegum sa puwet."

Natawa siya. "Oo! Tawa nga ako nang tawa noon, eh. Eh, no'ng inaway tayo ng grupo nina May-May. 'Di ba nilagyan natin ng ipis 'yong mga bags nila noong PE class? Pagbalik nila at nakita 'yong mga ipis, nagsitilian at nagtakbuhan sila. Nadapa pa si May-may!"

Tawa nang tawa si Ma-ne.

"Ang dami nating memories together no?" sabi niya.

"Oo. Twelve years na tayong magkasama. Fourteen tayo noong naging mag-best friend tayo." Bumuntonghininga ito. "Twenty-six na tayo ngayon pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Ikaw kasi."

"Bakit ako?"

Umismid ito. "Tinatanong mo pa? Walang nagkakagusto sa akin dahil kapag magkadikit tayo, pumapangit ako."

Napangiti siya. "Loka! Pareho lang naman tayong malas sa love. Pero 'wag na nating pag-usapan 'yon. Gusto ko lang ng good memories. Magkuwento ka pa, dali!"

Kumunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. "Parang may kakaiba sa 'yo simula pa kahapon."

Nahalata ba nito ang balak niya? Hindi naman siguro. Parang si Biboy lang. Ganyan din ng kapatid niya kaninang umaga. Pinaghandaan niya ito ng masaganang almusal kanina at ginising niya ito para magkasabay silang kumain sa huling pagkakataon. Yamot na yamot nga ito sa ginawa niya pero hindi siya nagalit sa pagdadabog nito.

Habang kumakain sila ng almusal nang magkasabay ay nakipagkuwentuhan siya rito tungkol sa relationship nila bilang magkapatid mula noon. Nag-sorry siya rito kung madalas siyang mawalan ng pasensiya sa pagiging pasaway at barumbado nito. Sinabi rin niya dito na mahal niya ito kahit palagi niya itong binabatukan. Nagtaka ito sa ginawi niya. Pinagbintangan pa nga siya nito na nagda-drugs na daw siguro siya.

Nang yakapin niya ito kanina bago siya umalis ng bahay ay hindi ito kumawala. Na-touch siya nang yakapin din siya nito. Muntik na siyang mapaluha kung hindi lang nito sinabi na "Shabu pa, 'te. Shabu pa!" Tumakbo ito at binato niya ng tsinelas ito. Kinantiyawan pa siya nito na magpa-rehab na daw siya. Hinabol niya ito hanggang itaas ng bahay. Iyon ang magiging huling alaala nilang magkapatid. Hanggang sa huli ay nagrarambulan pa rin sila.

Baka tulad ni Biboy ay iniisip lang din ni Ma-ne na nagsha-shabu rin siya. Nginitian niya si Ma-ne at inakbayan ito. "Ano ka ba? Masama bang maging nostalgic paminsan-minsan?"

Biglang sumeryoso ito at lumarawan ang concern sa mukha nito. "Okay ka na ba talaga? O itinatago mo lang ang bigat sa dibdib mo? KIlala kita, eh. Hindi ka basta-basta nakaka-recover nang mabilis. Lalo na 'yong ginawa sa 'yo ni Val..."

"Nag-mature na ako, Ma-ne. At saka hindi naman talaga ako na-rape."

"Sigurado ka?"

Tumango siya. Gustung-gusto niyang aminin dito tungkol sa depresyong nararamdaman pero kahit damayan siya nito ay alam niyang walang magiging silbi iyon. Recently ay may lalaking nanliligaw kay Ma-ne. Natatakot siya na baka maunahan pa siyang mag-asawa nito. Lalo siyang made-depress kapag nangyari iyon. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit napagdesisyunan niyang wakasan na ang buhay niya.

Isang oras din silang nagkuwentuhan tungkol sa nakaraan bago niya sinabihan ito na bumalik na sa opisina at iwan siya roon. Nagdahilan siya na may iba pa siyang pupuntahan. Bago umalis ito ay niyakap niya ito gaya nang ginawa niya kay Gigi. Nakita niya ang matinding pagtataka sa mukha nito lalo na nang sabihin niyang "I love you, bestie!" Parang alanganin pa itong iwan siya roon. Malabong malaman nito ang binabalak niya. Kung hindi siya matalino, mas hindi matalino si Ma-ne. Kaya hindi nito mafi-figure out kung bakit ganoon ang ikinikilos niya.

Nang maiwan na siyang mag-isa ay inilabas niya ang Red Horse niya sa bag at ininom iyon. Ang totoo ay hindi pa rin talaga niya napagdedesisyunan kung paano siya magpapakamatay.

A. Tatalon ba siya sa tulay para kunwari ay eksena lang sa isang pelikula?

B. Magpapasagasa sa LRT, tutal ay trending naman iyon sa Twitter now-a-days. #LRTsuicide

C. Iinom ng lason para maganda pa rin kapag inilagay na sa casket.

D. Magbibigti dahil iyon ang uso sa mga Korean celebrities.

E. Magbabaril sa sentido para patay agad-agad.

F. Magsasaksak dahil mahal ang baril.

May sipa na ang Red Horse sa kanya nang dumampot siya ng anim na maliliit na bato ay ihilera niya ang mga iyon sa bench sa parke. Nagmini-mini-minimo siya para pagpilian kung ano sa mga iyon ang gagawin niya. Tumapat sa unang bato ang "mo" kaya samakatuwid ay ang option A ang dapat niyang gawin.

Tatalon siya sa tulay. Tumangu-tango siya sabay luglog ng Red Horse. Itinapon niya ang boteng may laman pa at tumayo siya at naglakad para maghanap ng tulay.

I Love You To Death [COMPLETED]Where stories live. Discover now