"Anong sinabi mo?" Takang tanong ko. Linapitan niya ako. Ang seryoso ng mukha niya. Parang nanghahamon ng away.

"Hoy Nate! Ang seryoso natin ah!" Sigaw ni Alex pero hindi niya ito pinansin at tinitigan lang ako. Ano naman kaya problema nito?

"Don't you dare to hurt Justin. Mark my word, James.." Sabi niya at bawat salita na binabanggit niya ay may diin. Halatang seryoso siya dahil tinawag niya ako sa una kong pangalan.

"So alam mo na pala?" Tanong ko. Tumango siya.

"Ano yan ah share niyo naman!" Sigaw ni Jan Dane.

Lumapit naman si Tristan at inakbayan niya kaming dalawa.

"Anong problema niyo?" Takang tanong niya at tiningnan ako.

"Wala naman. Pina paalala ko lang sa kanya ang mga sinabi ko.." Sagot ni Nate at ngumiti.

"Ano ba yun? Anong Justin ang pinag uusapan niyo?" Tanong ni Jan Dane at lumapit siya sa amin ganun din si Alex.

"Tanungin niyo sa Unggoy na yan!" Natatawang sagot ni Nate kaya napatingin silang lahat sa akin.

Napailing ako at tumingin kay Nate na nakangisi na parang nang aasar. Gaya ko bipolar din yang Unggoy na yan.

"Kami na ni JD.." Sabi ko. Tumingin lang sila sa akin na parang wala lang. Anong reaksyon yan? Hindi nila ako aasarin?

Nang makabawi sila sa sinabi ko.

"Kayo na?!" Sabay sabay nilang sigaw kaya napahawak kami ni Nate sa tenga at kinuskos kuskos, kung makasigaw naman. Taena!

"Oo nga!" Sigaw ko at naupo sa sofa.

"Ang ingay ingay niyo!" Sigaw ni Nate sa kanila at pinag babatukan sila kaya natawa ako.

"Bat mo kami binatukan?!" Sigaw ni Jan Dane habang himas himas ang kanyang ulo.

"Ang ingay niyo kung maka react kayo diyan eh!" Sigaw niya pabalik.

"Bakit ka niya sinagot?" Takang tanong ni Alex kaya humagalpak sila ng tawa. Sinamaan ko sila ng tingin, at bakit naman hindi?

"Unggoy! Gwapo kasi ako!" Sigaw ko sa pag mumukha nila.

"Congrats bro!" Sabi ni Tristan at nakipag apiran pa sa akin kaya napangiti ako.

"Congrats.." Sabi ni Alex at lumapit at nakipag fist bump.

"You deserve it bro!" Sabi ni Jan Dane at ngumiti kaya napangiti ako.

"Salamat!" Sabi ko at niyakap naman nila ako at nagtawanan. Mga Unggoy talaga.

"Congrats bro!" Sabi ni Nate at tinapik tapik pa ang balikat ko.

"Thanks bro!" Sabi ko at tumango naman siya.

"Group hug!" Sigaw ni Alex at nagyakapan naman kami at nag tawanan.

Yan ang mga kaibigan ko. Kahit anong mangyari nandyan kami para sa isa't isa. May moral support sa isa't isa. Mga Unggoy talaga.

Dane's POV

"Ano?!" Sigaw nila Couz at Nick nung sinabi kong kami na ni EJ. Si Nate ang una kong sinabihan bago sila.

"Ang sabi ko kami na ni EJ.." Pag uulit ko kaya nagsilapit sila sa akin.

"Oh my gosh! Anong nangyari?" Tanong ni Nick. Kwinento ko naman lahat sa kanila. Pagkatapos kong ikwento todo kilig naman sila.

"Oh my gosh! How's sweet!" Kinikilig na sabi ni Couz at hinampas hampas pa ako.

"Oo nga!" Sabi naman ni Nick at hinampas hampas din niya ako. Aray ha?! Kanina pa sila hampas ng hampas sa akin. Ang sakit huhuhu!

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon