FF#4: Crimes : unknown (Zae)

Start from the beginning
                                    

"Sige mauuna na rin ako. May klase pa ako hanggang alas otso ng gabi,"paalam ni Lav, pagkatapos ay tumayo na ito.

"Uuwi na ako wala na akong klase maghahanda na ako ng susuotin ko,"ani Kely.

"Sabay na tayo,"anyaya ni Sof kay Kely.

"Bye pasukan ko na last subject ko. Ikaw at si Lav lang ang hihintayin mamaya,"wika ni Clyde.

Naghiwalay na sila ng daan. Si Zae ay pabalik sa motorbike, para kunin ang iniwan niyang damit. Magpapalit siya ng t-shirt may punit kasi ang dulo nito. Pakiramdam ni Zae ay may nakamasid sa kanya. Handa na ang dalaga dagdag pa niya ay kung sino man ito huwag siyang magkakamaling lumapit dahil lumalabas ang pagiging black belter niya.

Pakiramdam niya ay nasa likod na niya ito. Hindi nga siya nagkamali, hinawakan ng kung sino ang braso ni Zae. Naging mabilis ang kilos ng dalaga. Pagkaharap ay agad nitong hinawakan ang kamay at siniguradong nai-lock ang pulsuhan nito. Napaluhod sa sakit ang estranghero samantalang ang siko ng dalaga ay nakalock sa leeg nito, isang maling galaw lang basag ang baba ng malas na estranghero.

Walang anuman na takot o emosyon ang rumihistro sa mukha ni Zae. Nakatingin lang ito sa binata na para bang sinasabi nito na ipaliwanag ang pakay niya sa paglapit sa kanya.

"F*ck papatayin mo ba ako?!"Galit na wika ni Marc.

Inalis ng dalaga ang siko sa leeg ni Marc ngunit nanatiling hawak nito ang kamay ng binata at hindi ito bastang makakatayo kung ipipilit niya ay mababalian siya.

"Ayoko tumawag ng disciplinary I just want to ask. Ouch!...this!"Giit ni Marc. Sabay pakita nito ang hawak na papel na nakalamukos.

'It's a small world, siya pala ang may ari ng kotse', ani Zae.

"Sinisingil mo na ba ako?"

"So, ikaw nga ang bastos na estudyanteng hindi marunong sumunod sa trapiko."

'Nagkataon lang na ako ang nataymingan mo kung tutuusin mas malala pa ang iba sa akin. Lalo na ang may mga kapit na animo pati kalsada ay nabili na nila.' Rason ni Zae pero siyempre tinatamad na siyang isatinig ito.

Binitiwan ng dalaga si Marc nang may iilang tao na sa parking area. Umayos ito ng tayo sabay pagpag ng damit niya.

"I'll pay after my class."Hindi na hinintay ni Zae kung may sasabihin man ang binata. Aniya for sure matagal na kwentahan ito nabasag pa man din ang left side mirror ng Xperia.

"Miss!"Tawag ni Marc.

Isang huling matalim na tingin ang iniwan niya sa binata bago tuluyang lumakad palayo.

Pagdating sa silid-aralan talamak ang tsismisan at wala siyang pakialam sa kanila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Pagdating sa silid-aralan talamak ang tsismisan at wala siyang pakialam sa kanila. Nanahimik lamang siya sa bakanteng upuan sa tabi ng pinto nang biglang may kumalabit sa kanya.

"Miss, may nakaupo ba rito?"ani Ezekiel.

Imbis na sumagot ay nagkibit-balikat na lang siya sabay talikod. Tatanong pa malay ba niya kung may umuukopa sa upuan.

"Morning, seniors!"Wika ng bagong dating na si Marc.

Dumating na pala ang professor umayos na ang lahat ng upo. Bumati silang lahat syempre tinatamad na naman si Zae. Nakatingin lang ito sa sahig. Nag angat siya ng tingin sakto rin namang napatingin sa pinto ang kadarating lang na guro kaya nahagip nito ng tingin ang dalaga. Iisa ang reaksyon nila, gulat!

Kapwa nanlaki ang mata nila, unang umiwas ng tingin ang guro at agad na inayos nito ang postura sa harap ng mga mag-aaral. Samantalang ang dalaga ay balik na ulit sa mukhang hindi kakikitaan ng emosyon.

"Get 1/4 index card attach your 2x2 pic. Write your name, surname basis. Contact number and our class schedule. Pass it on the aisle."

Index card ang buhay ng kolehiyo hindi na ito nawala sa sistema pero at least hindi na sila nagsusuot ng kahihiyang name tag.

"Raise your hand as I call your name. Ramos...Rauffer...Ambet...Smith...Dy...Bringas...Castro...guzman...Hallari...Nunez...Orqueza...Lorde...Mayhem...Al...
Damian...Frida...Ballano...Malabanan....L-lakspur...? Natawag ba lahat? Since natawag ko na kayo there's no need to introduce yourself anymore. We're going to proceed in my house rules take note of this; first, attendance matters to me. 2nd, Respect and last on the list is you guys being responsible in passing my subject's requirements. Questions? Just raise your hand."

Singit ni Shreziel, "Sir name niyo po?"

"Thank you for asking Ms. Orquiza. I forgot, my name is Marc Alden Romero and call me Sir. Rom."

Sunod naman na usisa ni Huxley, "Sir, maglelesson po ba?"

"Ofcourse Mr. Nunez. Now everyone all eyes on board I'll discuss some terms and technicalities in our subject banking and finance."

Nasesense na nila na mukhang loaded sila sa subject.  Todo paliwanag ang professor lampas sa kabilang tainga naman ni Zae. Hindi na ito nakikinig iniisip niya pa rin ang krimeng naganap kanina. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin, bumalik ang alaala at masakit pa rin para kay Zae kahit mag-aapat na taon na 'siyang' kinuha ng may kapal.

Hindi titigil si Zae hangga't hindi niya naigaganti ang taong nagtulak sa kanya upang maging ganito...

"Class dismiss."

Hindi man siya nakikinig malinaw sa pandinig niya na dismiss na ang klase. Hindi muna siya tumayo agad. Hinintay muna niya na nakalabas na ang lahat saka siya lumakad palapit kay Marc o Sir. Rom. Nanapapaatras naman ang binata sa bawat sulong ng dalaga.

"Sir? Where should we talk to settle things? I'm a busy person."

"No need to pay the damage. My salary is enough,"sagot naman ni Sir. Rom.

"Then why did you approach me?"

"About that I was just curious when I saw your motor in university's parking area. Back then you are wearing a blue helmet the only thing I can remember is your plate number."

"Tss crap! Non sense, akala ko naman pagbabayarin pa ako makaalis na nga. Maghahanda na ako ng susuotin sa club." Reklamo niya tsaka lumakad paalis.

"Club?"Singit ni Marc.

Pumihit siya paharap atsaka tiningnan ito ng masama bago tuluyang iwan ang guro. Aniya ay bakit siya magpapaliwanag mapapagod at mangagawit lang ang bibig niya. Nasa kalagitnaan siya ng pagmamaneho pauwi biglang magring ang device, automatic naman ang pagsagot kaya hindi na kailangang bitiwan ang manibela.

"Lady boss."

"Get the stuff exactly 0800H and by the way, may problema. Someone destroyed the Xcor installed at adminstrator's offfice." Utos ng kanilang boss mula sa kabilang linya.

Malamang ay nakakatunog ang mga ito. Mahirap sundan ang galaw ng mga taong nakamaskara sa Mirai University.

Agad niyang pinasayaw ang motorsiklo upang kunin ang mga armas na gagamitin.

Mukhang hindi lang paghuhunting ang gagawin nila. Napangisi ang dalaga.

Fearless flowers (Mafia S1)Where stories live. Discover now