Chapter XXX - xoxo

Magsimula sa umpisa
                                    

Napayuko s'ya at namula, "I can't believe I said that. It's too embarrassing."





"I liked you simula no'ng nagkita tayo sa rooftop but I started loving you no'ng nakahalata ako na ikaw ang Heartbreak Hotline."




Nanlaki ang mga mata n'ya dahil sa sinabi ko. "N-Nakahalata?"




Tumango ako tsaka sumagot ng, "Siguro kaya hindi ako masyadong naapektuhan no'ng nalaman ko na ikaw ang Heartbreak Hotline ay dahil nakakahalata na rin ako. That time na tumawag ako sa HH at biglang nagring ang phone mo tapos nagpanggap ka na may kausap then nagring ito ulit ng tumawag ulit ako sa HH. Halatang-halata eh."




"Wow. So... So alam mo na rin talaga?"



"Hindi alam. Nakakahalata lang. Kaya lagi kong pinapakinggan ang boses mo at ang boses ng kausap ko sa HH. Do'n ko napansin na magkaboses nga kayo."





This is awkward.







"Brianna... S-Sorry ulit. Sana maintindihan mo na---"





"I love you too." Biglang sambit n'ya. "You know that right? Ikaw ang dahilan kaya hindi ko sinagot si Axl. Ikaw... Ikaw talaga ang tinitibok ng puso ko at hindi s'ya."





Lumapit ako sakanya tsaka nagsalita, "Then maybe I should court you too."




Kitang-kita ko ang pamumula ng mga pisngi n'ya. Cute. Bulong ko at ginulo ang buhok n'ya.




*BUZZ* *BUZZ*




Nagvibrate bigla ang phone n'ya. "A-Ah. C-Caleb.. Mauna na ko. Hinahanap na ko sa bahay eh. B-Bye!" Aniya at tumakbo na palayo.





Napa-face palm nalang ako. Nakakahiya.





***




"San ka nanaman galing?"




Yan agad ang bungad sa'kin ni Clyde pagkauwi ko sa bahay.




"Wala ka na dun." Simpleng sagot ko.



"Anong wala na? Binilin ka sakin ni mommy. Sabi ay kahit anong mangyari wag ko daw hayaan na makipagkita ka ---"



"I don't need a babysitter!" Sigaw ko dahilan kaya napatahimik s'ya at naibaba ni Riley ang librong binabasa n'ya.



"Shh, Kuya Caleb. Wag mong awayin si Kuya Clyde. He's just following mom's orders. Palibhasa kasi ikaw hindi ka marunong sumunod." Nagulat ako sa sinabi ni Riley. Hindi ko akalaing pati s'ya ganito na rin.





"Wow. Parang wala na akong kakampi sa pamilyang 'to ah. Tatlo kayo tapos ako mag-isa lang. Kung andito sana si daddy eh. Kaso wala. Wala s'ya dahil sa sinasanto n'yong nanay!" Sigaw ko at umakyat na sa kwarto ko.







Naiinis ako. Para akong walang pamilya.




Hindi ko alam ang buong storya ng paghihiwalay ni mommy at daddy pero sigurado akong alam ni Clyde 'yon, ayaw lang nilang sabihin.




Basta ang alam ko lang ay sa aming tatlong magkakapatid, iba ang tatay ni Riley. Sa pagkakaalam ko ay 'yon ang dahilan ng paghihiwalay nila pero alam ko rin na may iba pang dahilan bukod do'n. Basta ang alam ko, si mommy ang may kasalanan.





Yung nalaman ko naman... No'ng nakaraang linggo, pagkauwi ko ay naabutan ko dito ang mommy ni Brynn. Nag-aaway sila ni mommy. Hindi ko narinig ang buong pinag-aawayan nila basta pagkatapos no'n sinabihan ako ni mommy na lumayo kela Brix at Brianna. Lumayo daw ako kung ayaw kong masira ang pamilya namin at masaktan si Brianna.






"Kuya..." Napatingin ako sa pinto ko nang may tumawag sakin. Si Riley. "Kuya, I'm sorry. Sorry if you're feeling alone. Hindi naman ako kumakampi kela mommy at Kuya Clyde eh. Gusto ko lang naman na sumunod ka kay mommy para hindi na lalong masira 'tong family natin. Dad already left us. I don't want mom to leave us too."






She started to tear up. Lumapit ako sakanya at pinunasan ang mga luha n'ya. "Mom will never leave us. I will do my best to keep this family together, okay?"








"Mom won't leave us kung lalayo ka kay Ate Brynn at Kuya Brix. Kuya please.. I know you love Ate Brianna but please... Please leave her. Leave her for the sake of this family. If not for mom then for me." Nagulat ako sa sinabi n'ya. Why is she begging me to leave Brianna? May alam na rin ba s'ya?







"Bakit kailangan kong layuan si Brianna para hindi umalis si mommy? What do you know about Brianna and her family? Anong koneksyon ng pamilya natin sa pamilya nila?" Sunod-sunod na tanong ko. May alam si Riley. Lahat sila alam ang koneksyon ng Pamilyang Vandom sa pamilya namin, ako lang ang hindi nakakaalam.







"I'm sorry. I can't tell you. I promised mom I won't tell you. But please kuya, please. Leave her. Para rin naman sainyong dalawa 'to eh. Leave her. Andyan naman si Ate Regina eh." Nasapo ko ang noo ko at lumayo ako sakanya. Naiinis ako. Lahat sila alam ako lang ang hindi. Kasama ba talaga ako sa pamilyang 'to!?








"Sorry. I won't leave Brianna. Bakit ko s'ya iiwanan kung hindi ko naman alam ang dahilan? Sorry. I love Brianna, Riley. I love her so much. I'm sorry to say this but I think I love her more than I love this fake family of ours."





















End of Chapter XXX...




Heartbreak Hotline [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon