***

Jan Dane's POV

Hi what's up! Jan Dane Alonzo here. I know that you know me already right? Well as I said a while ago I'm Jan Dane ang pinaka gwapo sa lima*evil laugh* secret lang natin yun ah? Alam niyo na ang mga Unggoy kontrabida yung mga yun eh. By the way andito nga pala kami sa bar ng mag pipinsan sila Tristan. May gig kasi kami ngayon.

We are a popular here because of our band. Yeah! You heard me right? We are Mystery5 in ST University but here they called us Mysterious band. Sikat kami sa school at sikat rin kami dito. I don't know why? Siguro dahil sa ka gwapuhan namin *slightly shy* naniwala naman kayo? Syempre siguro dahil sa magaling kaming tumugtog.

Inaayos nalang namin yung mga gamit namin, maraming tao na rin dito karamihan mga estyudyanteng babae. Hindi pa lang nagsisimula nagtitilian na yung mga kababaihan. Napailing ako iba talaga kapag gwapo nuh?

"Jan Dane simula na daw!" Sigaw ni Alex. Napatango naman ako at inayos ang piano ko. Lahat kami kakanta at may kanya kanyang instrument, si Ethan Tristan gitara, si Alex drum set, si Nate electric guitar.

Lahat kami marunong kumanta pero minsan dalawa o isa lang ang vocalist namin at yung iba naman sila ang tutugtog. Maayos na ang lahat mag sisimula na kami ng napatingin kami kay Ethan parang ang laki ang problema niya.

"Anong nangyari sayo?" Takang tanong ko. Lumapit naman si Tristan sa akin.

"Hinihintay si Dane.." Bulong niya napatango naman ako at napatingin ako sa may entrance.

"Andyan na pala sila oh!" Sigaw ko sa kanila. Nakita ko si Nick, Chloe at Dane.

"Chloe! Justin!" Sigaw ni Nate. Napatingin naman ako sa kanya.

Sinong Justin? O nabingi lang ako ng nadinig? Ang lakas kasi ng hiyawan at tilian nila.

Lumapit ako sa kanila.

"Hi girls!" Bati ko. Ngumiti naman sila at binati ako pabalik.

"Akala ko hindi kayo dadating?" Tanong ni Nate.

"Syempre nuh! Hindi namin palalampasin to!" Sigaw ni Dane.

"Oo nga! Ngayon nalang ulit namin mapanood na tutugtug ka! Diba Couz?" Baling niya kay Dane.

"Oo naman! Atsaka kinuha ko yung phone ko para maivideo.." Sagot nito.

Napatingin ako kay Nick parang ang lungkot niya.

"Couz panonoorin mo ako?" Nakangiti kong tanong.

"Oo naman ako pa kelan ba akong hindi nanood ng gig niyo?" Sagot niya atsaka siya napairap napailing nalang ako. Sabihin mo ini stalk mo ang isa diyan!

"Stalker ka kasi!" Sabi ko sa kanya. Tinakpan niya yung bunganga ko. Pstt tsk tsk akala mo hindi ko alam.

"Tsk isa Couz tatahiin ko yang bunganga mo.." Bulong niya tsaka niya ko binitawan.

"Umamin ka na kasi!" Sabi ko tinaasan niya lang ako ng kilay.

"As if namang mapapansin ako nun!" Bulyaw niya at napa simangot.

Masyado kasing Snob yung kaibigan ko na yun ang naka pagtataka bakit close silang tatlo nila Dane at Chloe? At masyado siyang over protective sa dalawa mas lalo na kay Dane? Pero ganun naman talaga siya simula nung mawala ang Mommy niya ayaw niyang may nakikitang babaeng binabastos.

Napabalik ako sa realidad nung tawagin ang pangalan ng banda namin.

"Let's call the Mysterious band!!" Announce nung emcee nag hiyawan naman ang mga tao.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now