Chapter 33

682 63 22
                                    

Malamig ngayong gabi. Kapwa kami nag-aalala ni kim habang pinagmamasdan si Baba na nakahiga sa kama at nagpapahinga. Hindi ko pa rin malimutan kung paano niya sinasaktan ang kanyang sarili. Ayokong maulit pa ang nangyaring iyon, masakit sa puso ko ang makitang magkaganoon sila.

"K-kuya, magiging maayos pa ba si Baba?" Napatingin ako kay Kim at kitang kita sa mukha niya ang sobrang pag-aalala.

Tumango agad ako sa kanya. "Oo naman! Magpapahinga lang siya at magiging ok na siya." Pagpapalakas ko sa loob niya. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"K-kuya, 'wag nating papabayaan si Baba. Gusto ko kung aalis man tayo rito, magkakasama tayo."

"Syempre naman, baby. Dapat magkakasama pa rin tayo."

Bumukas ang pinto ng kwarto. "Kamusta na ang lagay niya?" Tanong ni William habang hawak hawak ang walkie talkie na hanggang ngayon ay inaayos niya pa rin.

"H-hindi pa siya nagigising. Maayos na siguro ang lagay niya." Matapos ang nangyari kanina ay agad naming inasikaso ang sugat niya sa noo. Mayroong namuong dugo rito.

Tinanong ko na rin kay William kung may kinalaman ba sila o ang pinaghihinalaan naming mga aliens sa nangyari kay Baba, pero puro iling lang ang sagot niya sa mga tanong ko.

Isa lang ang motibo niya, iyon ay ang nalalapit na nilang pagbisita.

Habang naaalala ko ang tungkol sa kanila at pati na sa kanilang nalalapit na pagbisita, mas sumisikip ang dibdib ko. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Pero paano namin sila matatakasan? Paano namin sila hindi makikita kung markado na kami sa kanila?

Naririnig ko ang static sound na likha ng walkie talkie, kanina pa ganoon ang tunog niyon. Tila ba hindi ito makahanap ng signal para mag-iba ang tunog nito.

"Malapit mo na bang maayos 'yan?" Tanong ko kay William.

"Malapit na. Konting pihit nalang at adjust, makakasagap na ito ng signal." Tugon niya sa akin.

"K-kuya, natatakot ako. Paano kung kunin nila si Baba?" Sa tanong ni Kim na iyon ay kapwa kami nagkatinginan ni William sa mata.

"Hindi nila makukuha sa atin si Baba. Babantayan natin siya." Ngumiti ako sa kanya.

"K-kim, hindi ba't ang kwento mo sa akin ay nakikita mo sila? Ang mga anino na kinatatakutan mong nagmamasid at nagbabantay sa inyo?" Ngumuso si Kim at tumango lang sa tanong ni William sa kanya.

"Nakikita mo ba sila ngayon o nararamdaman?"

Sa tanong ni William na 'yon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko

"Simula noong bumalik tayo rito sa bahay kasama si William, hindi ko na sila maramdaman. K-kuya, parang umalis na sila rito sa atin." Nanlaki ang mata ko. Ang ibig sabihin ba nito, wala na ang mga anino na nakikita ni Kim dito sa amin?

"S-saan kaya sila nagpunta?"

Umiling si Kim. "Hindi ko alam." Nakanguso nitong tugon.

"Hindi kaya nabugaw mo sila, William?"

"P-paanong nabugaw?"

"H-hindi ko alam. Pero simula nang sumama ka sa amin, nawala na lang sila. Pero bakit naging iba naman ang ikinilos ni Baba? Senyales din ba iyon?" Muli kong tanong sa kanya.

"W-wala akong ideya sa mga sinasabi mo. Pero ang nangyari sa Baba niyo, sa tingin ko, isa ito sa mga senyales nila." Seryoso nitong giit.


**

Pumu-pungay pungay na ang aking mga mata. Nahahalumbaba ako habang hinihintay sna magkaroon ng malay si Baba. Pero mukhang kahit labanan ko ang antok ay hindi ko na makaya. Tumining na ang static sound sa tainga ko. Maraming salamat kay William at natapos na niyang ayusin ang walkie talkie na iyon. Nakaupo siya sa isa pang upuan katabi ng pinto, mukhang pati siya ay napagod na rin at dinapuan na rin ng antok kaya naman ay nakatulog na ito.

Strange VisitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon