Chapter 10

949 137 91
                                    

Marami lang siguro akong iniisip no'ng gabing 'yon kaya ako nakakaisip ng kung ano anong bagay. Matapos ang gabing 'yon ay hindi muna ako kinausap ni Baba maging ni Kim marahil ay buong gabi akong nagkulong sa loob ng kwarto. Gusto ko mang magbasa ng libro pero hindi ko magawa, naaalala ko lang ang mga nangyari at hindi magawang mag-focus kung magbabasa man.

Halos ilang oras din akong nakatitig sa kisame ng kwarto. Umiikot lang ang tingin ko sa kulay puting kisame, mga linya at lamat nito, at bumbilya. Iniisip ko kung bakit nangyari ang bagay na 'yon? Maaari nga kayang namamalik-mata na ako o namamaligno sa lugar na 'to?

Simula noong umuwi ako rito, mula sa unang araw ko magpahanggang ngayon, dala at bitbit ko pa rin ang takot, kaba at kakaibang mga bagay na ngayon ko lang naranasan. Napaka-imposible namang ako lang mag-isa sa loob ng kwarto ni Baba noong gabing 'yon, kausap ko si Kim, matagal kaming nakwentuhan at nagawa pa naming maglaro, papaanong nangyari na hindi pala siya ang kausap ko no'n?

Halos dalawang oras lang ako nakatulog at sumilip nang muli ang sinag ng araw sa bintana ng aking kwarto. Pinagmasdan kong muli ang ilaw nang sumapit ang ala una ng madaling araw, mayroon pa rin at napapasin kong, lumalaki ang bituing iyon, ano kaya ang bagay na 'yon?

Tumayo ako at naglakad papunta sa salamin ng aking kwarto. Nag-ayos at bahagyang kinusot ang mga mata tsaka lumabas.

Ito ang pangalawang araw na hindi namin kasama si Kayle. Na-miss ko ang presensya niya, lalo na kapag umaga, babatiin ka niya ng 'good morning' habang kumakain siya sa kusina at aalukin ka ng almusal. Marahil ay kailangan kong tanggapin na hindi na siya rito nakatira. Pansamantala lang naman ang pagtira niya kay Tita Jen, mas magiging ok siya ro'n at mas magiging marami siyang oras para sa kanyang pag-aaral.

Naghain ako ng almusal, nagpainit ng tubig para sa kape dahil may pandesal na sa mesa.

"Kuya, ok ka lang?" Napatingin ako sa aking likuran nang marinig ang boses ni Kim. Medyo magulo pa ang buhok niya at halatang bagong gising pero hindi maalis sa kanya ang teddy bear na palagi niyang yakap.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Oo naman baby, bakit?"

Umiling siya.

"Kain ka na rito, dali." Inalok ko siya at tsaka naman siya agad na lumapit para kumain.

"Kuya, naririto na naman siya kagabi. Nagmamasid." Napahinto ako sa pagsasalin ng mainit na tubig sa termos nang sabihin niya ang tungkol sa bagay na 'yon. Kinilabutan ako at bahagyang bumilis ang tibok ng puso.

Nakakunot ang noo ko siya tiningnan.

"S-sino?"

"Ang anino na palaging nagmamasid sa akin. Lumabas kasi ako kagabi para umihi pero noong dumaan ako sa kwarto mo, naroroon siya, pinagmamasdan ka."

Hindi ako makahinga sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ro'n. Mas lumala ang takot ko, mas umigting ang kilabot ko habang patuloy ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko.

"P-pinagmamasdan niya ako?"

Tumango siya.

"Matagal ka niyang pinagmamasdan. Nakabukas ang kwarto mo kagabi, kuya. Naroroon siya sa tabi ng bintana."

Imposibleng mangyari 'yon. Nakasarado sng pintuan ng kwarto ko maging ang bintana. Tsaka noong nagising ako kanina, nakasarado pa rin ang mga ito.

"Baby, tinatakot mo ba si kuya mo?" Sinubukan kong magtanong ng ganoong bagay. Ganito ba siya palagi, ito ba ang sinasabi ni Kayle na palagi siyang may kwentong nakakatakot?

Nakanguso itong umiling. "Hindi kuya, totoong nakita ko siya kagabi sa kwarto mo."

Hindi na ako nakapagsalita no'ng umagang 'yon. Sabay kaming kumain ni Kim ng tahimik at miski ako hindi makapagsimulang magsalita pa sa mga susunod niyang mga babanggiting nakakatakot.

Strange VisitorsOn viuen les histories. Descobreix ara