Chapter 6

1.1K 159 106
                                    

Hindi ako mapalagay no'ng gabing 'yon. Napakarami kong iniisip, isama mo pa ang pagpasok ko sa Westfall College. Lahat na naman ng requirements ay napasa ko na, iyong iba ay follow up nalang kaya nakakasiguro akong makakapasok ako sa eskwelahang 'yon. Pero iba pa rin ang dating sa akin ng mga estudyante ro'n, parang kakaiba sila o dahil taga-Normount Fields ako at taga-Ashery sila?

Nakahiga ako sa kwarto habang nakatingin sa kisame. Bahagyang pumikit habang dahan dahang humihinga para kahit papano'y gumaan ang pakiramdam ko. Wala ako sa mood magbasa ng libro ngayong gabi, hindi naman ako ganito noon. Usually kasi kapag wala akong ginagawa o nagpapaantok tuwing gabi ay nagbabasa ako ng libro, pero mas gusto kong manood ng TV ngayong hindi pa ako dinadapuan ng antok.

Habang nakasarado ang mga mata ko, imbes na purong itim ang nakikita ko, hindi maalis dito ang mata ng babaeng 'yon. Hindi ko malimutan kung anong mayroon sa mga mata niya.

Inalala ko ang mga nangyari noong nag-inquire kami sa Westfall College. Naalala ko ang notebook niyang mayroong nakasulat sa cover.

Luna Trey Santiaguel.

Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang pangalan niya. Maganda siya, maputi at nakakahawa kapag siya'y ngumiti, pero hindi pa rin ako maka-get over sa mga mata niya. Simula nang nag-ningning iyon, kinabahan ako ng kaunti.

Bahagya akong umupo at tsaka tumayo. Nakaramdam ako ng kaunting pagkauhaw. Bago ako lumabas ng kwarto ay sinilip ko ang orasan.

11:22pm.

Dahan dahan akong bumaba at pumunta ng kusina. Sa mga oras na ito, sa tingin ko, ako nalang ang gising sa bahay na 'to. Marahil ay maaga pa si Kayle bukas pati na rin si Baba para maghatid ng mga gulay sa palengke. Nakuha ko na ang iba kong requirements at bukas na bukas ay ipapasa ko na ang lahat ng iyon.

Kumuha ako ng isang basong tubig mula sa ref. Hindi ko maiwasang mapatingin sa pinto ng kusina kung saan matatanaw mo ang labas. Madilim ngunit may kaunting liwanag na ibinibigay ang buwan. Malakas ang hangin habang maririnig mo ang tunog ng pagtatama ng mga dahon sa mga naglalakihang puno.

Pumasok ang malamig na hangin mula sa loob ng kusina. Hindi ko mawari kung may bagyo ba o sadyang malakas lang ang hangin ngayong gabi, tutok naman ako sa news at wala namang nababalitang masama ang panahon sa buong Normount Fields.

Agad akong pumunta sa living room at pabagsak na umupo sa couch. Kinuha ko ang remote at pinindot ang power button.

Panigurado namang kahit papano'y may palabas pa dahil hindi pa naman tumatama ang oras sa alas dose. Kahit news o mga replay documentaries ang palabas ay pagtya-tyagaan ko na para lang magpaantok.

Nang bumukas ang TV ay purong dots lang ang nakikita ko. A TV static noise. Medyo malakas ang volume kaya nagulat ako nang bumukas iyon ng gano'n. Napahawak ako sa dibdib ko at nagmamadaling hininaan ang volume.

Nakatitig lang ako sa dots ng TV. Black and white. I'm loving the static noise of it. Parang may something sa walang ka-kwenta kwentang ipinapalabas ng TV at hinahayaan kong panoorin ko ito.

Almost 10 minutes din akong nakatitig sa TV. Habang tumatagal ay nakikita ko ang bakas ng mga mata na katulad ng mga mata ni Luna Trey sa TV, ang mga dots ay unti unting nagsasama sama para mabuo ang isang mata tsaka ito lumiwanag na halos masilaw ako.

Kinusot ko ang mga mata ko, subalit nang muli kong pagmasdan ang TV, nanumbalik ito sa simpleng walang signal na TV. Weird pero nagtaasan ang balahibo ko nang masaksihan ang bagay na 'yon.

Inilipat ko ito sa ibang channel. Puro no signal ang mga ipinapalabas ng mga ito. Tumayo ako at chineck ang kable ng kuryente, baka sakaling hindi nakasaksak ang antenna ng TV. Wala na rin naman siguro akong mapapanood na matino dahil hating gabi na, lahat ng mga networks ay offline na.

Napalingon ako taas ng maliit na aparador malapit sa TV. Maraming DVD and CD's na nakasalansan doon. Kung wala akong mapanood, marahil ang mga CD's na ito ay gumana.

Ipinasok ko ang bala at agad naman itong nag-play. Puro cartoons ang lahat ng mga bala, marahil ay palaging naiiwan si Kim sa bahay kaya siguro laging nabili si Baba ng mga ganitong klaseng CD's.

Kahit na cartoon at pambata ang palabas ay pinagtyagaan ko na. Halos isang oras din akong nanood bago dapuan ng antok. Kahit na mahina ang electric fan na nakatutok sa akin ay nagawa pa rin nitong paantukin ako. Malamig na hangin ang binibigay nito at napakasarap sa pakiramdam.

Saktong matatapos na ang buong episode ng cartoon, hindi ko na nagawang patayin pa ang TV dahil hindi na kinaya ng antok ko at nakatulog na ako sa couch.


Nananatiling nakatingin sa akin ang mga estudyante ng Westfall College. Parang may kakaiba sa akin at hindi nila maialis ang mga tingin sa akin. Bawat isa sa kanila ay may seryosong pinta ng mukha at nang-uuyam na titig.

Nakatayo ako sa gate ng eskwelahan. Kahit saan ko man ilibot ang mga mata ko, puro mga estudyanteng nakatitig sa akin ang matatanaw ko. Walang nakatalikod o iba ang direksyon ng mga mata. All eyes are on me.

Nakakatakot. Nakakakilabot.

Mula sa gawing kanan ay unti unting umilaw ang mga mata nila. Pinasadahan ko sila isa isa hanggang gawing kaliwa at isa isang umilaw ang mga mata nila.

Unti unting silang lumalapit sa akin habang ako ay atras nang atras. Hanggang sa bumunggo na ang likuran ko sa pader at wala na akong espasyo pa para atrasan.

This can't be happening!


Hingal na hingal akong napabalikwas ng upo. Isang panaginip, masamang panaginip. Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko. Sariwa at bakas pa sa akin ang mga nakita ko. Hindi ko maiklasipika kung bangungot iyon o isang senyales.

Umayos ako nang upo hanggang sa mahanap ko ang pinakakomportableng posisyon. Abot abot pa rin ang kaba ko habang inaalala ang buong panaginip na tila lalatay na sa buong buhay ko. Hindi pa ako nananaginip ng ganoong bagay. Ngayon pa lamang.

Tumayo ako at pinatay ang TV. Muli akong uminom ng tubig at umakyat ng hagdan pabalik sa aking kwarto subalit hindi pa man ako nakakaapak sa unang baitang ng hagdan ay biglang lumakas ang ihip ng hangin mula sa labas. Nagkalansingan ang mga shells na nakasabit sa kisame ng front porch.

I thought it was nothing pero noong sinilip ko ang labas, it has something.

Nakita ko ang isang maliit na nilalang na naglalakad papunta sa swing malapit sa maisan. Kung hindi ako nagkakamali isa iyong bata, mahaba ang buhok, nakapantulog at may hawak na malambot na laruan.

Nanlaki ang mga mata ko, she's Kim.

Hindi ko agad naigalaw ang mga paa ko kahit na gustong gusto kong tumakbo para puntahan siya. Tila ba nagyelo ang mga ito at pakiramdam ko'y naging bato. Ano mang oras ay maaari akong mawalan ng malay sa matinding pag-aalala.

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kakaibang bagay na ginagawa niya. Patuloy siyang naglalakad papunta sa may swing, umupo siya ro'n at bahagyang inugoy ang duyan.

Halos magtaasan lahat ng balahibo ko habang pinagmamasdan ko siya at inoobserbahan. Umabot ng limang minuto ang pagmamasid ko sa kanya hanggang sa bumaba siya sa swing na tila ba nagsawa na at naglakad papasok sa loob ng maisan.

Mas lalo akong kinabahan sa mga sumunod na nangyari.

Nagliwanag ang buong maisan na halos mabulag ako sa pagkasilaw. An irresistible dazzling light. Itinapat ko ang kamay ko sa aking mga mata para harangan ang ilaw na nanggaling mula sa maisan. Mas bumilis ang kabog ng dibdib ko at nanatiling nakatayo ang mga balahibo ko sa sobrang kilabot.

Nang mawala ang nakasisilaw na ilaw ay agad akong pumanhik sa aking kwarto. Bago pa tuluyang pumikit ang aking mga maga. Tumingin ako sa orasan.

1:00am.

***

Strange VisitorsWhere stories live. Discover now