Chapter 31

608 66 8
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga kwento ni William. Ang ibig sabihin ba nito ay hindi lang kami ang nakararanas ng ganitong klaseng mga pangyayari?

"Akala ko rin noon na sa mga libro ko lang mababasa ang ganitong mga senyales at senaryo, pero noong nakita at napatunayan na ito ng dalawa kong mata. Lahat pala ng ito ay totoo, walang duda." Naglalakad kami pabalik kay Baba.

"Pasensya ka na, William. Noong una kitang nakita alam kong pinag-isipan agad kita nang masama kaya iba ang pananalita ko sa'yo. Gusto ko lang maging ligtas kami ng kapatid ko." Inaamin ko, iba ang tono at way ng pakikipag-usap ko sa kanya. Hindi kasi ako interesado sa mga taong hindi ko naman kilala at hindi katiwa-tiwala ang hitsura.

Ngumiti ito. "Naiintindihan kita. Pero matapang ang kapatid mo, hindi niya nagawang tumakbo kanina noong nakita niya ako. Tapos hindi rin siya nahiya o natakot na makipag-kwentuhan sa akin." Napatingin siya kay Kim, lumapit at bahagyang ginulo ang buhok nito.

"D-dito ka lang nakatira?"

Tumango ito.

"Isang taon mahigit na."

Ipapakilala ko si Willian kay Baba. Naniniwala akong malaki ang magiging parte ni William sa sitwasyon namin ngayon, kung totoo nga siyang Xenologist, ipakita niya kung ano ang solusyon na magagawa niya para sa amin.

"K-keith, kailan pa nagsimulang lumabas ang mga senyales sa inyo?" Napatingin ako sa kanya.

"Nag-aral ako dati sa Brandenton, pero nasunugan ang boarding house na tinutuluyan ko roon kaya bumalik nalang ulit ako rito sa Grellyn para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Simula nang bumalik ako rito, araw araw ay kakaiba ang mga nangyayari sa amin." Seryoso ang mukha niya at alam kong nag-iisip siya.

"Tulad ng?"

"Mga marka, sleepwalking, hallucinations, bleeding, at mga sugat sa balat." Isa isa kong sinabi sa kanya ang mga napansin kong kakaiba simula noong bumalik ako sa amin mula sa Brandenton.

"Outside signs?" Muli niyang tanong.

Kumunot ang noo ko at inisip kung ano ang mga senyales mula sa labas ng bahay.

"Patterns, poisoned crows, nakasisilaw na liwanag tuwing ala una ng gabi at ang pagkamatay ng aso namin at ilang kakilala. Katulad ng sa anak mo, nawala rin na parang bula ang bangkay nila." Hinimas himas niya ang kanyang mahahabang balbas. Alam kong nagtataka siya at napapaisip sa mga sinabi ko.

"Ang mga sinabi mo ay ang senyales ng pagbisita nila. Hindi ko alam kung sino sa inyo ang pinaka-apektado pero base sa kwento ng kapatid mo, mukhang siya ang marked ng aliens." Mas umigting ang balahibo ko sa mga sinabi niya. 

"Alam ko namang naiku-kwento ng kapatid mo kung ano ang mga nakikita niya, nakikita mo rin ba ang mga iyon?" Dagdag niya.

Umiling lang ako sa kanya. "Hindi. Pero ilan sa mga sinasabi niya ay napatuyan ko na at naging basehan ko para paniwalaan siya." Tugon ko.

"Alam kong mahirap paniwalaan ang mga batang katulad niya. Marahil ay malikot lang ang mga imahinasyon nila kaya hindi ka agad magpapadala sa mga kwento nila. Ganyan din ako dati sa anak ko, alam kong isa akong xenologist pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang paniwalaan ang sarili kong anak. Hanggang sa unti unti nang naglabasan ang mga senyales sa kanya. Kaso huli na nang paniwalaan ko siya." Lumungkot ang mukha niya. Sa t'wing magku-kwento siya tungkol sa anak niya ay lumulungkot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Sinasabi mo bang ang mga nangyayari sa aming kakaiba ay ang senyales ng pagbisita nila?" Pumikit ito at tumango.

Tumikhim ako dahil hindi ko na naman maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Mas tumindig ang balahibo ko habang pinapakinggan ko ang mga sagot niya sa akin.

Strange VisitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon