Chapter 11

922 125 38
                                    

Maaga akong gumising dahil ito ang unang araw ng muli kong pagpasok. Bumaba ako at pumunta sa kusina, narinig ko ang ilang pagbaheng at pag-ubo ni Baba mula sa couch katapat ng TV. Nakita ko si Kim na kamakain sa kusina habang inaantok pa ng kaunti.

"Kim, maaga kang nagising ngayon?" Bungad ko sa kanya. Dumiretso ako sa lababo at naghilamos.

"Kuya, papasok ka na ngayon 'di ba?" Pinunas ko ang twalya sa mukha ko at umupo sa tabi niya. Nakahain na ang almusal na pandesal at mainit na gatas. Alam ni Baba na ngayon ang unang araw ko sa pagpasok kaya siguro naghanda na siya ng almusal ko.

Tumango ako kay Kim at kumuha ng mainit na pandesal tsaka ito kinagat. "Oo, baby, papasok na ulit si Kuya. Magpapakabait ka rito ah, habang wala ako bantayan mo si Baba." Nakangiti ako sa kanya habang ngumunguya. Pero iba ang dating ng mukha niya, nakikita kong napipilitan lang siya sa mga ngiti niya.

"Kuya, pwede ba sumama nalang ako sa'yo sa school. Natatakot ako rito mag-isa." Malungkot niya iyong binanggit sa akin.

Inusog ko ang upuan ko papalapit sa kanya at marahang hinimas ang kanyang pisngi. "Bakit ka matatakot? Wala namang ibang tao rito, kasama mo naman si Baba, si Smite."

"Pero kuya, paano kung kunin ulit nila 'yung teddy bear ko, baka ako na ang kunin nila at dalhin ako sa gitna ng maisan."

Nagsimula na naman akong kabahan at tindigan ng palahibo. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko si Kim, pero mataas ang porsyentong totoo ang mga sinasabi niya dahil nasasaksihan ko ang ilan dito.

"Kim," inayos ko ang ilang buhok na nakakalat sa mukha niya.

"Ganito, kapag papasok ako sa school isasama kita, pero kasama mo rin si Baba na uuwi. Sasama ka lang sa byahe, 'wag kang magpapabili ng kung ano ano. Tsaka 'wag mong pasasakitin ang ulo ni Baba kapag wala ako." Sabi ko sa kanya at dahan dahang tumango. Pilit na ngiti lang ang umukit sa labi niya.

Matapos kaming mag-almusal ni Kim ay hindi pa rin mawala sa akin ang kilabot sa mga sinabi niya. Lalo na kapag maaalala ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Ang guni guni ko sa maisan no'ng gabing 'yon at natagpuan ko ang teddy bear ni Kim sa gitna nito. Nakakatakot mang isipin, pero mukhang wala pang malinaw na ebidensya para katakutan ko ito ng husto.

"Alis na tayo Keith?" Inaayos ko ang buhok ko sa tapat ng salamin ng ayain ako ni Baba mula sa pintuan ng kusina palabas ng garahe kung nasaan ang pick up truck na gagamitin namin para makapunta sa Westfall College.

Tumango lang ako sa kanya at inayos ko ang sarili ko. Mayroong uniporme ang Westfall College pero pinayagan ako ng Dean ng Business Course na maaari muna akong magsuot ng pang-civilian habang wala pang unipormeng pangpasok.

"Ang mga requirements mo, kumpleto na ba?" Kagabi pa ako nagdalawang tingin sa mga papeles na hawak ko ngayon. Lahat naman kumpleto, lahat naman dala dala ko.

Tumango ako. Sabay kaming sumakay ni Baba. Binuhat ko si Kim papasok mula sa passenger seat habang magkatabi kaming dalawa. Naiwan si Smite sa bahay para magbantay.

Nanatiling tahimik si Kim. Wala siyang makwentong kahit ano, nakatitig lang siya sa kalsada habang malakas ang hangin na pumapasok sa loob. May kahabaan ang byahe papuntang Ashery, nakakabagot, nakakaantok.

Nagising ang diwa naming tatlo kahit papank nang buksan ni Baba ang radio ng truck. Nakakagaan ng pakiramdam ang music na tumutugtog doon. Pero si Kim, tahimik at walang salita.

Strange VisitorsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora