Chapter 25

644 69 10
                                    

Hindi naman ako mukhang nabugbog sa hitsura ko. Marami akong galos sa mukha at sa braso. Lahat ng mga kaklase ko kanina ay pinapunta sa clinic para mabigyan agad ng first aid dahil sa pagsalakay ng mga uwak. May ilang taong nagtungo sa classroom namin kanina to conduct investigations sa nangyari. Hinihinala nila na mga poisoned crows ang umatake kanina, kaya walang control ang mga ito at gustong kumain ng mga fresh meat. Hindi ko naman alam na ang gusto pala nila ay mga tao at napili pa nilang sa Westfall College sumalakay.

Malaking lugar ang Grellyn, ang ipinagtataka ko lang ay bakit dito pa nila napiling lumusob at ano ang dahilan kung bakit nalason o nilason ang mga uwak na ito?

Maraming yellow plastic na nakaharang sa room kung saan sumalakay ang mga uwak. May nakalagay sa yellow plastic na "caution" para siguro sa restrictions. Panandaliang hindi muna magagamit ang mga classroom na iyon for further investigations.

Pagkatapos ng insidente ay pinauwi na agad kami ng mga professors para na rin sa safety namin. Ang ilan ay tinawagan ang mga magulang or guardian dahil ang ibang estudyante ay nakaranas ng matinding trauma sa nangyari. Mas pinili ko nalang na umuwi mag-isa kaysa sunduin pa ako ni Baba rito sa eskwelahan. Dagdag alalahanin pa ako kung sakali.

Naglakad ako palabas ng Westfall College.

"Keith..." lumingon ako sa pamilyar na boses.

Si Sir David.

Panandalian akong huminto, "Yes, sir?" Nakikita ko ang pag-aalala sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" Ngumiti lang ako sa kanya. Alam ko kung gaano nag-aalala sa akin si Sir David pero maayos lang ang lagay ko, siguro konting pahinga lang ang kailangan ko dahil sa stress at kaunting trauma dulot ng nangyari kanina.

Tumango ako. "Gusto mo ihatid na kita sa inyo?" Mukhang pauwi na rin kasi si Sir David marahil ay dala na niya ang gamit at ibang materyales niya. Mula sa kanang kamay niya ay naroroon din ang susi ng kotse niya.

Maayos ako pero sa nangyari kanina, hindi ko alam kung paano maging matatag at magkunwaring maayos lang ang lahat.

Umiling ako kay Sir David. "Okay lang po sir, nakakahiya." Ngumiti ako sa kanya ng pilit.

"Keith, mahirap bang pakisamahan ang mga kaklase mo?" Nagsalubong ang dalawa kong kilay nang ibato niya ang ganoong tanong sa akin. Syempre naman, hindi lang ako gaanong sumasama sa kanila sa t'wing bakante ang oras marahil ay may pinagtutuunan akong ibang bagay.

Napangisi lang ako sa kanya. "Hindi naman sila mahirap pakisamahan." Tumango lang siya ng tipid. Wala akong ideya kung ano ang gustong iparating ni Sir David.

"Napansin ko lang kasi na madalas kang nag-iisa. Binu-bully ka ba nila?" Sa muli kong pag-ngisi, mayroon na iyong kaunting tunog.

Umiling ako. "Mayroon naman akong kasama, sir. Tsaka walang nambu-bully sa akin, sa totoo lang, medyo weird ang mga estudyante rito sa Westfall College. Minsan, iba ang titig nila sa akin. Alam kong halos lahat ng estudyante na naka-enroll sa paaralang ito ay nakatira sa Ashery, ako lang siguro o iilan lang kaming mga estudanteng nakatira sa Normount Fields." Sinabi ko na sa kanya kung ano ang na-oobserbahan ko. Iba ang porma ng kanyang mga mata. Nakatitig lang sa akin.

"Hindi naman sila mapili sa mga estudyanteng pakikisamahan nila, kahit na saang lugar ka pa nakatira. Baka may napansin lang sila sa'yo na hindi mo napapansin dahil mayroon nang kakaiba sa'yo." Iyon ang huling katagang sinabi sa akin ni Sir David. Hindi ko alam pero ang weird ng mga tanong niya. Nakikita ko naman sa mukha niya kung gaano siya nag-aalala sa akin pero ako naman ang nag-aalala sa mga tanong niyang hindi ko alam kung saan niya kinukuha.

Nagpaalam na siya sa akin.

Nang lampasan ako ni Sir David ay may nakita akong kakaiba sa batok niya. May itim na pattern dito.

Strange VisitorsWhere stories live. Discover now