Chapter 5

1.3K 198 315
                                    

Nanatili kaming tahimik ni Baba sa loob ng sampung minuto. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang sinasabayan ang malakas na hangin na tumatama sa aking mukha. Hindi gaanong ma-traffic at walang masyadong road reblocking sa kalsadang dinadaanan namin, masasabi kong may kalayuan din pala iyon mula sa bahay namin sa Normount Fields, ibang lugar na yata ang eskwelahan na binabyahe namin. Mag-i-inquire kami ni Baba at kung sakaling mapakiki-usapan namin ang head ng registrar nila para makapasok ako, kahit late na ay mas maganda. May ilang dokumento narin naman akong hawak na makapagpapatunay na kwalipikado ako sa college.

Matapos kasi naming kumuha ng ilang papeles sa Cityhall ay agad kaming dumiretso sa eskwelahan kung saan ako nag-high school. Ganoon pa rin naman ang hitsura ng dati kong eskwelahan, hindi na kami nagtagal at nakuha na rin namin agad ang mga records ko roon. Ang akala ko nga'y matatagalan pa marahil ang ibang school ay kailangan pa nang request para ibigay nila ang specific document na kailangan mo. Luckily, nakuha ko naman agad at namumukhaan ako ng staff sa registrar doon at alam niyang doon talaga ako nagtapos.

Napahigpit ang kapit ko sa envelop na nakapatong sa hita ko. Naroroon na ang ilang dokumento na nawala ko dahil sa sunog. Maraming salamat kay Baba at tinulungan niya  akong kumpletuhin ang lahat ng iyon.

Lumampas kami sa kalsadang napapaligiran ng mga puno. Mayroong malaking arc na bumungad sa amin, nakalagay sa arc na 'yon ang pagbating; Welcome to Ashery kung saan ito ang katabing bayan ng Normount Fields dito sa Grellyn Province. Nagpatuloy sa pagmamaneho si Baba patungo sa loob ng bagong bayan. Inilibot ko ang tingin ko sa napakagandang mga bahay. Ang Normount Fields ay ibang iba sa Ashery, maraming bahay ang bayan na ito, gawa sa bato at maraming mga establisyimento.

"Baba, ngayon ko lang napuntahan ang lugar na 'to." Giit ko, nanatili akong namamangha at hindi siya inilingon dahil busy ang mga mata ko sa mga kabahayan na dinaraanan namin.

"Hindi pa kita nailibot sa Ashery, masyadong mahigpit ang lugar na 'to dati pagdating sa pagpasok at paglabas ng mga tao na pumupunta rito. Maganda ang pamamalakad ng Kapitan ng Ashery, may mga ordinansa itong ipinapatupad at sumusunod ang mga mamamayan nito sa kanya." Binigyan ako ng kaunting ideya ni Baba tungkol sa Bayan ng Ashery. Hindi naman mapagkakailang napakaganda ng lugar, mula sa mga road signs, pavements at spacing ng mga bahay ay nakakamangha talaga. Maganda ang patakaran nila rito, kaya siguro napakalinis ng lugar at dinadayo talaga ng mga taga ibang bayan. May bikers lane para sa mga 2wheeled vehicles at kada bahay ay mga tatlong uri ng basurahan, ang nabubulok, hindi nabubulok at nareresiklo.

Tatlong minuto lang ang lumipas at nakarating na kami sa eskwelahan na pag-i-inquire-an namin. Dumaan kami sa harap ng school. Malaki ang mga building na naroroon sa loob, maraming estudyante ang naglalakad habang tangan tangan ng iba ang mga libro at bitbit ang mga bag. Sa bawat gate ay may mga security guard at ilang staff na naglilinis ng paligid. Maganda ang kabuuan ng school na natatanaw ko mula sa labas, paano pa kaya kapag pumasok na ako?

Nadaanan namin ang school entry sign na gawa sa semento. May kombinasyon na kulay na brown at white. Binasa ko ang pangalan ng school.

Westfall College.

Bumukas ang gate at dumiretso kami sa parking lot. Bago kami nakapasok ay hiningan kami pareho ni Baba ng valid ID at parking fee. Matapos i-park ni Baba ang truck ay lumabas na kami. Naglakad ng kaunti, inilibot at binusog ang mga mata. Maganda ang bawat pavements and hallways ng school. May ilang bakanteng benches at mga picnic table set. Malago at berdeng berde ang bull grass na nakapaligid sa malalaking puno na nagbibigay ng preskong hangin. Ang bawat puno ay may mga steel fences para hindi ito malapitan ng mga estudyante marahil ay matatanda na ang mga ito para ma-preserve ang matatayog na puno. Malinis ang buong school, mula sa tiled floor hallways and corridors hanggang sa carpeted faculty and classroom hallways. Hindi naman prestige ang school na 'to pero sa kalinisan, panalo!

Nakangiti ako habang naglalakad patungo sa registrar ng school. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin, kung may dumi ba ako sa mukha o kung anong bagay para pagtinginan ako ng mga estudyante. Naiilang ako sa mga titig nila at hindi ko sila magawang titigan pabalik. Ginawa ko nalang na dumiretso nang tingin hanggang sa marating na namin ang tapat ng registrar office.

Walang masyadong pila sa tapat ng customer service nila. Binuksan ng isang staff na nasa loob ang sliding glass para i-entertain si Baba.

"Ano ho sa inyo, sir?" Lumapit ako sa kanila. Ang babae na naka-coat na manipis at nakasalamin ang kumausap kay Baba.

Ipinaliwanag ni Baba ang lahat at ang naging sitwasyon ko. Tinanong din ako ng staff na medyo late na ako sa mga activities at tinanong niya ako kung kaya kong maka-cope up sa mga na-miss kong mga activities this prelims. Tumango ako sa kanya at sinabing pag-aaralan nalang ang notes at kung sakali ay bigyan nalang ako ng mga professor ng research para mahabol ko ang prelims. In-interview niya ako at tinanong ang highschool life ko pati na ang mga past activites na nagawa ko noong nasa Brandenton pa ako, so far so good naman. Nakapalagayan ko na ng loob ang staff hanggang sa ipasa niya ako sa Dean ng Business Administration Program at tinanong ulit ako and some interview about my life. Luckily, mukhang pasado naman ako.

Ipinasa ko na ang ilang requirements na dala ko sa registrar at pinasok na nila sa system nila ang personal information ko pati na ang mga code na ibibigay nila sa akin at pwede na akong makapagbayad sa cashier ng installment.

Binigyan din ako ng scholarship tests para sa assistance at discount ng pagbabayad sa tuition. Makukuha ang result within 3 working days. I'm looking forward to it, sana makapasa ako para hindi na gaanong maapektuhan si Baba sa pagbabayad.

Matapos naming mag-asikaso ng mga requirements ay dumiretso agad kami sa canteen. Medyo nagugutom na rin kami ni Baba kaya um-order kami ng kanin at ilang ulam doon. Masasabi kong masasarap ang mga pagkain dito sa Westfall College pero may kamahalan ang presyo ng mga ito. May ilang stalls na puro ulam, may ibang puro miryeda at may mga stalls na parang maliit na coffee shops. Kahit sabado ay maraming kumakain sa canteen marahil ay maraming naka-schedule sa saturday class.

Hindi ko mapigilang ilibot ang mga mata ko sa ganda ng structure ng buong canteen. Maganda ang kombinasyon ng mga kulay na babagay sa kulay ng isang kainan. Mayroong malalaking fans na nagbibigay ng malamig na hangin at ilang exhaust fans na nagpapalabas ng mainit na singaw.

May mga nakain sa paligid namin, may ilang babae na nag-uusap at maya't maya ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin at bakit ganoon na lamang ang tingin nila. Baka naman naninibago lang sila dahil hindi naman ako taga-Ashery.

Mapapansin mo sa mga mukha nila ang kakaibang pinta sa t'wing titingin ako. Parang seryoso sila pero hindi mo makikita ang galit. Iniisip ko na baka lahat sila ganoon ang tingin sa akin, baka lahat sila pinagmamasdan at inoobserbahan ako. Naiilang tuloy ako sa bawat galaw na gagawin ko.

Mula sa pinakadulo ng stall nakita ko ang isang babae na bumibili. Mula sa bakal na patungan sa harap ng stall ay may nakapatong na tray kung saan doon niya nilalagay ang pagkain niya.

Nang matapos niyang makumpleto ang order niya ay naglakad na siya at naghanap ng bakanteng upuan. Mula sa gilid ng picnic table set na inuupuan namin ni Baba ay umupo siya roon. Nakangiti siya sa akin at hinarap ang pagkain niya.

Nakita ko ang notebook na ipinatong niya sa gilid ng kanyang tray. Napansin ko ang nakasulat mula sa cover ng notebook niya.

Luna Trey Santiaguel.

Iyon siguro ang pangalan niya. Nang muli akong tumingin sa kanya ay tiningnan niya ako pabalik and I see her eyes gleaming.

***

Strange VisitorsWhere stories live. Discover now