Chapter 23

643 78 35
                                    

Nakatingin ako sa kalangitan. Parang tumigil ang oras. Bumagal ang panahon. Tumigil ang mundo.

Gusto kong humingi ng saklolo o tulong pero walang sasakyan ang dumadaan sa kalsada kung saan kitang kita ng dalawa kong mga mata kung paano nabundol si Ms. Karen ng kotse. 

Walang puso, walang awa at walang konsensya ang driver ng pulang kotse na 'yon! Hindi man lang ba niya inisip na nakapatay siya ng tao?!

Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang kabog ng dibdib ko at pangangatog ng tuhod. Dahil 'yon sa kaba, takot at pagkabigla na naramdaman ko kanina. Hindi ko alam kung paano makakahingi ng saklolo. Miski ang pagsigaw ng malakas para maka-agaw ng atensyon ay hindi ko magawa. Walang boses na gustong lumabas sa bibig ko, para akong naging pipi sa nangyari at nabingi sa sobrang tahimik ng buong lugar.

"Hindi mo ba nakikita ang dinaraanan mo?! Muntik ka nang mabangga!" Tumining sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Luna. Noong muntik na akong mabangga. Parehas na pulang kotse ang bumangga kay Ms. Karen at ang muntik nang makabangga sa akin. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n. Ang driver na 'yon ay reckless, wala siyang kaluluwa!

Kahit na nanghihina ako at nanlalambot sa mga nasaksihan ay sinbukan ko pa rin na maglakad pabalik sa amin. Ito lang ang tanging paraan para makahingi ng saklolo. Kung pumipintig pa man ang pulso ni Ms. Karen, maidadala agad namin siya sa pinaka-malapit na ospital.

Tumakbo ako. Hindi inintindi ang mga tinik na dinaraanan ko makabalik lang agad sa amin.

Mula sa malayo ay nakikita ko si Baba na nililinis ang sasakyan.

Napatingin siya sa akin, nakita ko na agad ang reaksyon sa mukha niya nang makita niya akong kumakaripas ng takbo papunta sa kanya.

"Baba!" Tumutulo na ang luha ko. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapanawala sa nakita ko kanina.

"Baba! T-tulungan mo ako, si... si Ms. K-karen..." putol-putol kong bigkas sa kanya. Hindi ko masabi ng isang diretso nang hindi mau-utal. Kinakabahan ako, hinihingal at natatakot.

Hinawakan niya ang dalawa kong balikat para makalmahin ako. "Keith, huminahon ka! Ano bang nangyayari?" Hindi ko kaya. Hindi ko kaya ang sinasabi niyang huminahon ako, wala na ako sa sarili. Takot na takot ako.

"Baba! Si Ms. Karen, do-doon..." tinuro ko ang direksyon papunta sa kalsada.

Hinimas niya ang balikat ko. "Keith, huminahon ka. Ano ba talagang nangyayari sa'yo?"

Napalingon ako mula sa pinto ng kusina, naroroon si Kim habang hawak hawak niya ang teddy bear niya at tila nag-aalala sa nakikita niya. Nag-aalala siya para sa akin.

"S-si Ms. Karen, n-nabangga siya ng k-kotse... p-pula, pulang kotse!" Halo halo na ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni Baba sa sinabi ko. Para nawala ang lahat ng emosyon sa mukha niya. Parang hindi siya naniniwala pero nabigla siya sa mga sinabi ko tungkol kay Ms. Karen.

"Keith, hindi magandang biro 'yang mga sinasabi mo. Hindi nakakatuwa." Sumiryoso ang mukha niya. Binitiwan niya ang dalawa kong balikat at muli niyang itinuon ang paglilinis sa sasakyan.

Bumuntong hininga ako bago magsalita. "Baba, t-totoo ang mga sinasabi ko! Maniwala naman kayo! Nag-aagaw buhay si Ms. Karen sa tabi ng kalsada. W-wala akong mahingan ng tulong doon..." lumapit ako mula sa gilid ng kotse at binuksan ito. Sumakay ako sa loob ng passenger seat.

"Anong ginagawa mo, Keith?"

"K-kailangan ni Ms. Karen ang tulong natin, dalhin natin siya sa ospital!" Bumuntong hininga siya at pumasok sa loob. Ini-start niya ang kotse at pinatakbo agad 'yon papunta sa kalsada kung saan nabangga si Ms. Karen.

Strange VisitorsWhere stories live. Discover now