Chapter 30

621 67 4
                                    

Nagising ako sa nakakabinging tunog ng walkie talkie. Katulad pa rin ng dati, ganoon pa rin ang tunog niyon. Isang radio frequency sound na parang naghahanap ng pinakamalapit na signal mula sa lugar kung nasaan kami ngayon.

Wala akong naramdamang pangamba ngayon. I feel safer this time.

Napabalikwas ako ng upo at tinignan kung nasaan kami. Nakasakay pa rin kami sa kotse habang si Baba ay nakaupo sa driver's seat at mahimbing na natutulog.

Ang gusto ni Kim ay huwag muna kaming umuwi marahil ay iba ang pakiramdam niya. Ang sabi niya ay naroroon sila sa aming bahay. Kahit hindi naniniwala si Baba, pinagbigyan niya si Kim.

Lumingon ako sa back seat upang silipin si Kim.

Pero wala siya roon.

Tinanggal ko ang seat belt tsaka mabilis na bumaba ng kotse. Ganoon pa rin ang hitsura ng labas, wala pa rin ang kalsada na nagdurugtong papuntang Ashery. Malalim na bangin pa rin ang nakikita ko at ilang malalaking puno sa paligid nito.

Malawak ang lugar kung nasaan kami ngayon. Nakakatakot lang ang mga naglalakihang puno na animoy malalaking tao na nakatitig sa'yo.

"Kim!" Tawag ko para hanapin siya. Narinig ko lang ang pag-echo ng boses ko sa pagtawag ko sa pangalan niya.

Inilagay ko ang dalawa kong palad sa bibig ko para mas makalikha ng malakas na tunog.

Muli kong tinawag ang pangalan niya. "Kim! Nasaan ka?"

Naglakad ako papalayo kay Baba at pumunta ako sa isang liblib na lugar kung saan nakatayo ang mga naglalakihang puno. Inaamin ko medyo natatakot ako at giniginaw.

"Kim, nasaan ka ba?" Tanging ang huni lang ng mga insekto ang sumasagot sa akin. Mga huni ng ibong umaawit sa itaas ng naglalakihang mga puno.

Mula sa hindi nakalayuan ay natawan ko ang isang usok. Mukhang may nagsisiga sa gawing iyon, marahil ay puro tuyo ang dahon na nakakalat sa lupa kaya kahit isang palito lang ang gamitin mo ay makakalikha ka na ng malakas na apoy.

Hinimas-himas ko ang magkabilang braso ko para panatilihing mainit ang pakiramdam ko. Sobrang lamig sa lugar na ito kapag ganito kaaga. May liwanag na pero hindi pa gumigising ang araw.

Sinundan ko ang usok. Naglakad at iniwasan ang ilang malalaking sanga na nakatumba. Pumanhik sa malaburol na lupa at nakita ko ang maliit na apoy na naroroon.

Marahan akong gumalaw at sinilip ang apoy sa gitna habang nakapalibot doon ang isang maruming tent at maliit na kubo katabi nito.

Isang matandang lalaki ang naroroon at kung hindi ako nagkakamali, si Kim ang kasama niya at nag-uusap silang dalawa. Nakikita ko ang ilang pag-ngiti ni Kim habang magaan ang loob niyang nakikipag-usap sa lalaki na hindi ko naman kilala.

Napansin kong lumingat ang tingin sa akin ni Kim.

"Kuya!" Masaya niyang tawag sa akin. Nakaramdam ako bigla ng kaba nang mahuli niya akong nagmamasid sa kanila.

Hindi ko na nagawang itago pa ang sarili ko at pinuntahan ko na sila.

"M-magkapatid kayo?" Tanong sa akin ng isang lalaking may mahabang naninilaw na balbas. Nakasuot siya ng pang-military shirt and beret cap, khaki pants at combat shoes.

Tumango lang ako sa kanya. "Kim, halika na, uuwi na tayo." Napatingin ako kay Kim. Hindi ko na sinagot ang matanda marahil ay hindi ko naman siya kilala at hindi ako nagtitiwala sa kanya baka kung ano pang gawin niya sa amin ni Kim.

"K-kuya, si William." Pinakilala niya ang matanda.

"Keith." Hindi ko na siya tinignan at hinawakan na ang kamay ni Kim.

Strange VisitorsWhere stories live. Discover now