Chapter 13

792 93 16
                                    

Hindi ko alam kung anong nangyari no'ng gabing 'yon. Wala namang napabalitang nawalan ng signal ang buong lugar para mawalan ng channel at maging static na lamang ang mga telebisyon. Nagtataka pa rin ako sa mga nangyayari. Natatakot at nangangamba.

Kunot ang noo ko habang naglalakad papasok sa isang silid ng pang-apat kong klase ngayong araw. Halos mag-iisang linggo na rin ako sa eskwelahang 'to ngunit wala pa rin akong nagiging kaibigan o nakausap man lang. Parang ako lang mag-isa, parang ayaw nila sa akin.

Mabuti nalang at nar'yan si Luna para kusapin ako at pagaanin minsan ang loob ko. Dahil kung hindi dahil sa kanya, baka hindi ko na nagawang pumasok pang muli sa eskwelahang 'to.

Narinig ko ang tunog ng bell mula sa bawat sulok ng gusali kung saan nakapalibot ito para marinig ng lahat na sakto ang oras para mag-dismiss ang mga propesor at para magsimula nang muli ang mga susunod na klase.

Ngayong araw, hindi ko pa nakikita si Luna. Ako lang mag-isa ang kumain sa canteen kanina. Magkasabay kaming kumain nitong mga nakaraang araw, marami siyang kwento tungkol sa kanya maging sa pamilya niya, pero hindi niya nabanggit kung saan siya sa Ashery nakatira. Nakakapagtaka lang dahil ngayon palang ang tanging araw na hindi ko siya nakasabay mag-tanghalian. Hindi kaya'y, hindi siya pumasok?

Nakahalumbaba ako habang nakatingin sa bintana. Inoobserbahan ko ang paggalaw ng mga puno dulot ng malakas na hangin mula sa labas. Inaantok ako dahil ito ang oras na talagang pupungay ang mata mo at babagsak sa desk mukha para matulog. Sakto pa na ang propesor ay boring at puro nalang kwento ng buhay niya ang topic.

Nang maramdaman ko ang antok, bahagya kong ipinikit ang mga mata ko at sandaling umidlip.

"Kuya, narito sila..." narinig ko ang mahinang boses ni Kim sa 'di kalayuan. Nakatayo siya sa maisan habang nakatalikod sa akin at para bang may tinitignan siyang kakaiba roon.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko, marahil ay miski ako kinikilabutan sa ginagawa niya.

Humarap siya sa akin at kitang kita ko ang mga mata niya. Itim at tila wala ng puti. Nakakatakot.

Napaatras ako nang bahagya hanggang sa napaupo sa lupa.

"Kuya... kukunin nila ako. Kukunin nila tayo..."

"Mr. Keith?" Iminulat ko ang mga mata ko. Napatingin ako sa mga kaklase ko na halos lahat sila'y nakatingin sa akin at tila nagtataka.

"Mr. Keith, ok ka lang?" Tanong sa akin ng propesor na nasa harap. Hindi maalis ang mga tingin nila sa akin, nagtataka. Hindi ko alam kung bakit.

Bahagya akong tumango. "Ayos lang po, ma'am." Tugon ko. Gusto kong lumabas ng silid na 'to. Gusto kong pumunta ng CR para maghilamos at para mahimasmasan. Gusto kong umiling ng mabilis at kurutin ang sarili ko. Pero tanging pagkamot na lang sa likod ng tainga ko ang nakapagpagaan ng pakiramdam ko.

Natapos ang klase ay agad akong lumabas at pumunta ng CR. Gaya ng gusto kong gawin kanina, naghilamos ako at nag-isip isip habang kaharap ang sarili ko sa salamin.

Tiningnan at sinuri ko ang bawat hugis at kanto ng mukha ko.

"Kim..."

Naaalala ko siya. Sa twing papasok siya sa isipan ko, kinikilabutan ako. Sana maayos lang ang lagay niya sa bahay, sana hindi na siya gambalain pa ng mga nilalang na nakikita niya. Sana palaging nasa tabi niya si Baba para maprotektahan siya nito.

Lumipas ang buong araw na para akong bangag at laging tulala. Ayokong makihalubilo sa ibang estudyante, kahit gusto ko, parang ayaw ng bibig kong kausapin sila.

Wala ang propesor sa huli naming klase kaya sa loob nalang ako ng library nag-ubos ng oras. Ibinigay ko ang borrower's card ko sa librarian at binigyan niya ako ng code para mabuksan ang computer mula sa gilid ng mga shelf. Sa sampung computer na naroroon, dalawa lang kami ang gumagamit at ang iba ay napiling sa libro nalang maghanap ng mga topic para sa kani-kanilang mga activities na pinapagawa ng ibang propesor.

Inilabas ko ang notebook pati na ang ballpen. Mula sa dulo ng desktop ay pinindot ko ang Google Chrome at dinala ako nito sa main homepage ng site, ang Google.

Nag-type ako sa keyboard at sinulat ang...

Kids seeing unnatural things

Nang mag-load ang Google bigla akong kinabahan sa mga litratong lumabas. Mga bata, mga kakaibang bagay, mga anino at mga posibleng bagay na kaya nilang makita na hindi kaya ng mga tulad kong binata.

Ano nga ba ang mga abilidad ng isang bata? Ano ba talaga ang mga kaya nilang makita na hindi namin kaya?

Mula sa isang site na binuksan ko, ang sabi ro'n na, malikot ang mga imahinasyon ng mga bata pagdating sa mga bagay na mahirap paniwalaan, gaya ng nakakakita sila ng mga bagay na hindi naman talaga nag-e-exist sa mundo. Kumbaga, nakikita nila, mahirap paniwalaan, pero kililabutan ka kapag nagkwento na sila.

Mayroon din silang kakaibang senses na sila lang ang nakakagawa, lalo na ang makakita sa mga kakaibang bagay o tao na hindi naman talaga nabubuhay sa mundong ibabaw. Ang sense na iyon ay tinatawag na Power of Imagination. Lalong lalo na ang mga batang mapag-isa at takot sa maraming tao. Dahil sa puntong kapag nag-iisa lang ang bata, may ugali itong kakausapin ang bagay bagay (living or non living things) para lang mapawi ang kabagutan o kalungkutan ng mga ito. Maaaring kumausap sila ng halaman, mga hayop, o mga laruan na wala namang buhay.

Sa pag-scroll ko ng mouse, nakita ko ang isang topic na maaaring malapit sa kondisyon ni Kim.

Imaginary Friends.

Ayon sa may akda na isang Pyschologist, ang pagkakaroon ng mga imaginary friend ay hindi basehan para masabing nasa kapahamakan o sakit sa pag-iisip ang isang bata. Maaaring maging sagot ang imaginary friend sa kanila sa t'wing sila'y nagkakaroon ng problema, kalungkutan man o pag-iisa.

Ayon pa sa pag-aaral ng mga Psychologist na tatlumput pitong porsyento ng mga bata, edad lima hangganng walo ay nakakalikha sila ng imaginary friend o invisible friend sa t'wing sila'y maglalaro mag-isa kasama ang mga laruan nila o ang mga halamang nakapalibot sa kanila.

Binasa ko pa ang ilang articles na nakapaloob sa site na 'yon. Nagpagalaman ko na tumpak at sakto ang naging kondisyon ni Kim sa lahat ng naobserba ko sa kanya.

Hindi pa man buo ang mga sinasabi ng article pero alam ko sa sarili ko na nakararanas si Kim ng mga bagay na dapat ay hindi naman niya nararanasan.

Sa kaso ni Kim, masasabi kong hindi imaginary friend ang mga nakikita niya, iyon ay ang mga bagay na magpapatakot sa kanya hanggang sa madala niya ito sa paglaki niya.

Ang imaginary friend ay nakakatulong sa isang bata na dumadaan sa mga problema, kabagutan o kalungkutan. Pero bakit ang mga nakikita ni Kim ay ang dahilan para pangambahin at takutin ako ng malala?

Bago pa ako tuluyang balutin ng takot sa loob ng malamig na library ay pinindot ko na ang X button at lumabas ng library.

Sa parking lot nalang ako maghihintay. Sa lugar kung saan hindi ako matatakot ng ganito at mag-aalala ng sobra.

***

Strange VisitorsDär berättelser lever. Upptäck nu