Chapter 26

641 78 50
                                    

Magkatabi kami ni Kim sa kama habang si Baba ay tulog at walang alam sa nangyari. Ang sinasabi ni Kim na ibabalik sa kanya ng mga nilalang na iyon ang kanyang teddy bear. Mukhang hindi umayon ang panahon, gustong gusto kong makita kung paano nila ibabalik ang bagay na 'yon kay Kim. Pero bigo namin silang makaharap.

Malungkot lang si Kim nang hindi sumipot ang inaasahan niyang kakaibang nilalang. May ilan pa akong katanungan sa kanya kung paano nila napag-usapan ang tungkol sa pagbalik ng teddy bear nito.

Ang sabi niya lang sa akin na may bumulong sa kanyang tainga na ibabalik ang kanyang teddy bear, hating gabi at malapit sa maisan. Doon palang ay nagsimula na namang tumindig ang balahibo ko. Hindi ko alam kung totoo, wala akong ideya kung ganoon nga ang kanyang narinig o nanaginip lang siya o lumikot muli ang imahinasyon.

Hinihimas himas ko ang kanyang buhok habang nakailig siya sa hita ko. Nanatili kaming tahimik hanggang sa nakatulog na siya. Hindi ko magawang matulog ng ganito, kinakabahan ako at halo halo ang tumatakbo sa isipan ko. Paano nga kung nar'yan sila at nakamasid sa amin ngayong gabi? Paano kung binabantayan talaga ang bawat galaw namin? Paano kami nakakasigurong magiging ligtas kami sa bawat araw na sasapit?


**

Magkasabay kaming kumakain ni Luna at simula pa kanina, may ilang grupo na naman ng estudyante ang nakatingin sa amin. Tulad din ng ginagawa ko simula pa nang makapasok ako sa eskwelahang ito, hindi ko nalang sila inintindi.

Masaya si Luna at naging kaibigan niya ako. Marami siyang kinwento sa akin ang masasayang bagay na nagawa namin. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang naging topic namin ngayon araw. Parang palagi nalang siyang nakangiti sa akin at hindi ko alam kung ano ang nasa likod ng mga mapanlinlang na ngiting iyon.

"Keith, alam mo ba sa dinami-raming estudyante rito sa Westfall College ikaw ang pinakapaborito ko. Ang saya mo kasing kasama, maagan ang loob ko sa'yo at gustong gusto ko ang ugali mo kumpara sa iba." Alam kong, tulad ko, palagi ring mag-isa si Luna. Kaming dalawa lang talaga ata ang nagkakaintindihan sa lahat ng bagay. Kahit na magkaiba ang kursong kinukuha namin ay hindi 'yon naging hadlang para hindi kami magiging malapit ng sabra.

Wala naman akong ibang nararamdaman para kay Luna. Gusto ko siya bilang kaibigan na nar'yan para sabihan ko minsan ng problema. Gusto ko siya bilang siya.

Naaalala ko nalang minsan kung paano siya umaangal sa akin kapag nahihirapan na siya sa mga paperworks niya at sunod-sunod na reports at exams. Nakakapagod din pala ang maging college student. Pero alam ko naman na pursigido siya sa kanyang naging desisyon. Alam konog matalinong tao si Luna, matyaga at pinapahalagahan ang kanyang pag-aaral.

Habang nag-uusap kami, may ilan lang siyang sinasabi sa akin at nakadarama ako ng pangamba at pag-aalala para sa kanya. Marahil ay ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito. Hindi ko alam kung anong buong pagkatao ni Luna, ang ibig kong sabihin kung saan ba siya nakatira, kung ilang ba silang magkakapatid, kung may magulang pa ba siya? Katulad na lamang ng ilang personal questions na tinatanong kapag nakikipag-kaibigan. Like, small talk.

Hindi ko na rin kasi naitanong sa kanya ang ilang bagay na 'yon marahil ay naging close kami sa isa't isa at tila ba matagal na kaming magkakilala kung kaya't hindi na sumagi sa isipan ko na itanong ang mga bagay na iyon sa kanya.

Mula sa kabilang table ay naroroon kumakain ang ilang investigators na nag-iimbistiga sa nangyari kahapon kung saan dinumog kami ng mga nalason na uwak. Marami na silang traces na pinaliwanag kung bakit sa Westfall College mismo sumalakay ang mga uwak. Ang teyorya ng ibang imbestigador ay malakas ang hangin mula sa itaas at walang kontrol ang mga uwak kung kaya't dito sila sa Westfall bumagsak. Hindi pa rin nila matukoy kung paano nalason ang mga ito. Ang nakapagtataka lang, bakit iisang room lang ang pinuntahan nila? Malaki ang Westfall College, bakit sa amin lang ito sumalakay?

Strange VisitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon