Pagdating ko hinanap ko na agad yung room namin. Medyo nalito pa ako ng kunti kasi malaki ang ST University at madaming pang pasikot sikot. Nakahinga ako ng maluwag ng mahanap ko ang room ko. Umupo ako sa bandang harapan sa unahan dahil doon lang kasi ang may bakante.

Hindi ko alam kung bakit nagkukumpulan sila sa likod. Hindi ko nalang pinansin dahil kinakabahan ako sa introduce your self para mamaya.

Pagpasok ng teacher agad itong nagpakilala. Siya raw si Ms. Castillo. Mukha naman siyang mabait. Sinabi rin niya na introduce na yung mga bago sa harapan.

I felt nervous..

Tinawag isa isa ang transferees para pumunta sa harapan at magpakilala. Madami din palang transferees apat kami isa na dun si Couz pero next week pa daw siya papasok.

"It's your turn Ms. Santos??" I lost my thought ng biglang tinawag ang pangalan ko.

Gosh! I can do this. Aja!

Tumayo ako agad at pumunta don sa harapan.

"Hi!" Pinasaya ko talaga yung boses ko para naman sabihin nilang mabait ako.

"My name is Justin Dane Santos.." Ngumiti ako sa kanila "I'm 17 years old.." Pagpapakilala ko.

"You can call me Dane.." Pagpapatuloy ko at ngumiti.

Grabe ang awkward. Nakatingin kasi sila lahat sakin. Ano ba? Alam ko naman na eh na I'm pretty chosss!*evil laugh* Hindi ko alam pero parang mas lalo akong kinabahan dahil sa mapanuring titig nila sa akin. Maayos naman siguro yung itsura ko diba? Nag aalinlangan tuloy ako kung uupo na ba ako o tatayo muna ako sa harapan dahil pati yung teacher e nakatitig lang sa akin. Kalma self! Wag munang pairalin ang ka malditahan mo dahil first day palang to. Medyo nangangalay na din kasi ako kaya medyo nakaramdam ako ng inis.

"Ahmm.. Ma'am can I sit now?" Pilit ngiting tanong ko pero hindi maalis sa boses ko ang pagkairita. Napakurap kurap naman siya at napatango. Agad naman ako umupo sa upuan ko.

Ring ring ring..

Break time na namin. Wow! Ang ganda talaga ng timing. Kakaupo ko lang e.

Tatayo na sana ako ng biglang kinausap ako ng katabi kong babae.

"Hi! Dane right? I'm Nicole.. Nicole Perez.." Pagpapakilala niya, bumaling naman ako sa kanya.

Actually Snobber ako but sige na total mukhang mabait naman siya eh. Ang ganda niya at ang amo ng mukha.

"Yes, I'm Dane.." Ngumiti ako sa kanya ngumiti naman siya pabalik.

"Nice to meet you.." Sabay naming sabi at shake hands. Well siguro naman may kasama na ako ngayon.

"You're a transferre here right? Ako rin kasi kaya wala pa akong kakilala.." Sabi niya. Okay then? ako rin kaya. Napangiti ako.

"Oo nga eh ako din wala pa pero ngayon meron na.." We both giggled alam namin na siya yung tinutukoy ko.

"Ummmh lunch?" Pag anyaya niya. Tumango nalang din ako.

"Let's go!"

Nang makarating kami sa canteen andaming estudyante buti nalang malawak tong canteen ng school. Lahat ng dinadaanan namin napapalingon sila at bubulong bulong. Nagtaka nga ako kung anong pinag bubulungan nila pero hindi ko nalang pinansin. Attention seeker kasi ako.

Nang makapasok kami sa pinaka dulo agad akong naghanap ng pwedeng pagpwestuhan nakakita naman agad ako ng bakanteng table malapit dun sa pinaka gilid kaya linagay ko doon ang mga gamit ko at nakipila. Wala pang isang minuto naka bili na kami ng pagkain. Bumalik na kami sa table na nakita ko kanina.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now