Ihahatid ako ng Parents ko sa Manila at pupunta sila sa Korea dahil may business transactions na kailangang nilang asikasuhin. Then babalik ulit sila sa States dahil may business kasi sila doon kasama ang Tito ko na kapatid ni Mom.

Napatingin ako sa phone ko 7:15 PM na pala at nag text din si Mommy. Sabi niya umuwi na daw ako dahil gabi na kaya nag reply ako na hihintayin ko lang saglit si Couz.

Nag patuloy na ako sa paglalakad ng mag ring ang phone ko. May tumatawag, tiningnan ko ang caller.

Mom's calling..

Sinagot ko agad.

"Yes Mom?" I asked.

"Hello JD where are you?!" She asked and I can sense that she is mad now.

Napakagat ako sa kuko ko. Ginagawa ko to tuwing kinakabahan ako.

"Pauwi na Mom.." Sagot ko narinig ko naman na may kausap sa kabilang linya. Si Daddy siguro.

"Okay take care baby.." Sabi niya at pinatay ang call.

Napapisil ako sa ilong ko at sinimulan ng mag lakad. Uuwi nalang ako.

*****

"Wahh! Puuusssaaa!!"

Napasigaw ako sa gulat ng biglang may pusang dumapo sa paanan ko.

Gosh!

I hate cat. Grrr..

Nakakatakot kaya ang pusa.
Madilim pa naman. Bat ba may pusa dito? Sabi pa naman nila malas daw kapag ganun. Itim pa naman yung pusa.

Nagpatuloy nalang ulit akong maglakad.

Nahihirapan akong maglakad dahil nangangantog ang paa ko dahil sa pusa kanina . Pero nagpatuloy pa rin ako para makauwi na. Natatakot na rin kasi ako. Madilim pa naman dito. Naka heels pa ako.

Malayo layo na ang nalakad ko nang bigla mag ring ang phone ko. Tiningnan ko to at binasa ang text ni Mom. Mukhang nag aalala na siya. Napakagat ako sa kuko ko. Lagot ako nito. Sermon na naman ang abot ko.

Nataranta ako ng panay ring ang phone ko. Linagay ko na to sa bag ko para makauwi na ako. Mamaya ko nalang kakausapin si Mommy.

Bumuntong huminga muna ako. Kaya ko to. Inhale.. Exhale..

"Hanna.."

"Dul.."

"Set.."

Takbooooooo!!!!

Sinimulan kong tumakbo hanggang sa makarating ako sa likod ng park. Saktong namatay pa ang ilaw kaya napasigaw ako sa sobrang gulat. Nakarinig pa ako ng sigawan at tilian. Dahil sa takot ko napatakbo ulit ako ng mabilis. Sobrang bilis. Kulang nalang pumunta sa labanan ng mga baka para makipag karera.

Nakalimutan ko na ngang naka heels ako eh.

Ang dilim. Mali ata ang direksyong linakad ko. Wala manlang bang tao dito? Somebody help me. Inilibot ko ang paningin ko pero wala manlang akong makita. Super dilim kasi dito. Takot pa naman ako kapag madilim. Naiimagine kong may multo.

Bumalik nalang ulit ako sa may park kanina. Takbo lang ako ng takbo ng may mabangga ako. Napatid ako. Nangilabot ang buo kong katawan ng maramdamang may nakahawak sa akin.

Biglang nanlambot ang paa ko dahil sa takot ko na masamang tao ang humawak sa akin.

Muntik na akong matumba ng saluhin niya ako. Pero agad kong tinanggal ang pagkaka hawak niya sa akin kaya bigla kaming na out of balance.

Ang bilis ng pangyayari. Tuluyan na kaming bumagsak. Siya sa lupa at ako naman sa.. Sa ka-katawan niya?!

Ilang segundo pa bago ko narealize na yung labi ko na.. Nakadampi sa labi niya. Namilog ang mga mata ko.

Oh my Gosh!

Napahawak ako sa labi.

Walang ano anu at sinampal ko ang lalaki. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko ng masampal ko siya.

"Shit!" Sigaw nito.

Tumayo ako. Agad naman din siyang tumayo.

I can't see clearly but I know that his height is towering to me.

"Pervert!" Bulyaw ko sabay hampas ng bag ko sa kanya.

"Taena! Ouch! Hey Miss ikaw kaya tong bumangga sa akin!" Sigaw nito.

Nakakairita ang pagsigaw niya. Pero hindi ko naman maiwasan mapansin ang matipunong boses nito.

"Bakit kasi paharang harang ka sa daan?" Tanong ko. Pagbabalewala ko.

"Hey! I was just here hanging out and suddenly a woman ran off and hit me.." Saad niya.

Alam kong mali ang mamintang agad. Pero kasi naman eh nahalikan ako.

Kainis!

Kahit accident lang yun. Basta. Nahalikan ako at ang saklap pa first kiss ko yun. Naman e. Alam kong kasalanan ko yun dahil nabangga ko siya pero bakit kasi hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya kung may mababangga ba siya?

"At Ako? Manyak? For all I know baka sinadya mo pa akong banggain e. Sinadya mo na magkiss tayo.. " Angal niya.

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya sa akin. Excuse me. How dare he to accuse me?! Bakit ko naman gugustuhin ang kiss niya. Ang kapal ng face ha.

Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang ilaw. Hindi ko namalayan na napatingin nalang ako sa lalaki. Hindi tingin titig actually.

Oh Gosh!

Why he look like a model of those expensive clothing brands? Parang si Lee min ho. Ang tangkad niya ang tangos ng ilong his jawline is perfect. Ang gwapo niya. Sana di ko nalang sinabi na manyak siya. Babawiin ko na ba yung pinagsasabi ko sa kanya kanina.

Gosh!

Nababaliw na ba ako? Ano tong pinagsasabi ko natulad na ba ako kay Couz? No way. Hindi. Bat ko naman yun babawiin diba? Diba? Ang kapal naman ng face niya!

First kiss ko yun. Inimagine ko pa naman kung gaanong magiging romantic yung first kiss ko tapos ganon lang mapupunta sa kanya. No way! Hindi ako papayag. Pero wala na. Naka reserve pa naman yun sa taong mamahalin ko.

"Hey Miss!" He snapped. Napatingin ako sa kanya.

"Ang kapal ng face mo!" Sigaw ko sabay hampas ulit ng bag ko sa dibdib niya.

"Fuck! It's hurt! You know just admit it. I can give you another kiss. You don't have to shout.." He said and smirked.

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya ng parang di makapaniwala.

"Neoui eolgul! Dangsin-eun jeongmal baboibnida!" (Your face! You're really a jerk!) Sigaw ko dahil sa sobrang inis. 

Napailing siya at takang napatingin sa akin. "W-What did you say?!" Tanong niya.

Napairap ako sa kanya. Ayoko pa naman ang nagkokorean lalo na kapag nandito ako sa Pilipinas dahil titingnan ka lang na parang walang kwenta ang pinagsasabi mo. People nowadays are judgemental.

Hindi ko na siya pinansin.
Tumalikod ako at nag paypay gamit ang kamay ko. Nakakainit ng ulo.

Mag eemote pa sana ulit ako when I remember the bastard who stole my first kiss. Pagharap ko wala na. Wala na siya? Aba naman! What a jerk! Kiss stealer!

Kung kailan gangster vibes na ako at gusto ko ng manapak pero bigla nalang siya nawala. That Guy. Aissh. Kainis naman. Makagat sana siya ng aso. Madapa sana siya.

Kasalanan to ni Couz e. Hindi niya ako sinipot. Kung kailan aalis na kami ng parents ko. Sa Manila kami titira at dun narin ako magaaral. Actually pati si Couz kaso next week pa siya uuwi kasama ang parents niya. Kainis naman to oh! Kung hindi ba naman ako na curious sa cotton na kulay na pink na yun e! Napa padyak ako at pinag patuloy ang paglalakad. Uuwi nalang ako hindi na siguro dadating pa si Couz. Anong oras na rin kasi.

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now