"Boss? Ay sorry po..."

"Bestie... we're here.... bababa na tayo... Akin na iyong mga gamit mo..." tawag ni Luis kay Kyla.

Hindi pa rin siya makapaniwala at tinignan niya ako sa mata.. Bigla naman siyang bawi ng titigan ko siya..

"Sorry po... kala ko si Bestie ang nandyan..."

"Nagpalit kami kanina kasi napagod ako sa pagdadrive... Anyway ingat kayong dalawa... Magpahinga na kayo... See you sa office..."

"Sige Engr! Salamat! Ingat ka!"

"Salamat din Luis!"

"Bye, boss!"

Tila nakahinga na ako ng maluwag nang ako na lang mag-isa ang naiwan sa sasakyan.

Natigil ako sa ala-alang iyon ng biglang sumulpot si Luis sa harapan ko.

"Engr... okay na lahat ng plano para sa project sa Quezon... In-approve na lahat ito ni Architect bago pa man siya mag-leave.."

"Good! Sige... by the way, may mga susunod pa kayong gagawin dahil madami tayong projects na pumasok... Ikaw na muna bahala doon habang wala si May... Kaw naman ang head architect at alam kong may tiwala sayo si May... Tawagan mo na lang siya kung kailangan..."

"No prob! Kanina tumawag siya at kinumusta iyong mga on-going plans na ginagawa ng mga tao sa baba..."

"Babaeng iyon... saiyo nakatawag na.... sa akin hindi pa..."

"Tatawagan ka raw niya maya-maya... Alam niya kasing busy ka kaya ayaw ka niyang istorbohin.."

"Okay... sige yun lang naman Luis... Salamat!"

"Okay bababa na muna ako.."

"Bestie... gutom na ako.." pahabol naman ni Kyla bago ito lumabas ng pintuan.. Tila naglalambing ito.

"Sige bilhan kita... Ano ba gusto mo?"

"Kahit sa fastfood na lang.. Kahit ano... di kasi ako nakapagluto kanina... Late ako nagising.."

"Bakit late ka ba natulog?"

"Basta... dami mo tanong... sige na bili na..."

"Hmmp kung di lang kita kaibigan..."

"A-angal pa talage eh!"

"Oo na po senyora.."

Napapailing na napapangiti na lang ako sa dalawa. Namiss ko tuloy si May.

***May's POV***

Kahit nakabakasyon ako hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga iniwan kong trabaho sa opisina. Alam kong madaming projects ngayon at mag-isa lang si Marco... Pero alam ko naman ang kakayanan ni Luis pagdating sa mga na-endorse ko sa kanyang trabaho.. Tinawagan ko ito kanina at kinamusta ang lagay ng mga tao at ang mga on-going plans na ginagawa ngayon...

"You're really workaholic even here..." si Lau habang papunta kami sa dining area.

"I needed to... I just called Luis. We have a lot of on-going projects right now and I endorsed all my works to him. I told him to contact me from time to time.."

Nasa mesa na kami nakaupo. Katabi ko si Lau at kaharap ko naman si Edward. Ang lola nila ay sa kwarto na lang pinakain ng tita niya ngayon dahil masama daw ang pakiramdam nito. Bale kaming tatlo lang ang nandito sa 12-seater na dining table nila ngayon.. May katulong naman na nagsisilbi sa amin ng pagkain.

"May... here... you need to eat a lot... Pumapayat ka na.." si Edward.

"Kailan ba ako tumaba?"

"No! When you were in the US... you're not that thin, Dale... Maybe you're getting a lot of stress from work..."

"Hindi naman... Kaya naman namin ni Marco patakbuhin ang kompanya... Ngayon lang kasi sobrang dami na ng projects... and Marco is planning to hire more people... Minsan hands-on pa rin ako sa architectural planning katulong ni Luis... lam mo yun di ko maiwasan... I don't feel like a boss... mas gusto ko ako iyong gumagawa..."

"Your works are so great Dale... Remember our lovenest you designed? It's so beautiful... Later.. I'll show you the pictures... We're quite sad during its blessing... especially Blake... You haven't seen your project completed.."

"Ay oo nga... sayang... Nevermind... One day I'll visit there.."

"Really?! That's a good news!"

"Wag ka na sa US May... Dito ka na lang..." sabad naman ni Edward.

"Brother!" si Lau.

"Tss! Americans!" at napapailing ito.

"Don't listen to him. He's just jealous.."

"What?! Me? Sissy... I'm not jealous.. I just hate them..."

"And why do you hate 'them' again... brother?" may pang-aasar na tingin ni Lau kay Edward.

"'Coz your Troy took you away from us... Tss! Why can't you just both stay and live in Germany?... I thought he agreed that you will be back after 3 years of your marriage..."

"Lil bro! You'll understand me once you get married... So Dale! Try to make him understand now..." at pinaikot pa nito ang eyeballs niya.

"Ha? Wala akong alam sa pinag-uusapan niyo.."

"Soon.... Dale will be taking you away from us... that's what you need to understand little brother!"

"Sissy!" sabay pandidilat ni Edward kay Lau.

"Don't listen to her, May! She's crazy!"

"Crazy, huh!?" sagot naman ni Lau.

"Hay naku... kain na tayo!"

Nakakatuwa ding tignan itong dalawa... Maya't-maya lambingan, maya't maya naman nagbabangayan. Sayang wala akong kapatid katulad nila.

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon