FF#1: Mirai University

Începe de la început
                                    

"So? Share mo lang? College ka pa lang? Bakit hindi halata? Mukha ka na kasing nanay," singit at todo kantyaw ni Clyde na mukhang natutuwa na rin sa pang-aasar.

Trigger na ang limang mean girls kaya naman tinigil na nina Clyde at Lavender kahit papano. Ayaw rin nilang magka-record lalo pa't graduating na sila. Ngayong taon na ang huling taon nailang magkakaibigan sa kolehiyo.

"Ayos ka lang ba? Anyway, kami na bahala rito problema na nila kung ayaw nilang tanggapin ang sorry mo," tanong ni Clyde sa babaeng inaapi kanina.

"Sige umalis ka! Wala ka nang babalikang trabaho and I'll make it sure na hindi makakatapos ang anak mo," banta ng babaeng bisugong flat chested.

Nagpanting ang tenga ni Lav. Sa panahon ngayon uso pa pala ang gantong kaapihan? Bakit hindi sila magsumbong sa DepEd? Ched? Pwedeng mapasara ang school na ito.

"Why? Do you have the power to fire her?" Maanghang na tanong ni Sof sa bisugong hitad. Samantalang tinaasan naman ni Lavender ng kilay ang bisugong kaaway nila.

"Of course, I'm Hillary Mirai!" Sigaw ng bisugong hitad.

Nagkatinginan silang lima wari nila iisa ang tumatakbo sa kanilang isipan.

'So, siya pala ang tinutukoy ni boss na anak ng may-ari. Kasama ka na sa aking listahan bitch!'

"Sister stop arguing with that trash," sabat ng espasol na tropa ni bisugong hitad na flat chested naman.

"Tanginang 'yan college na hindi pa rin marunong magbalance ng foundation," pabulong na tabil ni Lavender.

"Let's give them a little punch!" Pabida ng isang pusakal kung makapag eyeliner wagas. Panis ang cat eye ng mga make-up artist sa sobrang haba ng pagkakaguhit ng gagang ito.

Akmang susuntukin ni Hillary si Lavender, umiwas ang huli. Natural alangan naman ipasapak ni Lav ang kanyang mukha. Sa halip na gumanti ng suntok ay pinadaan lamang ni Lavender sa ilalim ang labanan. Pinatid niya lang naman ito, sino ba ang magaakalang matutumba agad si Hillary, tss! Weak!

Tatalikod na sana si Lavender ng sabay-sabay na sumugod ang apat na chakadal buti na lang full support ang bff's ni Lav.

"Kami na poqs."

Poqs in short poqpoq pero hindi sila burikat gets? Tawagan lang nila 'yun. So ayun ang ending walang galos na natamo ang tropahan nila Lav. Sa kabilang banda ay puro pasa naman ang kampo ng mean girls. Hindi dahil binugbog sila nina Lav ngunit dahil sadyang bobo lang ang mga ito. Ang totoo'y walang ginawa ang kampo nina Lav kundi ang umiwas sa mga suntok at tadyak. Pagkatapos ay ang grupo pa ng bisugo ang panay may galos.

"Kely, hatid mo itong isa nabaldado na ata. Naghahamon pa kasi 'di naman pala kaya." Utos ni Lavender kay Kely.

Nagsitakbuhan na ang mga ulupong ni Hillary, iniwan siyang mag-isa. Bobo kasi sisipa na nga lang 'di pa tantyado hayan napa-split ng wala sa oras—basag pempem.

"Mauna na kami hahanapin pa namin ang first sub namin," paalam ni Sofia.

Kunsabagay hindi rin naman nila pwedeng pabayaan ang acads. Nagawa nga nilang pagsabayin ang mga atang ng kanilang boss at ang ang acads ng apat na taon ngayon pa ba? Sanay na sila, tamang time management lang ang kailangan.

Naghiwa-hiwalay na sila. Si Lavender ay syempre papunta sa bldg ng department ng Polsci. Paakyat na ito ng may madaanang natutulog na lalaki sa bench kay naman napailing ang dalaga at sa isip nito ay langya first day na first day eh.

'W218 Baps 4-1'

Binasa nito ang nakasulat sa taas ng room.

"Ito pala ang classroom ko. West 218 | Bachelor of arts in Political science 4-1," ani Lav.

Pagkapasok ay may kanya-kanyang grupo. May isang grupo na may tatlong lalaki at dalawang babaeng miyembro ang nakatitig sa kanya kaya nakipagsukatan din siya ng tingin.

'Anong akala nila porket baguhan ako ay kaya nila akong sindakin tsk! Diyan sila nagkakamali kung alam lang nila,' maanghang na pasaring ng isip ni Lav.

Tahimik lang ang dalaga habang nakaupo sa dulo ng room malapit sa bintana. Iniisip nito kung saan magandang simulan ang pagkakabisa ng lugar masyadong malaki dinaig pa ang mahalamang U.P Diliman.

"Settle down, Class."

Nagsiayos nang upo ang lahat, dumating na pala ang profes —what?! Siya 'yung guy na patulog-tulog kanina, naka-white plain shirt ito akala niya ay estupidyante na natutulog ng may takipmsa mukha. Ngayon may suot na itong itim na polo.

Seryoso dito pala siya nagtuturo?

"Ano naman kayang matututunan ko eh mukhang hindi nga nagsusuklay ng buhok 'tong professor," pabulong na wika ni Lavender.

"I believe, I'm seeing familiar faces except to those transferees. I will be your professor in fundamental in politics and international relations. My name is Flame Stephan Chen. I want everyone to address me, Mr. Tep or Mr. Chen."

"Sir, do we need to introduce ourselves?" Tanong ng katabi ng dalaga.

Agad na naparoll eyes si Lav dagdag pa nito, "I really hate first day of school." Sabay buga ng hangin.

"No need besides wala akong balak kilalanin kayo isa-isa. Impress me so that I can know you."

'Ang talas ng dila mukha pa lang strikto na sa tono ng pananalita niya kala mo siga. Bukod sa lugar kailangang kilatisin ko rin ang mga tao sa paligid lalo na ang mga guro. Malakas ang kutob ko na may kinalaman sila sa misyon ko,' saad ng isip ni Lav.

Fearless flowers (Mafia S1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum