Epilogue

1K 38 17
                                    



Entice's POV

"Baby, magtatagal ka pa ba? Gusto ko na malaman." rinig kong sabi ni Taehyung habang kinakatok ang pintuan ng banyo.


"Oo. Matatapos na." sagot ko at tumingin sa pregnancy test.

Matutuwa kaya si Taehyung? Itinago ko sa bulsa ko ang test. Lumabas ako sinalubong agad ako ni Taehyung na kanina pa naghihintay, "What? Tell me." wika niya.

I smiled and cupped his cheeks, "Yes, Taehyung. Magkakaroon ulit tayo ng anak." nakangiti kong sagot.


Biglang ngumiti si Taehyung. He hugged me. Biglang namuo ang mga luha sa gilid ng mata ko habang yakap yakap ko siya. "I love you." sabi ko.

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil magsisimula ulit kami ni Taehyung nang bagong buhay simula nang mangyari lahat ng insidente at trahedya sa buhay naming dalawa. Hindi ko pinagsisihan na pakasalan si Taehyung.


"I love you too and i'll never stop loving you." sagot nito.


**************


Ann's POV


Hinimas ko ang malaki kong tiyan. Katabi ko si Jimin na natutulog. "Baby! Baby!" sigaw ko para magising ito.

Agad naman itong napabalikwas. "What? Are you okay?" tanong niya saakin.

Nagpout naman ako at hinalikan siya sa pisngi, "Gusto ko ng mangga." sabi ko.


Bumuntong hininga si Jimin at pumunta sa kusina para kumuha ng mangga. Napangiti naman ako. Iniabot niya saakin ang mangga, "Ayoko." sabi ko at iniiwas ang mukha ko.


Tinabihan niya ako at hinawakan ang kamay ko, "Anong gusto ng baby ko?" paglambing niya.

Lumingon ako sakanya at inilagay ang kamay ko sa balikat niya, "Gusto ko ng mangga, baby." sagot ko at nagpout.

"Ito na nga." sagot niya at ipinakita ang mangga na hawak niya.


"Gusto ko yung galing sa Batangas."


************

Miranda's POV


"Late na ako!" natataranta kong sigaw at binuhat ang sling bag ko.

Ako kasi ang magbubukas ng Boutique ni Entice today. Magkikita kita kami sa Boutique ngayon. Nasa akin ang susi at baka maghintay pa sila ng matagal dun. Lumabas ako sa gate namin ngunit agad akong napahinto.

Marami ang taong nakapila sa bahay namin. "A-Ano pong kailangan nila?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga tao.

I don't even know them. Ngumiti lang sila. Inabutan ako nung isa nang dilaw na bulaklak, "Uhh. Sorry, Kuya. May Boyfriend kasi ako eh." wika ko habang nakatingin sa magandang bulaklak.

"I know," sabi niya, "Pinapabigay nga niya sayo."

Napangiti nalang ako nang wala sa oras. Tinanggap ko ang bulaklak. "Thank you." wika ko.


"You're welcome, Babe."

Napalingon agad ako sa likod ko at nakita ko si Jungkook. He smiled. Tumakbo ako papunta sakanya at niyakap siya, "Kamusta ang bakasyon mo? Namiss kita." sabi ko at hinalikan siya sa cheeks.


"Bakit sa cheeks lang?" tanong niya at nagpout.

Kinurot ko nalang siya sa pisngi. Hinawakan niya ang kamay ko at humarap kami sa mga tao.


Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon