Chapter 17

1.2K 52 3
                                    


Taehyung's POV

"Alex?" Kinakabahan kong sabi. Babalik si Alex dito sa Pilipinas bilang makeup artist ko?

Kumunot ang noo ko. "What? Ang daming tao sa buong mundo siya pa?" Tanong ko. Bakit pa kasi kailangan pa niyang umuwi at magsilbi saakin?


Ang daming staff ng Bigit, ok? Magseselos nanaman si Entice. "Pasensya na, pero utos lang po 'yon saamin." Wika ng staff. Napasabunot nalang ako ng buhok.


Lumakad na sila palayo. Alex was my first love. Mahal na mahal ko siya dati. Patay na ko.


Entice's POV


"Y-Yung Alex ba 'y-yon?" Kinakabahan kong tanong. Ex ng asawa ko, magiging makeup artist niya? Jennie smiled and nodded. Bumilis bigla ang pintig ng puso ko.


Binigyan ako ni Jennie nang tubig habang nakangisi. "Na-triggered ka ba, Beshy?" Tanong ni Jennie. Napalunok ako. Pinagmamasdan lang ako ni Jisoo. Tumayo ako bigla. "Sorry. May gagawin pa ako." Wika ko at umalis sa Cafe.


Bakit? Bakit kailangan pang si Alex yung magiging PMA niya? Pinaandar ko yung kotse ko papunta sa bahay namin. Gusto ko lang muna gumaan yung loob ko. Sunod-sunod yung trials sa buhay naming magasawa.


Gusto ko lang makita si Mom at Nanay Linda. Matagal ko narin silang hindi nakita eh. Ang sikip ng dibdib ko. May gusto akong ilabas pero hindi ko malabas. Yung sakit at lungkot na nasa dibdib ko. Natatakot akong mawala saakin si Taehyung.


Pinark ko yung kotse ko sa tapat ng house namin. Bumaba agad ako at binuksan yung gate. Sinalubong ako ni Nanay Linda. "Nay!" Sigaw ko at niyakap siyang mahigpit. Miss na miss ko na si Nanay. Ngiting ngiti si Nanay Linda.


Nangingilid ang luha sa mga mata niya. "Anak, miss na miss na kita." Wika niya. I smiled brightly. Ang sweet talaga ni Nanay. Kumalas na siya sa yakap.


"Nahanda ako ng mga pagkain, Entice. Pumasok ka." Sabi ni Nanay. Hinatak ako ni Nanay Linda papasok sa aming bahay. Habang nagtatawanan, naglalakad kami papunta sa dining area. Bigla kaming napahinto sa paglakad.


Nakita namin si Mom and Dad na nagaaway. "Tumahimik ka, Eunice! Paano kung malaman 'yan ng mga anak mo?!" Sigaw ni Dad. Nakasilip lang kami ni Nanay. Humahagulgol si Mom habang nakatakip ang kamay niya sa mukha niya.


Bakit sila nagaaway? "Bakit?! Bakit hindi mo nalang sabihin kay Entice na ayaw sakanya ng parents ni Taehyung. Mas masasaktan mo si Entice kung itatago pa natin na kukunin na ni Alex si Taehyung papuntang United States!" Sigaw ni Mom.


Napaluha narin ako sa narinig ko. Iniwan na ako ni Taehyung, dati. Ayokong maulit pa 'yon. "Hindi natin 'yon kasalanan dahil yun ang utos ng mga magulang ni Taehyung!" Sagot ni Dad. I had enough.


Pumunta ako rito para makarelax pero ito ang maabutan at malalaman ko. Tumakbo ako palabas sa bahay namin at pumasok sa kotse ko. Duon ako umiyak ng umiyak. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Taehyung.


After multiple rings, sumagot na siya. "Love? Bakit ka napatawag?" Tanong niya galing sa telepono.


"Love, ayoko na."


[Love, what happened? Jebal, stop crying.]


"Kukunin ka ni Alex, Love. Hindi ko na kaya." Humahagulgol kong sabi.

[Ani, nanuen neoleul tteonaji anh-eulgeoya.] (No, i won't leave you.)

"Ne, geoleul geobnida. Sarang, neoui bumonim-eun naluel joh ahaji anha." (Yes, you will. Love, your parents doesn't like me.)

Dahil dun, pinutol ko na ang tawag. Saan ako pupunta? Pinaandar ko ang kotse ko papunta sa MOA. Malapit lang naman 'yun dito. Umiiyak ako habang nagdadrive. Bakit ba ayaw saakin ng parents ni Taehyung?

Ano bang mali saakin? Oo, hindi ako perpekto. But, mahal na mahal ko si Taehyung. Mahal na mahal. Siya yung lalaking gusto ko makasama habang buhay. At ayokong mawala siya saakin. He's my everything.

Magiging hangin ako kapag nawala siya. Pinark ko ang kotse ko at tumakbo papunta sa sea side. Walang tao. Lahat ng rides nakasarado. Napatingin ako sa langit ng biglang umulan. Mas lalo akong naiyak.

"Langit, hindi mawawala saakin si Taehyung diba?" Tanong ko. Nakatingin lang ako sa langit. Wala akong pakialam kung basang-basa na ako dito. Umakyat ako sa malakinh semento para kitang-kita ko ang dagat. Pinagmasdan ko lang yung tanawin. Iiwan kaya ako ni Taehyung?

Sasama kaya siya kay Alex? Bumilis ang tibok ng puso ko ng nakarinig ako ng footsteps. Agad akong lumingon at nakita ko, ang lalaking mahal ko. Si Taehyung.

Agad niya akong niyakap. Mas lalo akong naiyak. "Entice, hindi kita iiwan. Love, mahal na mahal kita." Wika ni Taehyung. Mahal niya nga ako, pero tutol ang mga magulang niya. Nung araw na kakasal kami, si Tita lang ang bumati saakin.

Nakarinig pa ako ng masakit na salita sa Dad niya. "Ayaw nila saakin. Love, kukunin ka nila." Sagot ko sakanya. Hinimas niya ang likod ko. Sinisinok na ko, kakaiyak. Kumalas siya sa yakap at hinalikan ako.

Nabigla ako kaya nakabukas parin ang mga mata ko, habang ang sakanya ay nakasarado. I slowly smiled and kiss him back. After that, he kissed my forehead.

"Kahit bagyo pa 'yan, wala akong pakialam. Sayo lang ako, Mrs. Kim."

I smiled. Kinikilig ako. Pinalo ko siya sa braso. "Yiee, kinikilig ka 'no?" Tanong ni Taehyung. Kinurot ko naman siya sa tagiliran. Ang harot talaga ng asawa ko! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"A-Aww. Taehyung, upo muna tayo." Nanghihina kong sabi. Nanlaki ang mga mata ni Taehyung. Agad niya akong inalalayan papunta sa bench. Tumigil narin ang ulan. Napahawak ako sa tiyan ko.

Ang sakit, parang may sumisipa.

Nataranta bigla si Taehyung. "Ok ka lang, Entice? Anong nangyayari sayo? Mamamatay ka na ba?" Sunod sunod niyang tanong. Pinalo ko siya sa braso. Kahit kailan talaga to si Taehyung. Ang sakit talaga.

Napahawak ako ng mahigpit sa upuan. "T-Tae, nahihilo ako." Wika ko habang naghahabol ng hangin. Agad akong binuhat ni Taehyung. "Umuwi na tayo, Love. Baka kasi nabasa ka ng ulan." Sabi ni Taehyung.

Hindi ko alam pero, buntis kaya ako?

_________________________

Hello, Reader. Maraming salamat sa pagbasa ng chapter na 'to. So, pwede ka bang magbigay ng name ng Baby Boy at Baby Girl?

Hehehe, shh! Wag kayong umasa na may baby. Nagtatanong lang ako.

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now