Chapter 64

661 24 4
                                    



Taehyung's POV


Airport 6:30 AM


Nandito si Taeyeon Noona at Storm. Hinatid lang namin si Baekhyun Hyung dito sa airport. Buhat buhat ni Baekhyun si Baby Storm. Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Mamimiss ka ni Daddy." sabi ni Baekhyun Hyung.

Napatawa nalang si Baby Storm. Nakita ko naman yung mga ngiti ni Taeyeon Noona. Indeed, mahal na mahal niya talaga ang family niya. Kitang kita mo naman sa mukha nila na mahal nila ang isa't isa. Lumapit si Taeyeon Noona sakanilang dalawa.

"I love you, Baek. Mamimiss ka namin." sambit ni Noona habang pinipigilan ang luha niya.

Hyung smiled at pinat niya ang head ni Noona. "Babalik ako." sabi ni Hyung. Napalingon naman saakin si Baekhyun Hyung. Napangiti ako nang sinenyasan niya akong lumapit sakanya.

Lumapit ako sakanya at niyakap siya. "Goodluck sa mission mo. Ingat ka dun." sabi ko.

"Salamat, V. Bantayan mo ang pamilya mo. Lalo na ang asawa mo." paalala ni Hyung.

Tumango lang ako.


All flights to London are now boarding.


Ngumiti lang si Hyung. Hinawakan niya ang kamay ni Noona at hinalikan ito, "Sa muling pagkikita, Aking Reyna." biro ni Baekhyun Hyung kaya natawa lang kaming dalawa ni Noona.

Nagsimula nang maglakad si Baekhyun Hyung. "Bye, Appa!" sigaw ni Baby Storm. Ngumiti lang si Hyung. Nagwave lang ako. Mamimiss ko si Baekhyun Hyung.

**********

Dumiresto muna ako sa BigHit dahil may meeting daw. Nadatnan ko agad si Kookie at Jimin na kumakain. Umupo ako sa harapan nilang dalawa.

"Nasaan yung iba?" tanong ko.

"Bumili sila ng coffee para kay BangPd at ibang staff." sagot naman ni Jimin.

Minutes after, nakarating narin kaming lahat sa meeting room. Nagsimulang magsalita si Manager. "Kim Taehyung, kamusta yung pagpapahinga mo? Okay na ba? Pwede ka na ba ulit umattend?" tanong nito.

"Susubukan ko."

Tumawa si Manager, "Hindi pwedeng susubukan lang, Tae. Magcoconcert kayo sa Japan! Kailangan kumpirmahin lahat!"

Hindi ako kumibo. Nagiisip ako. Paano ko mababantayan si Entice? At paano naman ang mga fans namin? Paano ang BTS kung walang Kim Taehyung? Hindi kami kumpleto kung hindi ako makakasama sa concert sa Japan.

"Let's get to the business. Updated ba kayo sa nangyayari sainyo sa social media?" tanong ni Manager.

Tumango naman silang lahat pero ako nakikinig lang. Ayoko munang makisali dahil alam kong matagal akong nawala. Medyo may mga naskip rin akong importanteng meetings at practices. Nagulat nalang ako nang tumingin saakin si Manager.


"Kim Taehyung. Alam mo bang nakita kayo ni Entice sa isang restaurant?"

Nanlaki naman ang mga mata ko at nagulat din ang ibang members. Manager sighed, "Magisip ka, paano natin ieexplain ito sa fans?" tanong niya. Hinilot ko nalang ang sintido ko.

Nagraise naman ng hand si Yoongi Hyung. "May i see the picture that they captured?" tanong nito kaya napatingin kaming lahat sakanya.

Inabot ito sakanya ni BangPd. Pinagmasdan naming lahat ang litrato. Oo nga. Kaming dalawa yan ni Entice nung lumabas kami para kumain. Napasigh nalang din ako. Ayoko namang malaman pa ng mga fans ang tungkol kay Entice. Ayokong gumulo ang buhay ni Entice.

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now