Chapter 18

1.1K 45 2
                                    




Entice's POV


Nakahiga lang ako sa kama ngayon. Nahihilo parin talaga ako. "Love, kumain ka muna." Wika ni Taehyung. Umiling lang ako. Wala akong gana. Nagtalukbong ako sa kumot ko. Narinig kong nagsigh si Taehyung. Aalis rin naman siya eh. Magpeperform kasi sila sa Music Bank.


Papaalaga niya nanaman ako kay Nanay Linda. "I hope you understand, Entice. Late na ko, papunta na dito si Nanay Linda. Bye, i love you." Wika ni Taehyung at hinalikan ang kamay ko. Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Nilabas ko ang phone ko.


"Hello, Ann?"


[Oh, napatawag ka? Kasama ko yung aso kong si Marzia.]


"Hindi ko tinatanong."


[Baliw, sipain kita diyan eh. Bakit ha?]


"Nagtatampo ako kay Taehyung. Hindi ba siya pwedeng umabsent muna?"


[Duh! Wag mong kakalimutan na asawa siya ng ibang babae sa buong mundo. Ikaw nga lang ang lega.]


"Ann, mahal niya naman ako diba?"


[Nasobrahan ka ata sa shabu, Bes. Stop na! Mahal ka nun, wag kang ano.]


"Ewan ko ba. Kagahapon pa ako nahihilo eh."


[Pagod lang 'yan, Entice. Magpahinga ka kasi.]


"Tanga, nagpapahinga naman ako eh. Magdamag nga akong natutulog."


[Oh, baka buntis ka.]


"Baliw, hindi 'no."


[Sabagay, baog ka ata eh. Kumain ka na ba?]


"Hindi ako baog 'no! Kagigil ka. Hindi pa ako kumakain. Kanina pinapakain ako ni Taehyung, pero ayaw ko."


[Alam mo ang choosy mo. Kagigil ka, Beshy.]

"Oo, alam ko! Choosy talaga ako. Akala ko kasi susuyuin niya ako."

[Alam mo--]

"Hindi pa."

[Ano ba, Entice!? Seryoso na nga.]

"Oo na. Eto na."

[Minsan, ikaw naman yung sumuyo sa asawa mo. Baka yan naman yung magtampo. Baka mang babae yan sige ka!]

"Hoy, hindi babaero ang asawa ko. Bitter ka lang eh."

[Anong bitter?! May Jimi-- Ay, wala.]

"Ano? Sino si Jimi?"

[Kkkk, kkkk. Di kita gets. Kkkkk! Bye.]

Aba, loka loka talaga. Halata namang boses niya 'yun. Huminga ako ng malalim at tumayo. Nagsepilyo ako at naghilamos ng mukha. Pak, ang ganda ko. Nababaliw na ako. Lumabas na ako sa kwarto ko.

Nagtali ako ng buhok. Biglang tumunog ang doorbell. Agad akong lumabas at nakita ko si Nanay Linda at si Ate Irene. Anong ginagawa dito ni Ate? Pinagbuksan ko sila ng pintuan. "Hello, Sis." Sassy na bati ni Ate.

Pilit akong ngumiti. "Hi." Sagot ko. Napatingin ako sa dala dala ni Nanay. Isang basket na punong puno ng fruits. Wow, ang sarap! Pinapasok ko agad sila sa loob. Nilapag ni Nanay yung basket sa lamesa.

"Anak, saan ba pumunta ang asawa mo? Buti nalang tinawagan niya ko para alagaan ka." Sabi ni Nanay Linda. Nagbuntong-hininga ako. "Magpeperform po kasi siya." Sagot ko at kumuha ng saging sa basket.

"Eh, hindi ka pala inaalagan eh." Wika ni Nanay Linda. "Nay, busy lang talaga siya ngayon. Lalo na, malapit na ilabas ang album at magcocomeback na sila next week. Kilala ko po ang asawa ko. Mahal
Na mahal niya ako." Nakangiti kong sabi.

Biglang kinilig si Nanay Linda. "Sus! Ikaw talaga." Wika niya.

______________________

"Bye, Nanay! Bye, Ate!" Sigaw ko habang kumakaway. Gabi narin at aalis na sila. Nandito na si Taehyung, nanonood ng TV. Pagod na pagod nga eh. Basang basa ang likod. Sinarado ko ang pinto. Agad kong pinuntahan si Taehyung.

Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Cuddle. "Hmm? Do you want something?" Tanong ni Taehyung. Umiling lang ako at ngumiti. I smelled his neck. Ang bango parin niya kahit pawis na pawis na siya.

"Taehyung, sorry. Ang tigas ng ulo ko." Wika ko. He smiled and patted my head. "Okay lang 'yun, Love. Tulog na tayo." Wika niya at umakyat sa taas ng walang imik. Sabi niya 'Tayo' pero magisa lang siyang umakyat. Ang gara naman.

Taehyung's POV

Hindi ako mapakali sa tabi ni Entice. Alex keeps texting me and I don't know why.

Alex: Taehyung, stop ignoring me.

Ayokong sagutin. Ayokong sagutin. Ayoko na ng gulo. Ayoko ng away. Minute ko ang Phone ko at nagtalukbong ng kumot. Pagkatapos, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Matutulog na ata si Entice.

Naramdaman ko ang paghiga niya sa tabi ko. She held my shoulder tight and pulled me. She hugged me tightly. Tangina, kinikilig ako. "Taehyung, i love you." Inaantok niyang sabi.

I smiled. "I love you more, Love." Sagot ko at hinalikan ang noo niya.

___________________


Taehyung's POV


Minulat ko ang mata ko ng nakarinig ako ng kakaibang tunog mula sa CR. Napatayo ako. Binuksan ko ang pinto ng banyo at nakita ko si Entice na nagsusuka. Agad kong hinagod ang likod niya. "Love, okay ka lang?" Natataranta kong tanong.


Umiling naman siya kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kumapit siya sa braso ko upang makatayo ng maayos. Nagmumog siya at nagayos ng buhok. "Entice, may sakit ka ba?" Tanong ko.


"Taehyung, di kaya buntis ako?" Tanong niya. Nagulat ako sa sinabi niya. I smiled. "Hindi ko rin alam. Oh my god, tatay nako!" Sigaw ko at nagtatalon kaya nakatanggap ako ng kurot. Masakit yun ah. Nagpamewang siya.


"Seryoso na, Love." Sabi niya. Napakagat ako sa labi at napatango. Okay, seryoso na. Lumabas siya sa CR kaya agad ko siyang sinundan. Bumaba kaming dalawa, agad siyang umupo sofa. Pumunta ako sa kusina. Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Jin Hyung.


"Hyung, paano magluto ng porksteak?"


[Huh? Bakit mo naman natanong? Anong nakain mo?]


"Just teach me, Hyung. Baka magutom si Entice."


[Tsk, i'll send you a link. Bye.]


Agad akong nakatanggap ng link. Binuksan ko ang link at sinunod ang mga steps. Nakaramdam ako ng mainit na kamay na yumakap saakin mula sa likod. "Ang bango, Love." Masayang wika ni Entice. Napangiti ako. Okay na akong makita siyang masaya.


"Hindi ka ba papasok ngayon?" Tanong ni Entice at naglabas ng tubig sa Ref. Umiling ako. Binigyan kami ng 2 days break. Tutal, practice lang naman kami ng practice. Tapos na ang album namin. So, wala na kaming masyadong ginagawa.


Lumapit siya saakin at hinawakan ako sa leeg. Fvck, kinikilig ako. Nakakabakla. "Babawi ako sayo, Taehyung. I'll make breakfast in bed for you tomorrow." Nakangiti niyang sabi. I smirked, parang may ibang meaning.


"In BED?" Tanong ko habang nakasmirk. Agad niya akong tinulak palayo kaya napatawa ako. "E-Ewan ko sayo!"

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now