Xandra ( Chapter 68 )

624 23 5
                                    





Entice's POV


Nagkita kami ni Jasmine dito sa maliit na ice cream shop. "Ano ba ang ginagawa natin rito?" tanong ko.

Hindi nakakibo si Jasmine. "May kailangan akong ipakita sayo, Entice. Ayoko nang patagalin ang paghahanap sa mga gumawa nun sayo." wika niya.

May inilapag siyang litrato sa kahoy na lamesa. Tinignan ko ang litrato. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Papa sa litrato. May isang babae siyang kasama. "N-Nakita 'yan ni Miranda sa warehouse." dugtong ni Jasmine.


"Sino ang babae? Kilala niyo ba?" tanong ko ulit.

Umiling lang si Jasmine, "Hindi rin. Kaya ko sinabi sayo ang tungkol dito, nagbabakasakali akong kilala mo kung sino ang babae na 'yan." sagot niya.

Sino 'to?

*************

Pumasok ako sa guest room at humiga. Namimiss ko na si Nanay Linda, Taehyung at Mama. Masaya ako rito dahil nandito si Ann at Jasmine pero si Taehyung? Hindi ko na siya masyadong nakakausap. Kaya eto, nalulungkot talaga ako.


Niyakap ko ang unan at pumikit.


************


Taehyung's POV

Bumaba kami sa tapat ng bahay ni Jennie. Inaya kasi kami kumain dahil kaarawan niya ngayon. "Ayoko talagang pumasok." sabi ko at bumuntong hininga.

"Taehyung, kailangan mo." wika ni Manager at bumaba sa van.

Nagsigh ako at nagsuot ng cap at mask para walang makakita saakin. Bumaba na ako sa van kasama si Manager. Nagdoor-bell kami at may sumalubong saamin na babae.

"Hi! Ikaw pala ang Boyfriend ng anak ko!" bati niya saamin.

"Pasok kayo."

Pumasok kaming dalawa ni Manager sa loob. Maayos naman ang bahay nila Jennie. Malinis rin. Umupo kaming dalawa ni Manager sa lamesa. Tinanggal ko narin ang cap at mask ko. Nilagay ng Mama niya ang mga pagkain sa harapan namin.

"Tatawagin ko lang si Jennie." nakangiting sabi nito.

Tumango lang kami ni Manager.

***********

Jennie's POV

Sinuot ko ang kulay pulang kwintas nang may kumatok sa kwarto ko. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Kailangan kong maakit si Taehyung. Kailangan niyang marealize na ako ang para sakanya. Hindi si Entice. Feeling ko kasi mas magkakasundo kami ni Taehyung dahil parehas kaming kpop idol.

Mas may parehas kaming experiences especially sa industry. Binuksan ko ang pintuan, "Nasa baba na sila." sabi ni Mama.


"Sige po, Ma. Magreretouch lang po ako." sagot ko at isinarado ang pintuan.


************

Nakangiti akong lumabas sa kwarto ko. Habang pababa ako narinig ko ang boses nila Taehyung.

"Manager, i don't like Jennie."

"Makisakay ka. Alam niyo naman na iyon ang gusto ng Blinks at ARMYs."

"Paano naman ang gusto namin? Manager, may asawa po ako."

"Taehyung, wag dito. Nasa tirahan tayo nila Jennie."

Napahinto nalang ako bigla. Wala ba talagang nararamdaman si Taehyung para saakin? Nakaramdam ako ng likido na lumalabas mula sa mata ko. Masama ba magmahal? Kaya ko lang naman nagagawa 'to dahil mahal na mahal ko si Taehyung.

Pero kung ayaw niya talaga, papalayain ko na siya. Hindi ko na siya guguluhin kung napapahirapan ko pala siya.



***************

Taehyung's POV

"Anong paguusapan natin dito?" tanong ko kay Jennie.

Walang emosyon ang mukha niya. Hindi na siya nagcicling saakin kaya medyo naging komportable ako. Inaya niya ako rito sa garden nila para makausap ako, "Ayoko na." nakangiti niyang sabi.


Kumunot ang noo niya, "What do you mean?" tanong ko.


"Taehyung, sorry. Sorry kung nasisira ko na pala kayo ni Entice. Sorry kung lagi akong nagcicling sayo. I'm really sorry. Pagod narin ako, Tae. Ayoko narin. Napapagod narin akong habulin ka at sabihin na mahal kita. Wag kang magalala, tanggap ko na at kaya kong kalimutan ang nararamdaman ko para sayo. I love you so bad. Kahit alam kong may mahal kang iba, pinili ko paring mahalin ka. Ako ang mali, patawad."

Ngumiti si Jennie at nagbow ng kunti. "Thank you. Thank you so much." wika ko.

Ngumiti lang siya.


***************

Entice's POV

Binuksan ko ang pintuan ng office ni
Dad. Nakita ko siyang nagbabasa ng mga papeles at agad kong naagaw ang atensyon niya. Matatalim ang tingin na ibinabato ko sakanya. Hinubad niya ang salamin niya at tumingin saakin. "Why are you here?" cold niyang tanong.

Hindi ako nagsalita. Lumapit ako papunta sa desk niya. Wala kang maririnig kundi ang tunog ng takong ko sa sahig. Inilapag ko ang litrato na binigay saakin ni Jasmine sa desk ni Papa, "Sino 'yan, Dad?" matigas kong tanong.


Sumama bigla ang tingin saakin ni Dad at padabog na kinuha ang litrato. Nawala ang masamang mukha niya nang makita niya ang litrato. "Who gave you this?" he asked.

"Answer me." wika ko.

"Entice! Watch your words!" sigaw ni Papa.

Sumarado ang kamao ko dahil hindi ko narin mapigilan ang galit at lungkot ko. Tumulo ang mga luha sa mata ko pero wala akong ginawang hikbi. Napapikit nalang ako. I don't deserve this. Bakit nangyayari 'to saakin?

"Sino ang babae sa litrato?" tanong ko muli.


Nagbago ang expression ni Papa nang makita niya ang mga luha sa mata ko. He looked away. Inilayo niya ang litrato at tumayo. Tumingin siya sa glass na kitang kita ang buong syudad. Pinunasan ko ang mga luha na galing sa mata ko.


"She's my other woman." sagot ni Papa.

Nanlaki ang mga mata ko. "O-Other woman?" nanginginig kong tanong.


"Yes. Siya ang babaeng nahuli mo noon, Anak. Sorry." dugtong ni Papa at humarap saakin.

Mas lalo akong nanginig. Isa sakanila ang kabit ni Dad? Nanginginig pati ang labi ko. "Ano po ang p-pangalan niya?" tanong ko.

"Her name is Xandra."

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Kinuha ko ang litrato sa desk at inilagay sa bulsa ko. Tumakbo ako palabas ng office ni Dad.

Bogsh!

"Omg. Sorry, baby girl."


Hinimas ko ang pwet ko. Tumayo ako para harapin ang babae. "N-No.." bulong ko sa sarili ko.

"Are you okay? Sorry, nagmamadali kasi ako. Ikaw si Entice right?" wika niya.

Siya at ang babae sa litrato, ay iisa.


Hindi ako nagdalawang isip.

PLAK!


Naramdaman ko ang sakit sa kamay ko. Napatingin lahat ng empleyado saamin. "Mas masahol ka pa sa aso, Xandra." sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya at napatingin saakin.


"Ngayon na kilala ko na kayong lahat. Pagbabayaran niyo lahat ng ginawa niyo."


**************

U D E H M A G I C A L

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now