Chapter 8

1.5K 55 6
                                    

Baekhyun's POV ( Pasensya na po kung medyo marami ang POV ni Baekhyun. Kapatid po siya ni Taehyung, so he'll be part of this story. Please kindly understand. Salamat. :) )

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang black na mask. Sinusundan ko si Irene pabalik ng kanyang apartment. Gagawin ko 'to para sa ikakatahimik ng pamilya ko.

Kumanan siya, which is weird. Diresto ang papunta sa apartment. Sinundan ko siya at nakita ko siyang may kausap na anim na lalaki. Agad kong nilabas ang Phone ko, at vinideo sila.

"Don't kill her. Bugbugin niyo siya, make sure na walang makakakita kahit isang tao pa yan. Patayin niyo yung taong, nakakita. The earlier na magawa niyo yan, mataas ang bayad, gets?"

Tumango ang anim na lalaki, kumunot ang aking noo. Papabugbog niya si Entice? Umalis na ang anim na lalaki kaya agad akong tumakbo malayo sa kanila.

Kailangan ko tong sabihin kay Mr. Marco. Ang weird lang kay Mr. Marco, nagpapangap siyang wala siyang alam sa mga bagay na ginagawa ng anak niyang si Irene.

Sumakay ako ng taxi papunta sa BigHit Entertainment. Pumunta ako sa Guard. "Bawal po kayong pumasok dito kung wala po kayong appointment kay Mrs. Marco, Mr. Marco and Ms. Marco." Wika ng Guard.

Ipinakita ko ang ID ko sakanya. Agad niyang binuksan ang pintuan. Nagelevator agad ako. Isinarado ko ang elevator.

Ngunit may kamay na pumigil duon. Si Irene Kristella Marco. I acted like a normal worker here in BigHit. Nakalabad narin kami.

"Hey. Ngayon ka lang dito. Who are you?" Mataray niyang tanong.

Ngumiti ako at nagbow. "Bago po akong trainee. Sige po, salamat!"

Tumalikod na ako sakanya at pumunta sa office ng Dad niya. "Good Afternoon, Mr. Marco. May nakuha po akong informations."

"Entice is not safe, Mr. Marco."

__________________

Taehyung's POV

Tahimik lang akong umiinom ng alak dito sa bar. Ang sakit. Ang sakit na malaman na hindi pala ako mahal ni Entice. Ako lang pala yung nagmamahal. Umasa ako.

Sinabi niyang mahal niya ako. Pero bakit ganun? Ganun ba talaga ang pagmamahal? May relasyon ba sila ni Hyung? Pero may asawa't anak si Hyung.

At mahal na mahal niya si Taeyeon Noona. "Isa pa, Kuya." Wika nung babaeng nasa tabi ko. Napalingon ako. Heartbroken rin ba siya?

Maganda siya, sexy at mukhang mabait naman. Pero hindi maalis ang pagmamahal ko kay Entice. Binigyan siya ng alak ng bartender.

Lumingon siya saakin kaya napaiwas ako. "Kung type mo ko, sorry. May fiance na ako." Sabi niya at nilagok yung alak na iniinom niya. Tumawa ako.

Ang assuming naman niya. "Bakit ka andito?" Tanong ko sakanya. Hindi naman sa feeling close. I'm just makinh friends with her.

Mabait naman siguro siya. "Namatay Nanay ko eh." Malungkot niyang sabi. Napayuko siya. Well, sad life.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Pilit akong ngumiti. Magsasalita na sana ako ng may naramdaman akong kamay sa likod ko.

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon