Chapter 58

656 25 2
                                    

Entice's POV

"Entice, you need to chill. Bibisita lang naman si Tito." sambit ni Jasmine saakin. Nandito ako ngayon sa aking Boutique at inaayos ko ang lugar.

My Dad will visit. Kailangang well organized ang shop ko. I want my Dad to be satisfied. Gusto kong maging proud saakin si Dad at Mom. I sighed. Kinakabahan ako. Alam ko naman si Dad, he's always strict.

And sarcastic. Umupo muna ako dahil napagod ako. Binuksan ko ang aking Phone at nakita ko ang picture ni Leo at Taehyung. Napangiti ako.

"I miss you so much, Baby Leo." wika ko.

To be honest, hanggang ngayon hindi parin ako nakakagetover sa pagkawala ko sa Anak ko. But it doesn't mean na mawawalan ako ng gana sa buhay right? I still have my family and my husband.

"Hey, Guys! Merong dalang coffee si Miranda." wika ni Jasmine. Napatingin naman ako sa pintuan at nakita ko si Miranda at Ann na may bitbit na coffee.

Inabutan ako ni Miranda ng kape, "Thank you." sabi ko. Nginitian lang ako ni Miranda.

***********

Taehyung's POV

Pinalo ko ng pabiro sa braso si Jhope Hyung. "Congrats, Hyung. May hixtape ka na, umaasenso." wika ko. Tumawa lang si Hobi Hyung.

Nandito ako ngayon sa dorm ng Bangtan. Bumisita lang ako pero sa bahay parin ako ng asawa ko nakatira. Hindi ko iiwan 'yon. Mahal na mahal ko 'yung babaeng 'yon eh.

Lakas tama ko dun. "Jin Hyung! Ang tagal naman ng pagkain!" sigaw ni Jimin Hyung. Naghahanda kasi si Jin Hyung dahil syempre magcecelebrate kami sa hixtape ni Hyung.

Bumukas naman ang pinto at nakasimangot na pumasok si Kookie. "Anyare sayo, Maknae?" tanong ni Namjoon Hyung.

Napalingon naman kaming lahat sa pintuan. Nakita naman namin si Jennie na may dalang foods at may suot suot na shades. Wala namang araw. Lumawak ang ngiti niya nang nakita niya si Hobi Hyung.

"Congratulations, Oppa!" sigaw niya at lumapit kay Hyung para yumakap.

Halata namang nairita si Hyung pero pinilit niyang hindi kumibo. "I brought some foods for us! Let's celebrate." masayang sabi ni Jennie.

I rolled my eyes. Bigla namang dumating si Jin Hyung galing sa kusina na dala dala ang hinanda niyang pagkain. Nagkatinginan naman sila ni Jennie.

"Oppa, eto nalang po yung kakainin nila. Right, Boys? Nagsasawa rin naman sila syempre. Lagi nalang luto mo." medyo painsultong sabi ni Jennie.

Kung hindi lang 'to babae, sasapakin ko nalang talaga siya. Naghihintay sa sagot namin si Jennie. "Jennie, kung ayaw mong kumain ng luto ni Hyung. Kainin mo nalang yung dala mo." sabi ni Yoongi habang nakatingin parin sa Phone niya.

Natahimik naman ng sandali si Jennie. Siguro, hindi makaisip ng masasagot niya. Yoongi Hyung is a real savage.

"But.. i cooked this." sagot nito.

"And nageffort rin si Jin Hyung na lutuin yung pagkain namin. You are welcome to join this celebration. But please, just sit and eat." dagdag ni Jimin Hyung.

Padabog naman na umupo sa tabi ko si Jennie. Kumuha siya ng kanin at nilagay sa plato ko.

"Eat a lot, Oppa." wika niya habang nakangiti.

Hindi ko lang siya pinansin. Panay siya sa paglagay ng pagkain sa plato ko. Pinapanood ko lang ang ginagawa niya. Pagkatapos niyang maglagay ng pagkain sa plato ko, niyakap niya ako ng mahigpit kaya mas lalo akong nairita.

"Busog ako." sabi ko at pumasok sa loob ng kwarto.

****************

Entice's POV

Sinuot ko ang jacket ko at lumabas ng Shop. Kanina pa ako naghihintay dito kaninang umaga. Ang lamig lamig na nga at gusto nang umuwi kaso naghihintay parin ako kay Dad. I tried to call him pero hindi naman siya sumasagot.

Pinagkuskos ko ang dalawa kong kamay at idinikit ito sa pisngi ko. "Entice?"

Napalingon naman ako sa likod ko. "Oh. Hello, Baekhyun." wika ko.

"Bakit andito ka pa? Umuwi kana at baka nagaalala na si V." ani Baekhyun.

Pilit naman akong ngumiti, "I'm waiting for my Dad kasi." sagot ko naman.

Napatango tango nalang si Baekhyun. Tumingin siya sa watch niya. "I'll try to call him then. Just a second."

"Wag na, Baekhyun. Baka natutulog narin 'yon kaya hindi sumasagot sa calls ko." sambit ko.

Hindi niya ako pinansin at tinawagan nalang si Dad. Nanginginig na ako sa lamig kaya pati paa ko ginagalaw galaw ko na. Sa hindi kalayuan, nakakita ako ng pulang kotse.

Kotse ni Taehyung. Huminto ito sa harapan namin at bumaba si Taehyung mula don. Agad niya akong sinalubong with a tight hug.

Napatingin siya kay Baekhyun. "Hi, Hyung." bati nito.

"Sumagot yung Dad mo, Entice. Eto, magusap kayo." sabi ni Baekhyun at iniabot saakin ang telepono.

Napalunok naman ako. Nagusap muna si Taehyung at Baekhyun habang nilalakasan ko ang boses ko.

"D-Dad? Good evening po."

[Hello? Who is this?]

"Po? Sino po kayo? I'm Entice."

[Oh, hi Dear. Kaano ano mo ang boyfriend ko?]

"Boyfriend? Excuse me?"

[Any problem, Miss?]

[Look, we are busy— Babe teka lang naman.]

"What the fuck? I'm her daugher!"

[Dear, later nalang. Have a good night.]

Binaba niya ang call. Napatulala nalang ako habang hawak hawak ang Phone ni Baekhyun.

My Dad is cheating.

**************

Tuloy tuloy akong pumasok sa bahay namin. Nakita ko si Nanay Linda na naghahanda ng breakfast. "Anak, bakit ka napapunta?" tanong ni Nanay Linda at hinalikan ako sa pisngi.

Pilit akong ngumiti. "Gusto ko po sanang makasama sila Dad sa breakfast. Namiss ko lang po kayo."

Pinaupo ako ni Nanay. Bumaba naman si Ate Irene kasama si Baby Storm. "Bunso! Napapunta ka. Kamusta?" bati ni Ate Irene.

"Okay lang naman. Aww. Baby Storm, miss ka na ni Tita." wika ko at pinisil ang cheeks ni Storm. He chuckled cutely kaya napangiti ako.

Nakarinig ako ng footsteps sa hagdanan at nakita ko si Mr. Marco. I don't even know if i should call him my Dad.

Ni hindi man lang niya ako tiningnan. Tuloy tuloy lang ang paglakad niya. "Good Morning, Baby Girl." sweet na sabi ni Mama at hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti lang ako.

Nagsimula naman kaming kumain. "Dad. Kamusta po yung araw niyo kagabi?" tanong ko.

"Kamusta naman po yung pangbababae nyo? Masaya ba?"

****************

Thank you so much sa pagread ng chapter. Hehe. 😍😘 I love you all.

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now