Investigation ( Chapter 61 )

659 29 7
                                    

Taehyung's POV

Nakaupo ako sa couch nila Entice. Nandito ako sa bahay nila Entice. Gusto akong kausapin ng Mom at Dad niya dahil narinig nadin nila na nawawala si Entice.

"Hindi pa tayo pwedeng magreport sa Police dahil hindi pa naman siya nawawala ng 24 hours." wika ni Mama.

Nafufrustate ako. Wala kasi akong idea kung saan siya pwedeng pumunta. I visited her Boutique. Sabi ng mga workers, hindi daw pumupunta dun si Entice. That's why nagleave muna ako sa Bangtan.

I mean, i took a break. Humingi ako ng 1 week break. Kailangan ko muna kasing hanapin yung asawa ko. Nagaalala na ako sobra. I tried calling her friends, hindi daw nila kasama si Entice. At nagaalala narin sila.

"I called your brother Baekhyun to search for Entice. Pero, hindi siya pwedeng magtagal dahil may flight na siya next week." sabi ni Dad.

Agent kasi si Kuya. He act so fast. "I'm sorry po for not doing anything. I'll find your daughter, i promise." nakayuko kong sabi.

"Taehyung, wag kang magalala. Alam naming nageeffort karin."

Tumayo ako, "Kailangan ko na pong umalis. Pasensya na po." sabi ko.

Nagbow ako at lumabas ng bahay. Nasaan ka ba Entice? Nakita ko naman si Ann sa labas. Umiiyak ito at hawak hawak niya ang Phone niya. Binuksan niya ang gate. Nilagpasan niya lang ako at tumakbo agad siya papasok.

Nagtaka naman ako kaya pumasok narin ako, "Ann? What happened?" tanong ni Mom.

Hindi parin tumitigil si Ann sa pagiyak. Inabot niya kay Dad ang phone niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Dad.

"A-Anak.." sabi ni Dad.

Lumapit ako sakanila para makita ko ang footage. Nanlambot ang mga tuhod ko nang nakita ko si Entice na nakabitin at may dugo sa katawan. Marami siyang pasa. Biglang may dalawang babaeng lumapit sa camera. Nakasuot sila ng mask.

"Tsk! Gusto niyo pa ba makita si Entice? Like duh. Wala siyang kwenta!" wika nung isa at binato ng baso si Entice.

Buti nalang at hindi ito babasagin. Unti unting sumarado ang kamao ko. Sinong tao ang may pusong kayang gumawa nito sa asawa ko!? Ano bang ginawa ni Entice. Nakita ko naman ang pagmulat ng mata ni Entice. Tumulo ang mga luha niya.

"Our babygirl is awake na. Magbigay ka naman ng message sa asawa mo, Entice." sabi nung isang babaeng may mahabang earrings.

Nanghihina si Entice. Nanginginig ito habang nagsasalita, "T-Tae.. Please save me. Ang h-hirap dito.. Hindi ako nakakakain.. T-Too much torture.. B-Babe, i'll w-wait f-for you."

Sabay namang tumawa ang babae. "How sweet!" sigaw nito.

Bumaksak ang camera at narinig ko ang tawanan nila. Nasarado ko ang mga kamao ko. Tumingin ako kay Ann. "Pano mo nakuha yung video?" tanong ko.

"Kasal kasi ni Tita. Pumunta ako dun sa place nang nagpicture sakanila para sa prenup. Inabot sakin nung nagbabantay don niyan. May nagpaabot daw sakin." umiiyak na sagot ni Ann.

Namumugto ang mga mata niya at kanina pa siya nanginginig. Hindi niya siguro maalis sa utak niya ang napanood niyang video. Napatingin naman ako kela Mom at Dad. Mom is crying silently while Dad is thinking.

"I'll find them."

*************

Lumapit ako kay Baekhyun Hyung. "Kamusta paghahanap?" tanong ko. Napakamot naman siya.

"Wala eh. Pero may nakuha akong phone sa basurahan, same case kasi kaya baka kay Entice 'yan. Check mo nga." sagot niya.

Inabot niya saakin ang isang phone na may unting basag at punong puno ng dumi. Buti nalang at may dalang gloves si Baekhyun Hyung. Nandito kasi kami sa secret room niya. Dito niya ginagawa yung plano ng mga mission na pinapagawa sakanya.

Dahil malakas ako kay Hyung, ako palang ang pinapapasok niya sa kwartong 'to, "Ito nga. Saan mo nakuha?" tanong ko.

"Malapit sa Mall."

Napaisip naman ako. Malapit siguro sa Mall na 'yon ang lugar kung saan nila nilagay si Entice. Nilabas ko ang phone at inabot ito kay Hyung. Napatingin naman siya sakin.

"It's a video. Medyo disturbing ito pero, baka makatulong para malaman natin kung saan nila nilagay yung asawa ko." sambit ko at plinay ang video.

Nakatitig lang sa Phone si Baekhyun Hyung at mukhang seryosong seryoso sya habang nanonood.

"Tsk! Gusto niyo pa ba makita si Entice? Like duh. Wala siyang kwenta!"

"Our babygirl is awake na! Magbigay ka naman ng message sa asawa mo, Entice."

"T-Tae.. Please save me. Ang h-hirap dito... Hindi ako nakakakain... T-Too much torture... B-Babe, i'll w-wait f-for you.."

"How sweet!"


Napalunok naman ako. Hindi ko kayang makita si Entice sa ganong sitwasyon. Habang patagal ng patagal, mas nasasabik akong yakapin siya. Gustong gusto ko na siyang makuha sa kamay ng mga babaeng 'yon.

"May mga mali tayo. Buti pinakita mo sakin ang video na 'to." sabi ni Hyung.

Umupo ako sa harapan niya na may seryosong mukha. "Hindi lang dalawa ang nagplano nito. May isa pa, ang humawak sa camera. Sino bang nagbigay sayo ng video na 'to?" tanong niya.

"Si Ann. Bakit?"

Tinitigan lang ako ni Baekhyun Hyung. Napaisip rin ako. Could it be Ann? Pero, close na close si Ann at Entice. Kahit prangka si Ann, alam ko naman na hindi niya 'yon magagawa kay Entice. Sumandal si Baekhyun Hyung sa upuan niya.

"Meron bang issue na nakuwento sayo si Entice? Fight?" tanong nito.

"Meron. Yung day na hiniram ni Entice yung phone mo para tawagan ang Papa niya, nalaman niya na meron itong kabit." sagot ko.

Ngumisi si Baekhyun Hyung, "Interesting."

Baekhyun Hyung might be creepy pero ineenjoy niya lang yung case. Ganyan naman siya. Siguro dahil matagal narin siyang secret agent. "We need to finish this. Aalis na ko next week, Tae." sabi ni Baekhyun at tumayo.

Oo nga pala. Pupunta pa pala si Baekhyun Hyung sa London next week para sa bago niyang mission. Nagsuot siya ng leather coat, black and white na cap at isang plain black na mask. Tagong tago ang istura nito at daig pa niya ang isang sindikato na nagtatago sa mga pulis.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko at nagsuot rin ng mask.

"I want to talk to Mr. Marco."

*********

ETO NA MGA BESHY! ANOTHER UD!

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα