Chapter 34

911 37 1
                                    

Entice's POV

Hindi ko maiwasang maisip si Alex. Bakit parang may feeling ako na may kinalaman siya sa lahat ng nangyayari? Kasama ko si Jasmine at Ann ngayon. Naguusap-usap kami about kay Alex. Pero, si Ann, tahimik lang talaga siya at wala siyang balak na magsalita. Hindi ako sanay sa ganun. Ann is talkative.

Lagi 'yang nagsasalita. "Ok ka lang, Ann?" Tanong ko. Tumango lang siya at pilit na ngumiti. Uminom lang siya ng kape na inorder niya. "Guys, nakakatanggap ako ng text messages everynight bago ako matulog." Biglang sabi ni Jasmine. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Alex is making move. Patay na patay talaga siya kay Taehyung.

Hindi niya hahayaang mawala sakanya si Taehyung. "What? Anong mga sinasabi niya sayo?" Aligagang tanong ni Ann. Huminga ng malalim si Jasmine. Mahirap ito para saamin, hindi na natahimik ang buhay namin. Hindi rin kami comfortable dahil anytime pwedeng may gawin si Alex. Hindi niya matanggap na ako ang mahal ni Taehyung, natatakot ako na masaktan ang pamilya at mga kaibigan ko. Lalo na si Taehyung at Leo.

Mahal na mahal ko sila at hindi ko kayang mawala sila sa buhay ko. "Nagsend siya saakin ng picture ng bahay natin." Natatakot na sabi ni Jasmine. Mas lalo akong kinilabutan, they are watching us. May nanonood sa bawat galaw naming tatlo. Nanginginig ang mga paa ko.

"Sabay sabay tayong umuwi. Walang maghihiwalay-hiwalay."

_______________

Pumasok ako sa bahay namin. Hinatid ako nila ako sa bahay namin. Umakyat ako sa taas at natutulog na si Leo at Storm. Nagtanggal ako ng sapatos at nagsuot ng Pajama. Uminom muna ako ng tubig bago ako umakyat sa kwarto namin ni Taehyung. Binuksan ko ang kwarto namin ni Taehyung at mahimbing siyang natutulog.

Humiga ako sa tabi niya at pinagmasdan ang mukha niya. Ang pogi talaga ng asawa ko. Hinalikan ko siya ng matagal. He's an idol, kakacomeback nalang nila ng DNA. Syempre, tight schedules na ulit sila ngayon. Paggising ko wala na siya, ngayon ko nalang ulit siya nakikita. Tulog na siya, syempre napapagod at puyat narin si V.

"I love you. Goodnight." Sabi ko habang hinahawi ang buhok niya. Hindi ko maiwasang hawakan ang mukha niya. Namimiss ko kasi siya eh. Yung time namin sa isa't isa hindi na katulad ng dati. Pero, naiintindihan ko naman wag kayong magalala.

Kinumutan ko siya at natulog sa tabi niya.

_______________

Taehyung's POV

Pumasok na ako sa kotse ko, ang aga aga pa nga eh. May Emergency Meeting daw kasi. Madaling araw palang. Hindi pa nga gising sila Entice at ang mga bata. Ang hirap ng schedule namin. Pagdating ko tulog na silang lahat or wala pa si Entice. Syempre, pagod na ako kaya tuloy tulog narin ako. Wala na rin kaming bonding time.

Pero wala naman akong magagawa because this is my job. Pinark ko ang kotse ko sa likod ng Building. Wala kasing mga Fans dito. Karamihan nasa harap. Oo, tama. Madaling araw nandito na sila. They are fans, don't judge them! Pumasok na ako sa loob ng Building at nakita ko nga sila Jin Hyung at Hoseok Hyung.

"Hyung! Nasaan na sila Jungkook?" Tanong ko. "Ayun, ayaw pa bumangon. Ang tigas talaga nang ulo!" Sigaw ni Jin Hyung. Maski ako nga eh ayoko paring bumangon pero sabi kasi Emergency eh. Syempre, babangon ako. Hindi pa nga ako kumakain, tuloy ligo agad.

Biglang may lumapit saamin na Staff. "Tawag po kayo ni Manager. Taehyung, maiwan ka daw muna." Sabi nung babae. Nagtaka naman kaming tatlo, bat sila lang? Edi sana hindi na ako tinext. May nabuong silence sa paligid namin. Yung babae, nakamask siya. Bakit siya nakamask? Wala namang fans sa loob at idol ba siya?

Walang nagawa sila Jin at Hoseok Hyung. "O-Okay. Iwan ka na namin, V." Sabi ni Hoseok Hyung. Tumango nalang ako at nagpatuloy na silang dalawa. Ngunit itong babaeng 'to, hindi parin nagsasalita. Hindi pa siya umaalis, ano bang kailangan niya? Napatingin ako diretso sa mata niya.

Dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Natatakot ako. Dahan dahan niyang tinanggal ang mask niya, kaya napaurong ako. She smiled sweetly.

"Long time no see, Kim Taehyung."

Si Alex.

____________

Entice's POV

Nasa labas kami ng BigHit ngayon. Kasama ko si Storm at Leo, dadalhan ko lang ng pagkain si V. Malamang, magpapagod nanaman kasi 'yun. Minsan, nagugutom siya. Dahil alam naman nila na asawa ko si Kim Taehyung, pinapasok agad nila ako. Hawak-hawak ni Leo ang bag na may lamang pagkain. While karga karga ko naman si Storm.

Bigla akong natigilan sa paglalakad. Muntik ko ng mabitawan si Storm. "A-Alex?" Nanginginig kong tanong. Binaba ko agad si Storm at Leo. "Baby, go to the receptionist. I'll come back to get you." Wika ko. Tumango lang silang dalawa. Tumakbo sila papunta sa receptionist. Kilala ko yun, mabait yun. Nilapitan ko silang dalawa at laking gulat nila.

"Hello, Alex. Long time no see rin." Sarcastic kong sabi. Nagulat naman si Alex sa inasta ko. Hinawakan ni V ang kamay ko. "Bakit kayo pumunta dito? Madaling araw pa ah." Nagtatakang tanong ni Taehyung. Tumingin ako sakanya. I pulled his neck at hinalikan siya.

Nanlaki ang mga mata ni Alex at halatang naiinis siya. "Shh, wag ka munang magsalita." Sabi ko kay Taehyung. He smirked. Bumalik ang tingin ko kay Alex na ngayong galit na galit na. "Entice, hindi ka talaga nagbago!" Biro niya. I just smiled.

"Why would i? Bakit ikaw? Hindi ka pa ba nagbabago? Demonyo ka parin ba?" Tanong ko.

Nagiba ang aura ni Alex. "Wag kang mayabang. Lampa!" Sigaw niya.

"Wag na wag mo akong sasabihan ng lampa dahil hindi mo alam ang lakas ko, Alex! Wag na wag!"

"Aww! Look at you! Galit ka nanaman, Gabrielle!"

"Stop calling me Gabrielle, you lil piece of sh*t. Pwede kitang paalisin dito."

Natahimik siya. Sinuot niya ang mask niya at halatang galit parin siya. "Hindi pa tayo tapos, Entice." Sabi niya at tumakbo palabas ng Building. Nagkatinginan kami ni V at nagyakapan. Hinalikan niya lang ako sa noo. Kailan ba titigil si Alex?

"Thank you, Love. I love you."

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderOnde as histórias ganham vida. Descobre agora