Chapter 63

694 26 4
                                    



Entice's POV

Tumanggi akong dalhin sa hospital. Baka may makakita pa kay V. Magkaroon pa ng bagong problema. Kasama ko ngayon si Ate Irene. Pinapagaling niya ang mga sugat ko.

"Thank you so much." sabi ko.

Ngumiti nang matamis si Ate, "Walang anuman. Magpahinga ka na, parating narin si Taehyung." wika niya at niligpit ang mga ginamit niya. Tumango lang ako.

Hindi ako masyadong makagalaw ng maayos. May mga pasa pa sa katawan ko at oo, mahirap gumalaw. Inalalayan ako ni Ate Irene papunta sa taas. Wala kami ngayon sa bahay namin ni V. Sabi ni Papa, stay daw muna kami dito. Para daw nababantayan niya ako.

Saka, para marami kami. Kaming dalawa lang kasi ni Taehyung dun. At naiiwan naman ako kapag may gagawin si Taehyung sa BigHit. Umupo ako sa kama.

Nakarinig ako ng engine ng sasakyan sa labas. Agad bumilis ang tibok ng puso ko. "A-Ayoko na.." sabi ko. Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ko. Biglang nanginig ang mga kamay ko at humigpit ang hawak ko sa bed sheet.

Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Taehyung na nakasuot ng cap. Agad nanlaki ang mga mata niya nang makita niya akong nanginginig. Lumapit siya saakin at niyakap ako.

"What's wrong? Wag ka nang umiyak, Babe. Nandito na ako." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Napahawak nalang ako sa braso niya. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya marelieve ako agad. Hinawakan niya ang aking mukha, "Pagtatanggol kita sakanila. I love you, Entice." sabi niya at hinalikan ako kaya napapikit ako.


Unti unting tumigil ang pagluha ko. "I-I love you too." sagot ko at sumubsob sa leeg niya.

Napatanag na ako at tuluyan akong inantok.


**************

Nagising ako sa bisig ni V. Mahimbing rin ang tulog niya. Hindi muna ako bumangon. Yakap yakap ako ni Taehyung sa bewang. Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa labi.

"Napakaswerte ko dahil akin ka."

Nagulat naman ako nang ngumiti siya. Akala ko tulog siya. Napalunok nalang ako. Minulat niya ang mga mata niya.

"Good morning." wika nito. Ngumiti lang ako. Umupo si Taehyung sa kama at kinuha ang Phone niya. Sinilip ko naman ito at nakakita ako ng picture ng isang resort.

Anong meron? "Ano 'yan?" tanong ko.


"Sinearch ko lang yung hotel na pagiistayan namin next year." sagot ni V at tumayo.

Naalala ko naman ang nangyari kagabi. Nagbigay ng trauma ang ginawa nila saakin. Pero atleast nandito na ako. Nasa tabi na ako ng taong mahal ko. Inalalayan ako ni Taehyung papunta sa baba, kakain na kasi kami ng breakfast. Nakita ko si Ate Irene na kumakaing magisa sa lamesa.

Umupo kaming dalawa ni Taehyung sa harapan niya, "Good Morning. Kamusta pakiramdam mo, Entice?" tanong ni Ate Irene.

"Medyo g-gumiginhawa." sagot ko at kumuha ng pagkain at nilagay sa plato ko. Ngumiti lang si Ate Irene at bumalik sa pagkakain. Napatingin naman ako sa leeg niya.

Agad kong nabitawan ang kutsara ko. "Entice? Are you okay?" tanong ni V.

Agad na napatingin saakin si Ate. Nakatitig lang ako sa kwintas na suot niya. Napansin ako ni Ate Irene ang pagtingin ko sa kwintas. Umubo si Ate Irene at inayos ang buhok niya kaya tuluyan itong natakpan.

I gulped. "V, i want to eat outside." wika ko at tumingin kay Taehyung. Hinawakan ko ang hita niya kaya naramdaman niya ang panginginig ko. Nakita ko naman ang biglang pagaalala sa mga mata niya.

"Sige." sagot niya.


***********

Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Umorder nalang ako ng Lasagna. "Entice." tawag ni Taehyung at hinawakan ang kamay ko.

"Hmm?"

"Tell me what's the problem."

Natigilan naman ako sa pagkain ko. Tumingin ako diresto sa mga mata niya. Gusto kong sabihin pero parang may pumipigil sa bibig ko na bumuka. Umiling nalang ako.

"I-I need to go to t-the bathroom." wika ko at tumakbo papunta sa CR.

Huminga ako ng malalim nang makapasok ako sa restroom. Naghilamos ako para medyo gumaan ang pakiramdam ko. Habang naghuhugas ako ng kamay, biglang may pumasok na isang babaeng nakamask. Agad na nagiba ang aura ko.

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Wag na wag mong sasabihin kay Taehyung. Hindi ako magdadalawang isip na tapusin ka."


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Mahigpit ang hawak ko sa pajama ko. Nanginginig ang katawan ko at pinipigilan kong tumulo ang luha mula sa mata ko. Nakikita ko lamang siya sa reflection ng salamin. Hindi ko kayang humarap sakanya.

Bubuksan niya na sana ang pintuan pero may nakita akong gumalaw sa leeg niya. Nanlaki ang mga mata ko kaya bigla akong umikot para humarap sakanya kaya natigilan rin siya.

Dinuro ko siya kaya nakita ko ang paglaki ng mata niya. Nakasuot ito ng puting mask. "Kilala kita." sabi ko.

"Hindi ko ineexpect na magagawa mo 'to s-sakin. Ang galing mong umarte s-sa harap n-ng ibang tao!" sigaw ko.

Hindi kumibo ang babae. Agad niyang binuksan ang pintuan at tumakbo paalis sa Restaurant. Naiwan akong nakatayo at nagiisip. Tama kaya ang hinala ko? Lumabas ako sa restroom na parang walang nangyari. Nakita ko si Taehyung na nakahawak sa phone niya habang kumakain.

Dahan dahan akong umupo sa harapan niya. Nakatutula parin. "Kumain ka na." wika ni V. Nakita ni V ang panginginig ni Entice.

Agad siyang napaisip. Tumango lang ako at pilit na ngumiti. "You're shaking." casual na sabi ni Taehyung na parang normal lang ito. Napatingin ako sa kamay ko kaya agad kong itong pinatong sa legs ko.

Ngumiti lang ako, "Ang lamig ng tubig sa CR." sambit ko.


**************

Umupo ako sa kama namin. Nasa banyo parin si Taehyung at nagshoshower. Tinali ko ang mahaba kong buhok at humiga sa kama namin. Nagtalukbong ako ng kumot, sabay lumabas si Taehyung mula sa banyo. Naramdaman ko ang paghiga niya sa kama ko.

Malamig ang presensya niya. Wala pang segundo, nasa bisig na ako ni Taehyung. "Alam kong may problema ka. Wag kang mahihiyang sabihin saakin, Babe. Nandito ako. Pakikinggan kita. Maniniwala ako sayo, Entice. Mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan." wika niya.

Agad kong inalis ang kumot na nakatalukbong saakin. Hinatak ako ang leeg niya at hinalikan siya.

"Mahal na mahal rin kita."


*****************

Yezz! May ud na beshy!

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now