Chapter 6

1.5K 49 8
                                    

Entice's POV

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita ko si Taehyung na mukhang naiirita.

"Taehyung, nandito ka na pala. Bakit hindi ka p--"

Napaurong ako nang binato niya yung vase sa pader dahilan para mabasag ito. Lasing ba siya? Nilapitan ko agad siya.

Hinawakan ko yung kamay niya pero tinanggal niya yun. "Magiging asawa mo na nga ako! Pero nanglalandi ka parin!"

Nanlalandi? "Taehyung, seriously?! Wala akong nilalandi! Watch your words! Taehyung, pagod na pagod ako galing Boutique! Dalawang oras lang ako natulog! Naglinis ang ako ng bahay! Pagod pagod na ako tapos ganyan yung maabutan ko dito sa bahay!?"

I can't help but to cry. "Taehyung, kaya niya ako hinatid kasi ang sakit nang paa ko! Wala nang iba! Hindi ako nakikipaglandian! Taehyung naman.. Napapagod rin ako. Ang daming gagawin. Kasal na natin next week."

Napayuko siya. Umakyat ako sa taas pero natapakan ko yung bubog ng vase. "Aww." Wika ko.

Agad tumayo si Taehyung para tulungan ako. Nagulat ako nang binuhat niya ako bridal style.

"Baba mo nga ako."

Binaba niya ako sa kama. Takte, ang sakit. Napatingin nalang ako sa paa ko. Masakit na nga, dumugo pa.

Humiga nalang ako sa kama ko. Sa sobrang pagod ko, wala na akong pakialam. Gusto ko lang magpahinga.

Kumuha nang pajama si V at ng bandaid.

Taehyung's POV

"Entice, magbihis ka muna. Hindi ka makakatulog sa dress mo." Sabi ko. Napa-lip bite ako nang umungol siya.

Sh*t! Gago ka, Taehyung. Wag kang manyak.

"Go away! Pagod na ako." Inaantok niyang sabi at mahina niya akong tinulak. Ang tigas ng ulo.

Wala na akong nagawa kundi pagalingin yung sugat niya sa paa at tumabi sakanya. Tiningnan ko ang maamo niyang mukha.

Hinalikan ko yung noo niya. "I love you, Entice." Sabi ko at kinumutan siya.

________

Bumangon na ako para pumunta sa BigHit. Natutulog pa si Entice. Nakokonsensya ako sa ginawa ko kagahapon. Nasabihan ko siyang 'malandi'. And, alam kong nakakasakit 'yun.

Paano ako babawi? Busy ako lagi. Syempre, i'm an idol. Gawa nalang kaya kami ng baby tapos yung baby yung gift ko. Joke.

Naligo na ako at nagsuot ng simpleng damit. Bumaba na ako rin ako. Habang nagsusuot nang sapatos. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

Lumabas si Entice na nakahoodie. "Misis, kumain ka na. Sasama ka saakin." Sabi ko.

Tumango lang siya at pumunta sa lamesa para kumain. Sobrang awkward. Ang gago ko kasi eh. Ang cold na ni Entice.

Pagkatapos niyang kumain, nagbihis na siya at bumaba. "Entice, yung kagahapon pala. So-"

"Lika na. Wag kang magsayang nang oras."

Napasigh nalang ako. Tumayo na ako at sinundan siya palabas ng bahay. Alam kong galit siya saakin, sino bang hindi magagalit dun?

Ok, i was just jealous. Oo, nagseselos ako. Hinatid siya ng Kuya ko. And enemy ko yung Kuya ko. Why? Humiwalay siya saamin.

Imbis na magpaka-kim siya. Ginamit niya yung last name ni Mom na Byun. Sinisisi niya saamin ni Dad na iniwan kami ni Mom.

Kaya ayun, naghiwalay kami. Pumasok na ako sa loob ng kotse at nagsimulang magdrive papunta sa BigHit.

Nakarating narin kami. Agad siyang bumaba at pumasok sa loob. Pagkalabas ko, sigawan ng ArmyS ang narinig ko. May sumisigaw pa nga nang pangalan ko.

'OPPA!'

"TAEHYUNG OPPA! MARRY ME PLEASE!'

'GAGI WAG MO NAMAN AKONG ITULAK!'

'TAE TAE OPPA HUHUHU!'

I just smiled. Pumasok na ako sa loob, nawala na si Entice sa paningin ko. Baka naman pinuntahan niya yung Ate niyang malandi.

Ok, i'll stop saying that word. Kaso malandi talaga eh. Ok! Sorry. Pumunta na ako sa taas upang makapag-practice.

Naabutan ko agad silang nagpapractice. Lumapit ako sakanila. Pinalo ako ni Jimin sa braso.

"Eyow! Hitman bang intr-"

"TIGILAN MO NGA AKO, PANDAK!" Sigaw ko agad. Napasimangot naman siya. Wala ako sa mood.

Galit parin saakin si Entice. "Ano problema, Hyung?" Tanong ni Kookie.

"Galit saakin si Entice."

__________

Entice's POV

Kasama ko si Ate Irene ngayon. "Hey Bunso, kilala mo si Baekhyun?" Tanong niya. Baekhyun? Napaisip ako.

Maraming Baekhyun sa mundo. Pero, may kilala akong isa. "Ano apelido?"

"Byun, Byun Baehyun."

"Oo. Kilala ko. Wae?"

She smiled. "Hindi ka na kakasal kay Tae. Kay Baekhyun ka na kakasal." Masaya niyang sabi. Natigilan ako pero pilit akong ngumiti.

"Wae? Haha. Maayos naman ako kay Taehyung ah. Masaya naman ako."

"We don't actually care, Sis. This is Dad's decision. So, we need to follow it. The wedding is canceled. May one week ka nalang, enjoy."

She left me, crying. Paano ako? Paano kami? Oo, walang kami pero mahal ko na si Taehyung. Mahal ko siya. Napasabunot ako ng buhok ko. Hindi ko kaya, hindi ko kayang mahiwalay Kay Taehyung. Bakit kailangan pang mangyari 'to?

Masaya na ako. I'm ready. "Anong gagawin ko?" Umiiyak kong tanong.

Tumayo ako para pumunta sa office ni Dad. Ayoko na! Pagod na ako. Masisira na yung utak ko. Ang gulo-gulo! Hindi na ako nakakatok.

Binuksan ko agad ang pinto. Naabutan ko siyang nagbabasa ng mga files.

"Dad! Ayoko na! Pagod na pagod na po ako! Bakit kung kailan masaya na ako kay Taehyung saka niyo siya iaalis saakin?! Bakit nagbago ang isip ninyo!? Bakit lagi niyo nalang ako sinasaktan?! Lagi nalang ako yung nagdudusa! Bakit?! Dahil ba mas successfull si Ate sa New York!? I can do that too! Pero hindi niyo po ako binigyan ng chance ipakita yon! And now, tatangalin niyo yung happiness ko! No way! Kakasal ako kay Taehyung! Tapos!"

Hingal na hingal na ako pagkatapos ko yung sabihin. My Dad stood up and slapped me.

"You'll marry Byun Baekhyun whenever you like it or not."

___________

Umuwi na ako sa bahay. Hindi na ako sumabay kay Taehyung. Umupo ako sa Sofa at tumingin sa salamin. Yung mga mata ko, namumugto na.

Bakit kailangan pang mangyari 'to? Anong sasabihin ko kay Taehyung? Na ikakasal ako sa ibang lalaki? Mahal ko siya. Hindi ko kaya.

Umakyat na ako sa kwarto namin at humiga sa kama. Gusto ko munang magpahinga. Pagod na pagod na ako. Ayoko na. Gusto ko ng sumuko pero mahal ko si Tae.

Ok na siguro 'yon. Kasi pinapaasa lang naman ako ni Taehyung. Kaso, nahulog na ako sakanya.

"Mahal na mahal kita, Taehyung. Please forgive me."

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon