Chapter 69 ( Final Chapter )

825 33 0
                                    



Irene's POV

Nakaposas ang kamay ko. Katabi ko si Fatima at Xandra. "Ano po bang ginawa niyo kay Mrs. Kim?" tanong ng pulis.

Nagsimulang umiyak si Fatima. "Wala po kaming ginawa sakanya. Hindi p-po namin alam kung bakit k-kami ang nasisisi."

Kinamot ni Xandra ang ulo niya at binigyan ako ng masamang tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Iiwanan muna namin kayo." wika ng Police at lumabas ng kwarto.


Biglang tumayo si Xandra. "Bullsh*t! Ano na, Irene!?" sigaw ni Xandra.

Hindi ako kumibo. Whatever! Ano bang magagawa namin? "I'll find away, Xandra. Just wait." sagot ko.


"Puro yan naman ang sinasabi mo pero wala kang ginagawa!" sambit niya.


"Bakit may nagawa ka ba!?" wika ko at tumayo narin.

Hinawakan ni Fatima ang braso ko. "F*ck! Wag na nga kayong magaway. Baka may makarinig pa sainyo at pare-parehas tayong mabulok sa kulungan." aniya





"Yun ang mangyayari sainyo."


**************

Entice's POV

Napalingon silang tatlo saakin. Masama ang tingin saakin ni Xandra. "Wag kang makampante. Kukuha kami ng abogado." wika nito.

"Go. I don't care." sagot ko agad.


Hinawakan ni Fatima ang kamay ni Xandra upang pigilan ito. Napatingin ako kay Irene. "How's life? Ano? May nangyari bang maganda?" tanong ko at umupo sa harapan nila.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Paano na si Storm? Anong sasabihin namin sa bata?" tanong ko na may ngisi.


"Wag mong idadamay ang anak ko, Entice!" sigaw niya.

Nasa sahig ang mata nito. "Kahit hindi ko siya idamay, madadamay parin ang bata. Kagagawan mo 'yan." wika ko.


Tumingin ako kay Xandra. "Oh. Here's the mistress!"


Nakita kong sumarado ang kamao ni Xandra. I'm starting to love this show now. "What do you want?" tanong ni Xandra.

"Nothing. I just want to hear a beautiful story. Paano mo sineduce si Dad?" tanong ko.

Sumarado ang kamao ni Xandra at umiwas ng tingin. Tumingin naman ako kay Fatima na namamaga ang mata sa kakaiyak. "Nice acting, Fatima." komento ko.


"Stop! Umalis ka na!" sigaw ni Fatima.

Tinaas ko ang kamay ko. "Fine."

*************

Umupo ako sa kama namin. Naglalaptop si Taehyung at kausap niya ang parents niya. Humiga na ako at pinilit ang sarili kong makatulog. Suddenly, nakaramdam ako ng mainit na kamay sa bewang ko.


"Are you okay?"

I nodded. "Oo. Inaantok lang." sagot ko kay Taehyung.

"Itutuloy mo ba ang kaso sakanila?" tanong niya.

"Of course." sagot ko muli.

Nilapit ni Taehyung ang katawan niya saakin. Nararamdaman ko ang paghinga niya sa batok ko. Niyakap niya ako sa bewang at hinalikan ako sa tenga.

"Basta susuportahan kita." sabi niya kaya napangiti nalang ako nang wala sa oras.

Humarap ako sakanya at hinawakan ang mukha niya, "Kim Taehyung, i love you." wika ko at ngumiti.


Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderOnde histórias criam vida. Descubra agora