Chapter 5

1.6K 125 20
                                    

Yay! Nakapili na ako ng gown. Sayang, hindi kasama si Mom. Busy kasi sila. "Girl, gusto ko lalaki yung Baby niyo." Sabi ni Miranda. Pinanlakihan ko siya ng mata.

Juice colored, hindi pa nga kami kasal ni Taehyung nanghihingi na sila ng bata? "No! I want a girl." Tanggi ni Ann.

"Tama na, ok? Kung ano lumabas, yun na yun!" Sabi ko. Natahimik naman sila. Parang sila yung manganganak eh. Saka, si Taehyung? Papatayin ako ng mga fans niya.

Wag niyong kalimutan yung career niya. Syempre, mahal niya 'yun. At ayokong masira yun dahil saakin. "Ikain nalang natin 'yan. Saan niyo gusto kumain?"

Tinarayan lang namin siya ni Miranda. Ang takaw talaga nito. "Ann, kakakain lang natin. Push mo 'yan." Wika ko. Napakamot naman siya ng ulo.

"Ano balita kay Snakey?" Tanong ni Miranda.

Snakey? Sino yun? Kumunot ang noo namin ni Ann. "Snakey? Anong trip mo?" Natawa naman ako sa sinabi ni Ann. Pero sino nga yung snakey? Pangalan ba yun?

Ang panget naman. Parang plastik. "Duh! It's your sister, Entice." Sabi ni Miranda. Natahimik nalang ako. Hindi ko alam kung dapat akong magalit or what.

Hindi ko dapat ijudge si Ate nang wala akong ibidensya, ok? "Wala tayong evidence. Wag nating husgahan si Ate Irene." Wika ko.

"Hindi pa ba sapat yung nakikita mo, Entice? Sorry, pero wala akong tiwala diyan sa Ate mo. Halata namang inaahas niya si Taehyung. Alam niyang ikakasal siya sayo pero babe ang galawan."

Napayuko nalang ako. Well, tama si Miranda. Pero, ayokong gumawa nang gulo hanggang kaya ko. I love my sister, ok? Hindi niya yon magagawa.

____________

This is it! Bibili na kami ng singsing. Kasama ko si Taehyung at Ate. Napapansin ko lang, kanina pa aligaga si Taehyung. "Taehyung, are you alright?"

"E-Entice, pwede bang t-tayong dalawa nalang pumili n-ng singsing." Sabi niya. Ha? Bakit naman?

I pinched his cheeks. "Bakit naman?" Tanong ko. "I'm not comfortable with your sister."

Tumango nalang ako. "Ok, you'll stay here. I'll find her."

Inikot ko ang buong shop. Impossibleng makita ko si Ate Irene dito. Sa dami ng tao at laki ng shop nato.

Paikot-ikot ang tingin ko. Nasaan si Ate? Umakyat ako sa 2nd floor. Pilit ko siyang hinahanap pero wala naman siya. Saan nagpunta yun?

Bumaba na ako papunta kay Taehyung nang nawalan na ako ng pagasa. Nakita kong kausap niya si Ate Irene. Nandito na pala si Ate.

Napatingin sila saakin. "Hi Bunso, binili ka na namin ni Taehyung nang singsing. Nasukat ko na yung singsing, don't worry."

Natigilan ako. Kumuha sila ng singsing nang wala ako? "P-Pero-"

"Tae, lika na. Bayaran na natin." Yaya ni Ate Irene at hinatak si Taehyung papunta sa cashier.

Medyo nainis ako sa inasal ni Ate. Bakit siya ganyan? Ako yung kakasal dito. Bakit siya yung pumili ng ring para saakin?

Sinukat niya tapos sinukat rin ni Taehyung. Sila ba kakasal? Ok, Entice. Calm down. Naeexcite lang siguro si Ate Irene.

Lumapit ako sakanila. "Kakasal po kayo?" Tanong nung cashier kay Tae at Ate.

Magsasalita na sana si Ate Irene nang nagsalita si Taehyung. "Opo. Kakasal po ako sa kapatid niya, ito po magiging asawa ko."

Lumingon siya saakin at hinatak ako paharap. Kinilig naman yung cashier. "Wow! Sige po, balik po kayo."

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα