Chapter 66

661 25 10
                                    

Entice's POV



Naglakad ako patungo sa kusina. Nakita ko si Irene na nagluluto. Nandun si Mama at Papa sa lamesa at kumakain. "Good Morning, Anak." bati ni Mama pero hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko man dinalaw ang paningin ko sakanila ni Papa.


Pumasok ako sa kusina. Nakatalikod si Irene saakin habang natutulog. Sumarado ang kamao ko. Hinatak ko ang buhok niya kaya nabitawan niya ang sandok na hawak niya. "Ahhh!" sigaw niya. Marahas ko siyang hinatak palabas ng kusina.


Nabigla si Mama at Papa sa ginawa ko. Agad akong pinigilan ni Mama. Pinasayaw-sayaw ko ang buhok niya. "Tama na! Ano ba!" sigaw niya kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa buhok niya.

Nakarinig ako ng yakap sa hagdanan. "Entice!" sigaw ni Taehyung at lumapit saamin. Hinawakan niya ang mga braso ko. Kaya nabitawan ko si Irene. Nang mahawakan siya ni Mama, agad niya akong sinigawan.


"What's wrong with you?!" sigaw ni Irene habang inaayos ang buhok niya.

Ngumisi lang ako. Nairita siya sobra sa ginawa ko. "Ayan ang matatanggap mo kapag nilandi mo ang asawa ko. Wag na wag kang lalapit kay Taehyung!" sigaw ko. Nagulat naman si Mama at Papa sa sinabi ko. Hindi siguro nila inexpect na ang paborito nilang anak ay isang malanding babae.

Akala kasi nila matino. "Ano bang pinagsasabi mo?" galit na tanong ni Papa saakin. Tinaas ko ang kilay ko.

"Tanungin niyo ho siya." sagot ko at umakyat sa taas. Agad namang sumunod saakin si V.


Sinarado niya ang pintuan at humarap saakin. Nakaupo lang ako sa kama at nasa sahig nakatingin ang mga mata ko, "Why did you do that?" tanong ni Taehyung.


"Kasi ayokong nilalandi ka niya!" sigaw ko.


Natahimik naman si V. Ilang beses ko na bang tiniis yung mga ginagawa saakin ni Irene. Hindi ako kumikibo nuon pero masama narin ang loob ko. She's my sister kaya ayoko siyang awayin. But she's making me. Umupo sa tabi ko si Taehyung at niyakap ako.


"Ikaw ang mahal ko at hindi magbabago 'yon, Babe."


Hinawakan ni Taehyung ang kamay ko kaya medyo napalagay ako. Pero hindi ko parin mapapatawad yung ginawa ni Irene. Hindi lang naman 'yon ang ginawa niya! She kidnapped me. Yung necklace niya. Ngayon na alam ko na, na isa siya sa tatlo 'yun. Sinong tao pa ang pwedeng gumawa non?


"Jennie?" mahina kong bulong habang nagiisip.


"Baby, may sinasabi ka ba?"


Nabalik naman ako sa katinuan at umiling. Sa ngayon, dapat ako muna ang makakaalam ng mga bagay na ito.


***************


Jasmine's POV


Kumakain kaming dalawa ni Miranda rito sa Mcdo. Nagshopping kasi kami then nagutom kami. "Jasmine. Naaalala mo ba nung pumunta tayo sa warehouse na tinago si Entice?" tanong niya. Tumango lang ako.


"Why?" i asked. "Hindi ka ba nagtataka kung sino 'yung tatlong babae?" tanong ni Miranda. Napatigil naman ako sa pagkain. Hanggang ngayon, hindi padin namin alam kung sino man ang possibleng gumawa 'non. Wala nga akong idea, to be honest.


"Wala akong idea." sagot ko.

Tumalim ang mga mata ni Miranda kaya napalunok ako. Yung totoo, bat napaka-curious niya? Hmm. "Nakakuha kasi ako ng picture." wika niya kaya agad akong nacurios rin. May dinukot siyang litrato.


Nilapag niya ito sa lamesa na kinakainan naming dalawa, "Litrato ng Daddy ni Entice at isang babae. Nasa bar silang dalawa." sambit ni Miranda.

Kumunot naman ang noo ko. Bakit may ganitong litrato sa warehouse? May koneksyon ba ang babaeng ito sa Tatay ni Entice? Hindi naman ito ang Mom ni Entice. Uminom muna ako ng tubig, "Let's rest first." wika ko.


****************

Taehyung's POV


Kasama ko si Entice ngayon sa sementery. Nakaupo siya sa harap ng puntod ni Baby Leo. Umupo ako sa tabi niya at inabot sakanua ang water bottle, "I miss him, Baby." malungkot na sabi Entice.

I sighed. Minsan sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ni Leo. Pero kapag naiisip ko 'yon, laging sinasabi saakin ni Entice na wala akong kasalanan kaya napapanatag ako sa asawa ko. Lumapit ako kay Entice at niyakap siya. I kissed her forehead.


Nararamdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko, "Taehyung, mahal kita." sabi niya. Tumingin ako sa mga mata niya and i saw how sincere she was. I didn't hesitate to kiss her softly. I smiled when she kissed me back. Pinulupot niya ang kamay niya sa leeg ko.


"I love you more." sabi ko.

Nagstay lang muna kami dito. Kumain narin kami. Ayaw munang umuwi ni Entice dahil masama parin ang loob niya sa kapatid niya. Pinipigilan niya naman ang kanyang emosyon pero sobra sobra na daw ang ginagawa ni Irene. Tumayo ako.


"Madilim na, let's go home." yaya ko.


Tinulungan kong tumayo si Entice. Before we leave, "Baby Leo, babalik kami ni Mommy ok? I love you." sabi ko. Napangiti lang si Entice habang nakatingin sa puntod ni Baby Leo.

"We'll come back soon, Leo." sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami sa loob ng kotse.

**************

Entice's POV


Napagusapan namin ni Taehyung na dito muna ako magiistay sa bahay ni Ann at Jasmine. Siya naman, sa dorm muna ng Bangtan. Umupo ako sa tabi ni Jasmine, "Tawagan niyo si Miranda para kumpleto tayo." utos ko.

"Makautos ka!" sigaw ni Jasmine. Tinarayan ko lang siya at binuksak nalang ang TV. Nilabas ni Ann ang phone niya at tinawagan si Miranda. Magiisleepover kasi kaming apat. Matagal narin ang huling bonding namin kaya syempre, we'll take this opportunity.

"Magdala ka ng pizza, ok? Bye!" sambit ni Ann at ibinaba ang telepono niya.


***********

Tumunog ang doorbell. Tumayo naman ako para buksan ito. Pinapasok namin si Miranda sa loob at binuksan ang pizza. "Laro tayo mga gaga!" yaya ni Jasmine.


"Ok. Sure." wika ni Miranda at kumagat sa pizza. Ako naman, tahimik lang akong kumakain. Basta just go with the flow nalang sa gusto nilang laro. Hindi naman ako mapili eh.


"Truth or dare." sabi ni Ann kaya tumango nalang kaming lahat.


Umubo si Miranda. "May question ako para kay Entice!" sigaw niya.

Ngumiti lang ako at tumango.

"Kelan ulit kayo magkakababy!?"

**********

UD

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderKde žijí příběhy. Začni objevovat