Chapter 36

910 44 3
                                    

Dahil nakahit tayo nang 1k reads. Mahaba ang UD nato. Haha! Ginanahan lang si Ate Ivory niyo. :)

_________________

Taehyung's POV

Nasa kotse ako at papunta ako sa Hospital. Kasama ko si Leo at Storm. Gusto nila makita ang kalagayan ni Entice. Wala akong magagawa at hindi ko naman sila pwedeng alisan ng karapatang makita yung Mommy at Tita nila. Nagpark ako at magkahawak kaming lahat ng kamay.

"Daddy, is she okay?" Tanong ni Leo. I nodded. "Yes, Baby. Kailangan lang magrest ni Mommy Entice." Sagot ko sakanya habang nakangiti. Pumasok kami sa Hospital. Nakamask lang ako para walang makakilala saakin. Dumiretso na kami sa Room ni Entice at nakita namin si Jasmine na nagbabantay.

Ngumiti lang siya saamin. Nilapitan rin siya ng mga bata. Ako naman, tumabi ako kay Entice. Nilapitan ni Leo si Entice. "Hi, Mommy." Bati ni Leo. Tulog si Entice kaya hindi siya sumasagot. Pinagmamasdan ko lang si Leo. Ang tanga ko para iwan sila ng ganun.

"Taehyung, uuwi na ako. Darating naman si Ann." Wika ni Jasmine. Tumango nalang ako. Kinuha niya ang bag niya at umalis. Biglang gumalaw ang mga daliri ni Entice kaya napalingon agad ako sakanya. Unti unti niyang minulat ang mata niya. Napatalon naman si Storm at Leo.

Niyakap agad ni Storm si Entice. Si Leo naman, ngiting ngiti. "Tita, i'm glad you're alright." Wika ni Storm. Nginitian lang siya ni Entice. Lumingon si Entice kay Leo at niyakap ito.

"I miss you, Leo." Sabi niya kay Leo. Binuhat ko si Storm papunta sa lap ko. Hinalikan siya ni Leo sa cheeks.

"We miss you too! Me and Storm made cards for you, Mommy Entice."

Inabot ni Storm ang dalawang card na ginawa ng mga bata. Ngiting-ngiti si Entice sa nakita niya. Ako rin naman eh. Umupo muna sila Leo at Storm sa Sofa at naglaro. Hinawakan ko ang kamay ni Entice at tumingin diresto sa mga mapupungay niyang mata.

Ngumiti siya. "Taehyung, i'm sorry." Ani Entice. Nagulat nalang ako ng hinatak niya ang leeg ko at dun niya ako hinalikan. Teka, di ako makahinga.

"GO MOMMY! GO MOMMY!"

What the heck? Pinilit kong itulak si Entice, wag nalang, gusto ko rin naman eh. "Tita, hindi na makahinga si Tito! Huhu! Leo, should i call the Nurse?" Rinig kong tanong ni Storm. Aba, tong batang to.

Tinulak ako ni Entice. "Bad breath."
Sabi niya. Nagpout naman ako kaya napatawa siya.

Sweet ng Misis ko.

_______________

Entice's POV

Nakaupo ako sa kotse namin ni Taehyung. Makakauwi narin ako sa bahay namin. Nakela Mama at Papa si Leo at Storm. Si Taehyung naman, mamaya pang gabi aalis. Sabi ko nga, bakit naman gabi pa siya aalis. Sabi niya, may kukunin lang daw siya sa Bighit. Ewan ko ba kung anong gagawin niya dun. "Taehyung, daan na kaya tayo dun sa BigHit. Para hindi ka na aalis mamayang gabi." Sabi ko.

Umiling lang siya at ngumiti. "Wag na, Love. Diresto na tayo sa bahay." Sagot niya. Hindi nalang ako kumibo. Ano ba kasi yung kukunin niya dun sa BigHit? Importante ba 'yun? Ay, ewan. Pinark niya na ang kotse sa loob ng bahay namin.

Bumaba na kami at pumasok sa loob. Agad siyang humiga sa sala. Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si Mama.

"Hello, Ma? Tulog na po ba si Leo ay Storm?"

[Oo. Anak, okay ka na ba diyan?]

"Yes po. Ano po bang balak ninyo kay Storm? Hindi na po ba siya uuwi dito?"

[Oo, Entice. Dito muna si Storm, kasama yung Mommy niya.]

"Ahh, okay po. Magpapahinga na ako, Mama."

[Bye, Anak.]

Binaba ko na ang Phone ko. Mamimiss ko lang si Storm. Ako yung nagpalaki dun eh. "Taehyung, gusto mo bang kumain? Pagluluto kita." Wika ko sakanya. Umiling lang siya. Busy lang siya sa Phone niya. Umakyat na ako para magshower.

Nagsuot lang ako ng Pajama at bumaba ulit. Nakita ko siyang natatawa habang nakatingin sa Phone niya. "Sinong kausap mo, V?" Tanong ko. Tumingin siya saakin.

"Wala kang tiwala saakin?"

"Huh? Ano bang sinasabi mo? Tinatanong ko lang kung sino ang kausap mo."

Tinarayan niya ako at padabog na umakyat sa taas. I just sighed. Ano bang problema niya? Tinanong ko lang naman kung sino ang kausap niya. Walang ibig sabihin iyon. Uminom nalang muna ako ng tubig at umakyat sa taas. Nadatnan ko siyang nagjajacket.

"Aalis ka na ba?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot, kinuha niya lang ang bag niya at umalis. Napatulala nalang ako. Ano nanaman ang ginawa ko? Umupo nalang ako sa kama.

Baka pagod lang si V. Medyo tight nga kasi ang schedule nila diba? Kakacomeback lang nila. Pinagod ko pa si Taehyung sa Hospital. Biglang tumunog ang phone ko. Si Ann pala.

"Hello?"

[Ano? Kamusta ka na?]

"Okay lang. Ang cold saakin ni V, Ann.  Feeling ko may problema talaga kami."

[Hays! Imagination mo lang 'yon.]

"Oo nga. Nasaan ka?"

[Nasa BigHit. Bakit?]

"Huh? Diyan rin papunta si Taehyung eh. Anong ginagawa mo diyan?"

[May date kami ni Jimin.]

"A-Ann?"

[Bakit, Entice?]

"Pwede mo bang bantayan si Taehyung diyan?"

[Teka! I can see him! Bye muna.]

Bumilis ang pintig ng puso ko kaya nababa ko agad ang Telepono. Ano kayang malalaman ni Ann tungkol kay V? Oh, baka nagkamali lang ako?

Humiga nalang ako sa kama. Pinikit ko.

_________

Nagising nalang ako dahil sa ingay na tumutunog sa Cellphone ko. Agad akong umupo at sinagot ito.

Tumatawag na si Ann.

Sinagot ko agad siya.

[E-Entice..]

"Ann? Ano?"

[.......]

"Ann!"

[Nakita namin siya ni J-Jimin.]

"Ano ba? Sagutin mo ko. Anong nakita niyo?"

[She's having a dinner with Alex.]

"A-Ano? Niloloko mo ba ako?"

[No! Bakit kita lolokohin, Entice?]

"Hindi yan magagawa ni Taehyung. Atsaka, bakit naman sila magdidinner?"

[Bahala ka, basta sinabi ko yung nakita ko.]

Binaba niya na ang Telepono. Kinuha ko ang bag ko, nagpantalon ako at nagtali ng bun. Pupunta ako sa BigHit, titingnan ko kung totoo ba talaga yung nakita ko.

Hindi naman yun magagawa ni V. Saka, bakit naman sila magkikita? And, bakit hindi niya sinabi sakin?

Pero, paano kung totoo nga?

___________

OMO! TOTOO BA YUN? WAAAAAAAAHHH! Don't forget to comment and vote. 😍

Love you, Dees! 😘

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderМесто, где живут истории. Откройте их для себя