Chapter 65

667 30 9
                                    






Entice's POV

Humiga ako sa tabi ni V. Hinawakan niya ang bewang ko at pinagmasdan ang mukha ko, "I love you." sabi niya kaya napangiti nalang ako.


"I love you too, Baby." sagot ko at hinatak ang leeg niya. Agad ko siyang hinalikan. He slowly kissed me back. Humigpit ang kapit niya sa bewang ko.


Bumaba ang mga halik niya sa leeg ko. Nakaramdam agad ako ng init sa katawan ko kaya humigpit ang hawak ko sa damit ni Taehyung, "T-Taehyung.." i softly moaned.



*TOK TOK TOK*


Napaupo naman kaming dalawa sa kama. Inayos ko ang buhok ko. Sino ba yun? Binuksan ni Taehyung ang pintuan, "Dad. May kailangan po ba kayo?" tanong ni Taehyung.


Iniabot ni Papa sakanya ang mga gamot na kailangan kong inumin. Sumilip ako at kumaway kay Papa pero mukhang hindi niya ito napansin. Sinarado ni Taehyung ang pintuan at nilapag ang gamot sa lamesa. Iniabot niya saakin ang medicine kaya ininom ko nalang.


Pinatay niya na ang ilaw at tumabi saakin. Niyakap ko lang siya. "Taehyung, may gusto sana ako sayong itanong." sabi ko.

"Hmm?"

Napalunok muna ako. Tama kaya yung sinabi ni Taeyeon Unnie? Hindi ba awkward kung tatanungin ko si Taehyung about dun? Well, asawa ko naman siya and i think that's normal. Hinawakan niya ang bewang ko para mayakap niya pa akong mahigpit. Nilagay ko ang ulo ko sa dibdib niya at pumikit.


"Do you want a child, Babe?" tanong ko. Nailang naman ako bigla kaya tinago ko nalang sa dibdib niya ang mukha ko.

Hinagod niya ang buhok ko, "Let's plan first. Gusto ko kapag nagkaanak tayo ulit, matututukan natin."


Tumango nalang ako. Tama naman si Taehyung. Hindi naman dapat pabayaan yung magiging anak namin. "Baby, don't get me wrong." wika niya at tinaas ang mukha ko.


"Syempre, gusto kong magkaanak sayo. But i also want to be sure." dagdag niya at hinalikan ang noo ko.


Ngumiti ako at tumango. "I understand, Baby." sagot ko.



***********

Umupo ako sa Sofa nila Ann. Yes, nandito kaming tatlo sa bahay nila Ann. Hindi ko alam kung anong meron pero nagmomovie marathon kami. "May chika akong malupet." sabi ni Jasmine at umupo sa table.


Kumakain kaming apat ng pizza. Si Miranda nga nagbayad sa lahat eh. Rich kid strikes again. "Remember Jaime? Yung classmate natin noon!" sabi ni Jasmine with matching actions.

Tumango kaming lahat. Naging crush 'yun ni Jake eh. Silang dalawa ni Yassi. Alam mo, feeling ko fuckboy si Jake. Feeling ko lang naman. I'm not sure. Baka too friendly lang siya sa mga babae. "Girlfriend niya pala 'yun habang pinapaasa niya ko. Eto, galit saakin si Jaime." malungkot na sabi ni Jasmine.


Nagsigh nalang si Ann at lumapit kay Jasmine, "Wag kang magalala. Nagpaplastikan lang naman kayo." biro ni Ann kaya ayun, binatukan ni Miranda.


8:30 na ako nakauwi. Nadatnan ko si Mom na kasama si Ate Irene. They're always together. Nagbeso ako sa kanilang dalawa. "Akyat na po ako." wika ko. Aakyat na sana ako pero biglang nagsalita si Ate Irene.

"Late ka nang umuwi. Where's your husband?" tanong niya.


Tumingin rin saakin si Mom. "Nasa trabaho." sagot ko.



Alam mo yung nakakairita? Na nagpapanggap siyang may pakialam siya saakin kahit wala naman. Akala mo kung sinong magaling na artista kung umarte sa harap ng pamilya ko. Wala naman kasing maniniwala saakin. Eh paborito yan eh!

Tinarayan ko siya at umakyat sa taas. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto namin ni Taehyung. Binato ko ang bag sa kama at dumiresto muna sa CR. Nagshower ako at nagsuot ng pajama. Tumunog bigla ang phone ko.


From: Hubby

Late na ako makakauwi, Baby. Matulog ka na ok? I love you!


Napangiti nalang ako sa text na natanggap ko. How sweet. Humiga ako sa kama ko at nagtype nang text.


To: Hubby

Opo, Boss. Ingat ka ha! I love you too.  <3


**************

Taehyung's POV


Pinark ko ang kotse ko sa tapat ng gate at pumasok sa loob. 11:30 PM na ako nakauwi dahil may mga pyesa pa kaming inayos. Tapos nagpractice pa kami ng sayaw namin sa next comeback. Patay na rin lahat ng ilaw. Dumiresto muna ako sa kusina para uminom ng tubig.

Habang nagsasalin ako ng tubig sa baso, may biglang yumakap mula sa likod ko kaya napangiti ako. "Diba sabi ko matulog ka na? Ang kulit mo talaga." sabi ko at ibinalim sa Ref ang malamig na tubig.



Humarap ako sakanya at hinalikan siya sa labi.



*CLICK*


"T-Taehyung?"


Napamulat ako sa pagbukas ng ilaw. Tinignan ko ang nasa harap ko kaya agad nanghina ang tuhod ko. Tumingin ako kay Entice na nakatayo lang sa harapan namin ni Irene habang pinipigilan ang luha.

"Babe, l-let me explain." sabi ko. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya. Pero agad niya itong inalis at tumakbo papunta sa kwarto namin. Napasigh nalang ako.


I made her cry! Damn!


Lumingon ako kay Irene. "Masaya ka na ba?" sarcastic kong tanong kaya napawi ang ngiti sa labi niya.

Akmang aalis na ko pero hinawakan niya ang braso ko. Nagpumiglas ako. "V! I love you!" sigaw niya. Mahina ko siyang natulak. Tangina, alam kong babae siya pero ginagago na niya yung relasyon namin ni Entice.

I'm a human. May limits rin ang galit ko. Ilang beses niya na bang ginawa 'yan? "Hindi kita mahal!" sagot ko. She started to cry but the hell i care? Hindi lang naman ako ang apektado dito, si Entice din, asawa ko, at kapatid niya!


"Taehyung. You d-don't deserve her! I'm almost perfect, h-honey." ani Irene.


"Perfect? Insane."


Tumakbo ako papunta sa kwarto namin. Bubuksan ko na sana ang pintuan pero nakalock ito. Napakagat nalang ako sa labi ko. F*ck! Naiinis ako sa sarili ko. Kumatok ako.


"Baby? Please open the door." i pleaded. Nakailang katok na ako pero wala parin siyang balak buksan ang pinto. Napaupo nalang ako sa lapag at sumandal sa pader.

I didn't mean to hurt her. She's my wife and i love her so bad. Napatayo ako bigla nang bumukas ang pinto. Nakita kong magulo ang mahaba niyang buhok. Namumugto ang mga mata niya. Pumasok siya sa loob at humiga sa kama.


Nagtalukbong lang siya ng kumot. Tinabihan ko agad siya sa kama. "Entice, sorry." sabi ko at hinalikan siya sa leeg.


Niyakap ko siya ng sobrang higpit.


*************

BESHY! MASKI AKO NAIINIS NA KAY IRENE HOHO!

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now