Chapter 23

1K 38 15
                                    

Taehyung's POV

Nagbebreakfast kami ngayon ni Mom at Dad. Tahimik lang ako kasi hindi ko malimutan yung Entice. "Taehyung, puno na ang tubig! Anak!" Sigaw ni Papa kaya nabalik ako sa sarili ko. Sh*t, basa narin shorts ko.

Napahawak ako sa ulo ko. Nilinis ni Mom yung basa. Nababaliw na ko. "What's bothering you?" Seryosong tanong ni Mom. Napaiwas akong nang tingin. Pinagaalala ko lang mga magulang ko eh. Hays.

"Kasi po, may naalala po ako." Sagot ko. Nagkatinginan silang dalawa ni Dad. Hinawakan ni Mom ang kamay ko. "A-Anak, wala lang yan. Wag mo ng alalahanin, ha." Wika ni Mom. Tumango lang ako.

"Entice." Bigla kong sabi. Nagulat si Mom at Dad. Entice, familiar yun ah. Parang may kilala akong Entice na pangalan. Napaisip ako. Kumunot ang noo ko.

Entice Ga...

"Wala ka namang kilalang Entice. Sino ba yun?" Nagtatakang tanong ni Dad. Ang weird nila. Why do they act so weird?

Teka, Entice Gabrielle ba yon?

________________

Entice's POV

Kasama ko si Storm at Leo ngayon sa sala. Nanonood lang ako ng balita habang sila nagbabasa nang libro at naguusap. Nagaalala parin ako kay Ate Irene eh. Natapon ko yung unan sa pinto nung biglang bumukas ito.


Nakita ko yung tatlong maldita. Wait, bakit sila nakapangbeach? "Hoy! Wala kayo sa Palawan mga bruha." Sabi ko. Tumawa si Jasmine na parang Donya. Baliw na sila. Nakashade sila at hat. Tapos may tapis sa bewang nila.


Nakasingot ba sila? "That's why pupunta tayo sa Palawan, next week!" Sigaw ni Miranda. Si Ann naman, umiinom nang smoothie. Palawan? Ang layo naman nun. "Ayoko, tinatamad ako!" Sigaw ko. Binatukan ako ni Miranda.


"Wag kang ano, sama ka na!" Sigaw ni Ann. Mga taga-bundok eh.

Umiling lang ako. "Ayoko. Boring." Sagot ko. Binatukan ako ni Jasmine.

"Ang epal mo! Gigil ka, Bes." Sabi niya.

Nagpout nalang ako. "Hi Titas! This is my cousin Storm." Sabat ni Leo.

Papansin anak ko, hoho. Kinurot ni Miranda sa pisngi si Leo.

"Wag! Ito talaga eh!" Sigaw ni Ann. Ayaw niya sa bata. Tinarayan lang siya ni Miranda.

"Sumama ka na kasi, Dai." Wika ni Ann. Binato pa ako ni Jasmine ng unan.

Mga bully eh. "Oo na! Oo na!"

_________________

Alex's POV

"Hi, Alex. Kamusta na kayo ni Taehyung?" Tanong ni Tito. Napangiti lang ako.

I'm so happy. Hindi ako nakokonsensya.

Dahil sa simula palang, akin na ang Boyfriend ko. Walang kay Entice. Sipsip naman yun.

"Okay po kami, Tito. Masaya po." Sagot ko. Napangiti ang Mom niya.

Look at that, masaya yung Mom niya saakin. Unlike, kay Entice.

Ako kasi, ako ang mahal ni Taehyung. Although, nagsinungaling ako sakanya.

"Taehyung wants to go to Palawan." Balita ni Tito. Kumunot ang noo ko. Hindi pede!

No way. "Oo nga, sasama narin ako." Wika ni Tita. Humigpit ang hawak ko sa palda ko.

"Paano si Entice?" Mataray kong tanong. Natigilan sila.

Ayokong magkita pa sila. "Bakit naman sila magkikita kung wala naman dun si Entice?" Sagot ni Tita.

Sabagay, wala naman siguro. Impossible yun 'no. "Okey. I agree na." Wika ko.

______________

Entice's POV

So, hinahanda ko yung mga damit ni Storm at Leo sa Palawan. Biglaan ba naman kasi.

I'm not ready for this. Nakita kong pinapakain ng Ice Cream ni Miranda sila Leo at Storm.

"Wag masyadong marami ah." Paalala ko.

Tumango lang silang tatlo. Pumasok ako sa banyo at naligo.

"Babalik ako, Love. Babalik ako."

"Tsk, gago." Bulong ko. May naalala lang ako. Binuksan ko ang shower.

Nasaan na kaya si Taehyung ngayon? Babalik pa kaya siya? Hays, iniwan niya lang ako.

Sumabay sa pagbaksak ng tubig ang luha ng mata ko.

Mahal ko parin si Taehyung hanggang ngayon. Mahal na mahal.

Pero wala akong magagawa kung ayaw niya na sakin. Hindi niya alam na may anak siya.

Si Leo, ayokong lumaking walang tatay ang Anak ko. Pero, kailangan kong kayanin.

Hindi ako pwedeng umasa sa ibang tao. Binenta ko narin ang Boutique.

Pinatay ko ang shower at nagtapis. Lumabas ako nang banyo at nakita ko si Storm na umiiyak sa gilid.

Agad ko siyang nilapitan. "Why are you crying, Storm?" Tanong ko. Tinaas niya ang kamay niya.

Picture nila ni Ate Irene.

Nagiba bigla ang aura ko. "I want to see Mommy. Tita, i miss her." Humihikbing wika ni Storm.

Bumuntong hininga nalang ako at niyakap siya. Mahirap lumaki ng nakahiwalay sa mga magulang.

"She'll come back soon. Get ready na, ok?" Wika ko. Tumango lang siya at pinunasan ang luha niya.

______________

Dala dala namin ang maleta. "Let's go!" Sigaw ni Ann. Ok, medyo na excite ako sa sigaw ni Ann, haha. Hinawakan ni Leo ang kamay ko.


"Mommy, look at me. Swag." Sabi niya habang nakasuot nang shades.


Kung ano ano nanaman ginagawa nila ni Storm. Inayos ko ang buhok ni Leo. "Wag masyadong makulit sa byahe, ok?" Wika ko.


Tumango silang dalawa kaya napangiti ako. Pumasok na kami sa van. Mahabang byahe ito, sigurado.


Taehyung's POV


"Really? Pumayag si Mom, Babe?" Masaya kong tanong. Tumango si Alex kaya napatalon ako sa tuwa. Ang ganda kasi talaga ng Palawan.


Gusto ko dun kami ikasal ni Alex, pero hindi pa ngayon. "Dun kita papakasalan." Wika ko kaya napangiti siya. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko.


Wala naman siguro kaming magiging problema because she's humble and honest. "I love you!" Sabi niya at hinalikan ako sa cheeks.


"I love you too." Sagot ko sakanya.


Tumayo muna siya para kumuha nang meryenda sa kusina. Pinatong ko ang paa ko sa maliit na table at humilata. "Babe, nasaan yung dati kong phone?" Tanong ko. Nagulat si Alex.


Kumunot ang noo ko. Sabi niya, sira daw yun. Sayang naman kasi, pwede naman yun ibenta. "Huh? Kalimutan mo nayun, sira na yun." Wika ni Alex. "Kaya nga eh, bebenta ko nalang." Wika ko.


"Wag na nga, Taehyung! Ang kulit mo naman eh!" Sigaw niya. Sinisigawan ko ba siya? Bakit niya ba ko sinisigawan? Masama ba yung gagawin ko?


Mapapakinabang naman yun kapag nagawa eh. Hindi naman kami mayaman. "Bakit ka ba sumisigaw?" Medyo naiirita kong sabi. Gusto ko lang mapagawa yun, gusto ko makita yung sarili ko nuon.


Padabog na nilapag ni Alex yung pagkain sa harap ko. "Bahala ka sa buhay mo."


Ano ba kasing meron sa phone nayun?

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ