Kabanata 36

11 2 0
                                    

Hannah's POV

Nanunuot pa rin ang lamig sa kabila ng sigang na binuo ni Ram. At dahil doon hindi maiiwasan ng aming mga katawan na manghina at madala sa temtasyong makatulog pagkatapos magpakabusog. Bawat isa nga ay naghanap ng mainam na pwedeng matulugan. Ang chinitang si Lei ay tila na hindi naghihiwalay kung saan man pumunta si Luna. Malapit sila sa isang malaking puno at doon nga naglagay ng makapal na tela at nahiga. Malapit sila sa isa't isa ngunit hindi naman masyadong magkatabi. Isang metro ata ang layo nila sa isa't isa. Huwag lang silang masyadong malapit at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na paghampasin sila ng ugat ng punong kinaroroonan nila.

Hindi ko napapansin si Greenus simula pa nang magsimula kaming kumain. Habang si Ram naman ay kinukumbinse ang lalaking nagmamaneho na pagbigyan kaming makapagpahinga kahit ilang oras lamang.

"Oh bakit hindi ka pa bumabalik doon sa loob ng karwahe para maipagpatuloy mo ang pagtulog mo?" napabalikwas ako. Si Rey pala.

"Gusto ko nga pero parang nawala na ang antok ko. Ikaw na lang. Magbabantay na lang muna ako dito. Baka kasi may magawing kalaban dito."

"Sige sasamahan na lang kita," sabi nito sabay upo sa tabi ko. "Ahm, Hannah, pwede magtanong?"

Nilingon ko siya at nginitian, "Pwede naman, ano ba iyon?"

"Maaari bang magkatuluyan ang isang tao at ang isang Algerian?"

Napangiti ulit ako sa tanong nito. Bakit niya kaya naitanong ito? Seryoso ba talaga ito na nagugustuhan niya ako?

"Pwede naman," lumitaw ang matamis na ngiti sa labi nito. "Bakit, may balak ka?"

"Ah, ah... ah..." utal-utal nitong sagot. Nagulat siya ata. "Kasi, hindi naman lingid sa iyo na may tama ako sa iyo di ba? Pero hindi ako nagmamadali." Malikot ang mga kamay nito habang sinasabi ang mga iyon.

Magandang lalaki naman si Rey. Maputi, malaki ang dibdib,katamtaman lang ang taas at maitim ang buhok, hindi tulad ng kapatid nito na may halong kape sa gawing kaliwa. Sa kabila ng pagiging bobo nito minsan, ay pwede na ring maging syota. Pero iba kasi ang tinitibok ng puso ko. Maliban riyan ay mukhang dapat kong iwasan ang tuluyang mahulog sa isang tao. Dahil pagkatapos ng misyon ni Luna ay dapat na naming isara ang mga lagusan at hindi na dapat muling makipagsalamuha ang mga Algerian sa mga ito.

"Nainis ka ba sa mga sinabi ko?" tanong nitong muli.

"Ah, ah... Hindi ah," ngayon ako na naman ang nauutal.

"Ganoon ba. Pero alam mo, napapansin ko lang, mukhang may gusto ka sa aming kaibigan. May nararamdaman ka ba kay Luna?" Wala na ang ngiti sa mukha nito. Sa halip ay isang seryosong mukha ang ipinamalas niya sa akin.

Muli akong ngumiti sa kanya. Hindi ko dapat aaminin na medyo nahuhulog na nga ako kay Luna. Dapat walang sinuman ang makakaalam ng pagkahanga ko sa binatilyo.

"Pero kung sakaling meron man..." hindi nito naipagpatuloy ang sasabihin.

"O, bakit?" tanong ko.

"Hmmn... wala kalimutan mo na lang. Wala naman akong karapatang hadlangan ang kasiyahan ng sinuman di ba?"

Mukhang pinariringgan niya ako pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Ganoon pa man, dapat maging seryoso ako sa planong hindi ipagpaalam ang aking nararamdaman.

"Kean! Kean...Kean..." dinig naming sigawan ni Luna.

"Si Luna," napansin agad ni Rey ang matinding pag-alala sa mukha ko. Huli ko na ring namalayan na naiwan ko na siya dahil agad akong kumaripas sa kinaroroonan ni Luna.

Naabutan kong ginigising ni Lei si Luna. Binabangungot ata ito. Pero kahit anong gawing paggising ni Lei ay hindi ito minumulat ang kanyang mga mata. Patuloy itong nagsisigawan ng pangalan ng kanyang kapatid.

"Luna, gumising ka! Gising!" pamumukaw ng chinita.

"Ako na," sabi ko dito.

Hindi ako pinansin ni Lei at nagpatuloy ito sa pagkuyog sa binata.

Biglang dumating si Greenus mula sa kakahuyan.

"Kean...Kean..Kean..." muling sigawan ni Luna.

Nagulat na lamang ako nang sampalin ito ni Lei. "Gumising ka!"

Bigla itong nagising. Lalapit sana ako nang bigla siyang niyapos ni Lei. Agad namang kumawala si Luna.

"Anong nangyari?"

"Nagsisigawan ka. Nananaginip ka ata," si Ram na kanina pa palang nasa aking likuran.

Dagli akong lumapit dito at hinaplos-haplos ang kanyang balikat, "Nandito lang kaming mga kaibigan mo."

Sandaling sinulyapan niya ako at agad na yumuko. Sinubsub nito ang sarili sa kanyang mga braso at nagsimulang umiyak. Naaalala niya ang kanyang kapatid at batid kong higit siyang nasasaktan. Lalo na't hindi niya na ito muling masusulyapan pa. Naalala ko tuloy ang mga mahal ko rin sa buhay. Madadatnan ko pa kaya sila?

"Kailangan ko munang mag-isa," naginginig na sinabi ni Luna. Agad kaming tumalima. Hindi pa sana aalis si Lei ngunit hinila na ito ni Greenus para mapagbigyan ang hiling ni Luna.

Sana hindi mawalan ng pag-asa si Luna na maipaghigante ang kapatid. Nawa'y maging inspirasyon niya rin ito para makipaglaban. Alam kong mahirap tanggapin ang tungkulin ng pagiging tagapagbantay ng mga agimat pero sana hindi niya ito tatalikuran.

(Ipagpapatuloy...)

Algera Unang Aklat : Hangin at TubigWhere stories live. Discover now