Kabanata 6

90 5 0
                                    

Hannah's POV

Mataas ang araw noon nang madatnan namin ang iilang malalaking sasakyan na humahakot ng mga tipag ng tulay. Restricted na ang area na iyon kaya't pinigilan ko si Luna na lumapit doon lalo na sa sitwasyon niyang hindi pa masyadong makalakad ng mabuti. Ayaw ko ring may makakita pa ng kaya kong gawin maliban sa kanya. Halos hindi maipinta ang mata niya bunga ng pagdaloy ng mga luha sa kanyang mukha. Makikita ko ang labis-labis na pagmamahal nito sa kapatid niya. Hindi ko maiwasang maalala tuloy ang aking pamilyang iniwan ko sa gitna ng digmaan sa Algera.

Pinilit ko siyang bumalik sa bahay na tinutuluyan ko. Hindi na siya nabigla nang ginamit ko muli ang portal. Siguro dahil sa sobrang pagluluksa niya ay hindi na sumagi sa isipan niya ang matakot o  mamangha pa.

Hinayaan ko muna siya sa kwarto para makapagluksa ng mabuti. Kawawa naman ang napili ng mga agimat. Ang bigat ng pinagdadaanan ng kanilang pinuno.

Lumipas ang dalawa pang araw at wala pa rin sa mood para makipag-usap si Luna. Mabuti nga at sinabi niya rin sa akin ang pangalan niya. Ngunit batid kong hindi lang sapat na makita ko ang napili nilang amo. Kailangan ko ring magabayan siya kung paano niya magagamit ang mga ito. Baka mahuli na ang lahat kapag tumagal pa ako dito. Kailangan ko na siyang kumbinsihing tulungan kami. Hindi ko man alam kung papano ko sisimulan ang pangungumbinse sa kanya ay dapat ko ng subukan. Bahala na, sana tulungan ako ng mga agimat para makumbinse siya.

Sinugod ko si Luna sa kanyang kwarto. Sana gising na siya at tumahan na sa kakaiyak. Hindi siya dapat magpakita na mahina siya sa mga pagkakataong ito.

Ramdam kong tahimik ang loob ng kwarto. Natutulog pa nga siya. Bahala na, gigisingin ko na lang. Mahalagang desisyon rin naman ang gusto kong marinig sa kanya ngayon. Binuksan ko ang pinto. Tahimik talaga at walang kabuhay-buhay ang silid. 

Ngunit bumungad na walang tao sa kama. Tanging mga bendahe ng kanyang paa ang nakalatag doon. Hindi kaya pumasok siya sa banyo? Mabilis akong pumunta sa banyo at tiningnan kung nandoon siya. Walang Luna akong nadatnan.

Agad akong lumapit sa bintana at dumungaw. Nakita ko na lamang ang mahabang tela na itinali niya at ginawang hagdan pababa. Nasa ikalawang palapag kasi ang kwarto niya. Hindi ito maaari. Mukhang another round of hide and seek na naman ang mangyayari sa akin. Tinalon ko ang bintana  at napansin ko ang mga yabag pagkababa ko. Ibig sabihin hindi pa masyadong matagal nang tumakas ito.

Sinundan ko ang yabag at nawala na lang ito nang marating ko na ang kalye. Akala niya ata hindi ko siya matutuntun. Gamit ng agimat ay hinanap ko siya. Hanggang sa napadpad ako sa isang coffee shop na gawa sa fiber glass ang palibot nito. At hindi ako nagkakamali, andoon siya na nakasuot ng black na jacket. Nakaface mask siya siguro ay para hindi siya agad makilala ng mga tao. Mula sa labas ay nakikita kong nakatutok siya sa TV na naroroon.

Siguro bahagi ito ng kanyang pagluluksa kaya't hinayaan ko na lamang siya. Aabangan ko na siya dito sa labas at babantayan kung saan siya pupunta. Hindi nagtagal ay napatayo siya at hinigop ang biniling kape at mabilis na lumabas ng coffee shop.

Nagtago ako sa isang eskinita na madadaanan niya. Ang direksyun niya ay pabalik sa amin.

"Mukhang nagmamadali ka ha?" pambibigla ko sa kanya.

Nilingon niya ako at medyo gulat ang mukha, "Mabuti at nasanay na ako sa pagkabigla kung hindi siguro sumunod na ako sa kapatid ko."

Nginitian ko siya para gumaan ang pakiramdam niya. Gumana nga at ngumiti ang maamo niyang mukha. Kahit andoon pa ang lungkot sa bilugin nitong brown eyes ay hindi pa rin nakapagbawas ng kagandahan niya. Guwapo nga siya. Hindi ako nagtataka kung bakit mukhang dugong bughaw ang pinili ng mga agimat. Mataas din ang ilong nito na tulad din sa mga hari. Maganda din ang katawan at higit sa lahat ang kintab ng laging brush up nitong buhok.

Algera Unang Aklat : Hangin at TubigNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ