Kabanata 27

20 3 1
                                    

Luna's POV

Mabuti at tumahan na ang galit ni Rey sa amin. Ngunit bakit kailangan pa na magkahawak-kamay sila ni Hannah na pumasok sa portal? Nakakainis bakit pa kasi isip bata pa iyong isinama namin. Pero bakit nga ba ako naiinis? Nahuhulog na ba talaga ako sa kay Hannah? Pero teammate lang naman kami di ba? Teammate para sa misyong ito. Kaya't hanggang doon na lang Luna, maliwanag?

Lumabas kami sa tuktok ng mausoleum na nilabasan din namin noong una kaming pumunta sa himlayan. Ngunit di tulad ng una naming pagpunta ay mas maraming Rectus ang naririto ngayon . May natatanaw din kaming anim na Rectus na nakagwardiya at bumubuo ng shield sa himlayan na pinagmumulan ng mga zombies. Patunay lamang na mas lalo pa nilang pinoprotektahan ang kung sino man ang naroroon sa libingan.

Marami ding zombies ang kumpol-kumpol na nagbabantay sa paligid. Hindi na sila umaalis para maghasik ng lagim sa mga bayan.

"Kakayanin ba natin sila?" tanong ni Rey sa akin.

"Huwag lang tayo mawawalan ng pag-asa. Malalampasan din natin ito," tugon ko dito.

Lumapit sa amin si Hannah, "Kailangan nating magbawas ng kalaban."

Idinantay niya ang kanyang dalawang kamay at naramadaman namin ang pagpapalabas niya ng kapangyarihan. Nang tanawin namin ang baba ay nakita namin ang bakas na nabuo ng mga ugat na patungo sa himlayan. Bumulagta sa mga kalaban ang dalawang malaking ugat na humampas sa ilan sa mga ito. Kasunod noon ay ang sigawan ng mga Rectus.

"Sa tuktok ng mausoleum!" sigawan ng isa sa kanila.

"Lagot nakita nila tayo," si Rey. Kumakawala na naman siguro ang daga sa dibdib nito.

"Wala na tayong magagawa kundi ang kaharapin sila. Ano man ang mangyari ay dapat nating maibuhos iyan sa himlayan," utos ko sa kanila.

Tumango silang dalawa bilang pagsang-ayon. Bumuo ng portal si Hannah, pumasok kami doon at lumabas malapit sa himlayan. Agad kaming sinugod ng mga Rectus at zombies. Kahit higit ang dami nila ay walang takot kaming nakipaglaban. Ewan ko lang sa iba diyan?

"Water dragon!"

Naglaho ang mga zombies na susugod sa akin. Habang si Hannah naman ay ginamit ang mga baging para isa-isang maglambitin ang mga Rectus na bumubo ng shield.

"Pagkakataon mo na Rey. Kailangan mong maibuhos ang tubig sa himlayan," tawag ni Hannah kay Rey na abala sa pag-aasinta sa mga kalaban.

"Sige, susubukan ko." Tumakbo ito agad patungo sa himlayan.

"Water canon!" asinta ko sa mga humahabol sa kanya.

"Salamat!" sambit nito nang lingunin ako.

Nagpatuloy siya sa paglapit sa puntod na iyon habang nagpapatuloy naman ako sa paglinis ng kanyang dinadaanan. Malapit na siya sa puntod nang kinuha nito ang sisidlan ng tubig at binuksan. Dahil kumpol-kumpol pa ang mga zombies sa harapan nito ay lumundag siya bago inihagis ang sisidlan patungo sa puntod.

"Dark smash!" dinig naming isinambit ng isang Rectus mula sa likuran. Isang babaeng Rectus na may mahabang itim na kasuotan ang bumulagta sa amin. Bendado ang ulo nito, mga kamay at paa. Pero malakas ang atakeng iyon na ipinakita ni Guido nang magkaharap kami. Galit na galit ang mukha nito na tila gusting kainin na si Rey.

"Hindi maaari, naglahao ang sisidlan na parang bula," namutawi ni Hannah.

"Water canon!"

Mabilis na nakailag ang babae.

"Kamahalang Ariah, mahina ka pa, baka mapapano ka?" dinig naming pahayag ng isang Rectus na lumapit sa babae matapos bumagsak sa gilid ng puntod.

"Huwag niyo akong alalahanin. Hindi dapat natin bibiguin si Kapitan Guido," tugon nito.

May dalawang portal na nabuo sa harap ng puntod. Doon nagsilabasan ang mga karagdagang Rectus para humarap sa amin. Nakita ko naman ang pag-alalay ni Hannah sa bumagsak naming kasama. Sana bumagsak din ako para alalayan niya ring tumayo.

"Luna sa likuran mo!" sigaw nilang dalawa sa akin.

Agad akong lumingon at nasapo ko ang pagsipa ng isang Rectus. Bumagsak ako ng ilang metro mula sa Rectus na sumipa sa akin. Nag-antay ako na baka may Hannah na lumapit at tumulong sa akin ngunit nabigo ako. Ano ka ba naman Luna, magseryoso ka nga?

Nakita ko ulit ang Rectus na tumalon para atakehin ako kaya't pinalipad ko siya gamit ng aking water canon. Hindi na siya bumagsak dahil naglaho ito na parang bula sa ere.

Lumapit sa akin sina Hannah at Rey. Kasunod noon ay pag-ikot ng mga zombies sa amin.

"Masyado na silang marami," ang duwag na si Rey.

"Hannah, bumuo ka ng portal, ngayon na?" utos ko dito.

"Hindi pwede, mas mahihirapan tayong makipagbakbakan sa loob ng portal," tanging tugon nito.

"Huwag niyo silang hayaang makalapit dito," utos ni Ariah sa mga tauhan. Lumundag ito sa itaas ng puntod para siguradong walang makakalapit.

Magkadikit na kaming tatlo sa aming kinaroroonan at inaantay na lang namin ang pagsugod sa amin ng mga halimaw. "Heto ang pra sa inyo, water dragon!"

Naglaho ang mga zombies na nakapalibot sa amin pero agad na nagkumpulan naman ang iba pang zombies sa harap ng puntod.

"Kahit anong gawin natin ay wala pa rin tayong magagawa hangga't wala tayong tubig mula sa tiber," si Rey.

Tama nga siya. Walang silbi pa rin kung walang tubig mula sa ilog ng Tiber. Kunsabagay hindi pa rin namin batid kung ang tubig nga ang sagot para mapigilan ang pagsilabasan ng mga zombies. Ngunit ang pag-iingat nila ay isang patunay na tama nga ang ginagawa namin.

"Ano na ang gagawin natin Luna?" tanong ni Hannah.

"Wala na tayong magagawa kundi subukang makatakas gamit ang portal. Kailangan natin ng tubig," sabi ko.

"Sand storm!"

Napalingon kaming tatlo sa aming narinig. Matapos mawala ang sand storm nito ay bumulaga nga si Greenus sa aming harapan.

"Meron nga bang nangangailangan ng tubig dito?" tanong nito.

Napangiti kami sa sinabi nito. Sumunod sa kanya ang isang fire truck kung saan lulan nito sina Rey, Lei at mga sundalo.

"Hindi maaari," galit na sigawan ni Ariah.

Kasunod noon ay nagtakbuhan ang mga zombies sa gilid ng puntod at tila unti-unti silang nagsasanib para maging isa- isang malaki at dambuhalang halimaw.

"Anong kababalaghan ito?" dinig kong namutawi ng babaeng kasama nina Lei.

"Luna..." mahinang nautal ni Hannah sabay hawak sa aking kaliwang kamay. Ang sarap naman ng tagpong ito. Kung magiging huling sandali ko ito ay magiging masaya ako. Ay, biro lang. Kailangan namin itong tapusin na. Lalaban pa rin kami kahit anong mangyayari...

(Ipagpapatuloy...)


Algera Unang Aklat : Hangin at Tubigजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें