Kabanata 26

22 3 0
                                    


Hannah's POV

Bumagsak kami sa harap ng bahay ni Mona. Napangiwi naman si Rey sa hindi maayos niyang pagbagsak.

"Pasensya nakalimutan ko palang nakapulupot ka sa baging," pagpaumanhin ni Luna. Agad naman siyang tinulungan na makatayo at makawala sa mga baging.

"Salamat sa pagmamalasakit, kahit batid kong mas gusto niyo na wala ako dito ngayon," inis nitong sinabi.

Nagkatinginan na lamang kami ni Luna sa inasal nito at napangiti.

"Hindi ka talaga tumatanda," si Luna sabay tapik sa balikat nito at kumatok sa pintuan nina Mona.

Napamulat na lamang kami nang bumukas ng kusa ang pintuan.

"Tingnan mo Luna, bukas na rin ang mga bintana sa itaas," tawag ko rito.

Dali-dali kaming pumasok at mas nangamba kami sa kalat na aming nadatnan. Nagkaroon ng matinding labanan sa loob ng bahay ni Mona.

"Hindi...ka..ya..." utal-utal na sabi ni Rey.

"Huwag mong isipin iyan," seryosong dugtong ko. "Manalangin na lamang tayo na ligtas silang lahat."

"Halika nga kayo dito," tawag sa amin ni Luna na pumasok sa kusinang bahagi ng bahay.

Mabilis kaming lumapit sa kinaroroonan niya at napansin agad namin ang butas na nabuo doon.

"Para saan iyan?" tanong ni Rey.

"Para saan ba? Eh di para takasan nila," pang-inis ko dito.

Napakamot na lamang ito.

"Baka maabutan pa natin sila," pahayag ni Luna at agad na lumundag sa butas. Sumunod na rin ako.

May kataasan pala ang butas na ginawa, at...."Aaah!" Muntik na ako doon ah.

"Ok ka lang?" tanong ni Luna na nakalambitin sa lubid. Hawak-hawak niya ang kanang braso ko nang sinalo niya ako mula sa itaas.

Hindi nagtagal ay napanganga na lamang kami nang tumalon na rin si Rey at dire-diretsong paibaba.

"Luna...!" sigawan nito.

Dinig namin buhat sa aming kinaroroonan ang pagbagsak nito. At sinundan ito ng maugong hiyaw nito sa sakit. Hindi rin nagtagal ay nag-ingay din ang mga zombies na naroroon. Dali-dali akong bumitaw kay Luna at bumuo ng portal. Lumabas ako sa kinaroroonan ni Rey na agad ko namang hinatak papasok muli sa portal. Mabuti lang at naabutan ko siya kung hindi ay mapapatay siya ng mga zombies lalo na't napakadilim sa ilalim.

Lumabas kami sa bukana ng butas na sinampahan ni Luna kanina. Nakita rin namin na kakaakyat niya lang nang tuluyan kaming nakalabas ng portal.

"Whoah! Ganyan talaga kayo nuh, gustong-gusto niyo talaga na lagi akong bumabagsak," pagdadrama ulit ni Rey.

"Pagpaumanhin ulit. Mabilis niyo kasing sumunod sa akin," si Luna.

"Tama na iyan, mas maraming buhay ang mas nangangailangan ng tulong natin ngayon," awat ko sa kanila.

"Ah ganoon. Ipinagmumukha mo pa sa akin na walang kwenta ang buhay ko," galit na sambit nito.

"Rey tama na iyan," sambit muli ni Luna.

Tumahimik ito at nameywang. Tumango lang si Luna bilang hudyat para tumakbo at tahakin ang butas na iyon. Makalipas ang ilang minutong pagtatakbo ay nadatnan namin ang isang lagusan. Lagusan iyon ng isang tunnel. Marahil gumawa sina Greenus ng butas para makadugtong dito. Ang talino naman!

May nakikita kaming bakas ng mga pagsabog sa aming daanan. Batid naming si Greenus ang may kagagawan noon. Kahit ganoon ay hindi pa rin kami kampante na ligtas nga sila. Masyadong marami ang mga halimaw at baka hindi nila ito nakayanan at natakasan.

Pagkalabas sa bukana ng tunnel ay may mga zombies na umatake sa amin. Kahit paika-ika ay umasinta agad si Rey.

"Patunay lang iyan na may silbi din ako ha?" tugon nito sabay tingin sa akin.

Hindi maaari. Galit siya sa akin.

"Water pours!"

"Gravite radici!"

Nakita ko kung paano naglaho ang mga zombies nang ihampas sila ng ugat sa tubig ng ilog.

"Luna, nakita mo iyon?" agad kong tanong sa kanya.

"Oo. Natunaw sila sa tubig," sagot nito at mabilis na bumuo ng water dragon mula sa tubig ng ilog.

Mabilis ngang nagsilaho ang mga zombies na sumusugod sa amin.

"Lumusong tayo sa tubig!"

Walang patumpik-tumpik na sumunod kami ni Rey sa kanya. Sa inaasahan ay natakot ang mga zombies at nagsiatrasan.

"Marunong din naman pala sila na umatras," pahayag ko.

Tumingin sa akin si Luna, habang si Rey ay sumimangot at tumingin sa malayo.

"Hindi ka ba masaya na may sagot na tayo sa ating problema?" tanong ko rito.

"Masaya," kaswal at walang kaemo-emosyong sagot nito.

"Kung ganun, ano pa ang hinihintay mo, sumalok ka na ng tubig," utos ko sa kanya dahil sa aming tatlo ay siya lang ang may dalang sisidlan ng inuming tubig. Takot ata makaramdam ng uhaw sa laban.

Hindi pa ito kumibo. Nilapitan na namin siya ni Luna.

"Oo na, heto na!"

Pagkatapos niyang sumalok ay sabay namin siyang niyakap ni Luna.

"Team tayo di ba?" sabi ni Luna sa kanya.

Nagkatinginan kaming tatlo at napangiti ng wala sa oras.

"Oo na!" sabi nito at sabay kaming humalakhak.

"Paano ang iba nating kasamahan?" pawi nito.

"May nakita akong yapak na patungo sa tubig. Iisa lang ang ibig sabihin noon, nakaligtas sila at marahil nakatawid papunta sa kabila," sagot ni Luna. "Ipanalangin na lamang natin na ligtas silang lahat. May tiwala ako sa kanila kaya dapat magtiwala rin kayo."

"Ok Team! Tayo na para ihatid ang mga patay sa kanilang huling himlayan," tawag ko sa kanila pagkatapos bumuo ng portal.

Unang pumasok si Luna. Nakita niya naman kung paano ko hinablot ang kamay ni Rey na mukhang natrauma na sa malupit na bagsakan.

(Ipagpapatuloy...)


Dearest Algerians, kamusta naman ang takbo ng kwento? Exciting pa rin ba? Hmmn sana nga dahil we're almost halfway na at malapit ng matapos ang unang aklat. Hindi pa natin narating ang mundo ng Algera kaya keep on reading the updates ha? Mwah!Mwah!Mwah!


Algera Unang Aklat : Hangin at TubigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon