Kabanata 12

72 4 0
                                    

Luna's POV

Lumabas kami sa isang damuhan malapit sa baryong itinutukoy ni Ram kanina. Nakita naming may bakas ng sunog sa daan at malamang ay nakapasok na ang hayop n a iyon sa baryo.

"Nahuli na tayo kapatid," tugon ni Rey sa kambal.

"Bilisan na natin, kailangan natin silang sagipin," sagot naman ni Ram.

Kumaripas kaagad kami sa pagtakbo at nakita namin ang mga tirahang natutupok ng apoy. Walang katao-tao sa paligid at wala rin ang presensya ng hayop. Malamang ay nakaalis na siya dito.

Tumungo si Ram sa isang tirahang gawa sa bato. Agad itong kumatok at nagsisigawan.

"Mona... Mona... Andiyan ka ba sa loob?"

Bahay pala ni Mona ang pinuntahan niya.

"Pag-ibig nga naman, susuungin ang lahat kahit kamatayan," pahayag ni Rey. Kung ganoon si Mona pala ang kasintahan ni Ram at ang babaeng lagi niyang ikinukwento sa amin ni Rey.

Bumukas ang pintuan at may lumabas na isang babae. Magandang babae. Manipis ang pilik-mata niya na bagay sa mala yebeng mukha nito. Mapula ang labi at may katangkaran.

"Kailangan nating pumasok agad, Ram," bungad nito.

Nakita niya kami at sumenyas na pumasok kaagad. Pumasok kami doon at nakita namin ang iilan pang kanayon nito na umiiyak at natatakot.

"Iilan lang kaming nandito, ang iba ay nagsitakbuhan. Ang iba ay maaaring nasa kani-kanilang bahay at baka na-trap," si Mona.

Niyakap na lamang ni Ram ang kasintahan dahil nagsisimula na itong umiyak. Tahimik lang si Hannah habang pinagmamasdan ako. Batid niyang gusto kong tulungan sila. Pero paano namin magagapi ang isang iyon?

"Kailangan na nating gumawa ng paraan bago pa maubos matupok ang baryong ito," sabi ko sa kanya.

Hindi siya kumibo. Maging sina Ram at Rey ay batid ang ibig kong sabihin. Lumabas kaming apat para tulungan ang maaari pa naming matulungan sa labas. Nagpaalam si Ram kay Mona at mabilis na kaming tumakbo. 

"Kailangan natin ng mapagkukunan ng tubig pamatay ng mga apoy." Tumango silang tatlo. Naghiwa-hiwalay kami para humanap ng anumang water sources sa lugar na iyon.

Nakakalungkot pagmasdan ang unti-unting natutupok na mga bahay. Malungkot dahil batid ko ang pakiramdam ng isang taong walang tirahan. Halos mangiyak na akong nang maalala ang tirahan namin, na kasama ko pa si Kean. Hindi pwedeng may magsapit pa sa sinapit mo Kean.

Biglang umilaw ang aking bulsa. Kinuha ko ang sisidlan na pinagmumulan ng ilaw at binuksan ito. Nagliliwanag ang agimat na may hugis kabibe. Kinuha ko iyon at naging anino. Nawala ito sa aking kamay  at nag-anyong tao. 

Isang lalaki ang lumitaw sa aking harapan, nakayuko habang ang isang paa ay nakaluhod. 

"Handa ka na bang maniwala sa milagro Luna?" anas nito.

"Si..si.. sino ka?" gulat kong tanong sa kanya.

Ngumiti ito at tumayo. "Ako ay iyong sandata laban sa kasamaan. Ako ang iyong alipin na handa kang damayan. Ang pangalan ko ay Leo. At ako ang agimat ng tubig."

"Ku...kung ganoon totoo pala kayo. Kailangan ng nayon na ito ang tubig dahil sa mga apoy na iyan na tumutupok sa mga tirahan," sabi ko dito.

"Kung ganoon naniniwala ka na namay magagawa ako para riyan."

May konting pagkainis ako sa sagot niya ngunit pinakiusapan ko siya muli.

"Kailangan nila ng tulong mo! Kaya't kung pwede tulungan mo sila, tulungan mo kami..."

Algera Unang Aklat : Hangin at TubigWhere stories live. Discover now